anim

9 1 0
                                    

-----Ezikiel-----

Nang ipinahiram ko sakanya ang cellphone ko ay narinig ko ang usupan nila ng nanay nya sa cellphone, narinig ko na kailangan nya pala ng 3 million para sa lupa nila,at nang makita ko syang umiyak ay naka ramdam ako ng kirot sa puso ko,hndi ko alam kung anong nangyayari sakin pero ng makita ko syang umiyak ay isa lng ang gusto kong gawin kundi ang pasayahin sya dahil ayoko na nakikita syang uniiyak,may kakaibang epekto sya sakin at may iba akong nararamdaman sakanya na ngayon ko pa lng nararamdaman







Nang ihahatid ko sya sa tiya nya ay mas nakilala ko pa sya,hndi lng sya maganda mabait at matulungin pang anak.Kaya nyang gawin ang lahat para sa pamilya nya.






At sa mga oras na magkasama kami ay feeling ko ibang tao ako,napangiti at napatawa nya ako ang akala ko ay hndi na ako marunong ngumiti at tumawa pero ng dahil sakanya ay nagawa ko ulit.Kapag kasama ko sya nagagawa ko ang gusto ko nagiging totoo ako at ang sarap sa feeling na maging totoo






Nang maihatid ko sya ay hndi agad ako umalis,dahil may kung anong nagtutulak sakin na wag umalis at bantayan lng sya,nakita ko syang umupo sa gilid ng kalsada,bumuntong hininga sya at biglang umiyak,ayan na nman yung puso ko parang nawawarak kapag nakikita ko syang umiiyak







Kaya agad kong pinaandar ang sasakyan ko at huminto sa harap nya,lumabas ako at yumakap sakanya.Halatang nagulat sya ginawa kong pagyakap sakanya kahit nman ako ay nagulat din sa ginawa ko pero ng makabawi sya ay yumakap na din sya at umiyak ulit




"Shh,tahan na jane. Ano bang nangyari?" Tanong ko,iniangat nman nya ang mukha nya at tumingin sakin




"H-hndi na dyan nakatira ang tiya ko,hndi ko alam ang gagawin ko Ezekiel wala akong matutuluyan ngayon" sabi nya at umiyak na nman,pinunasan ko nman ang mga luha nya gamit ang mga kamay ko




"Wag kanang umiyak,sa akin kana lng tumira,at tutulungan kita sa problema mo" naka ngiti kong sabi sakanya






"S-sigurado ka?baka nman maka abala ako sayo?" Nauutal nyang sabi






"Don't worry,wala nman akong ibang kasama sa bahay ehh" sabi ko pa





"Maraming salamat tlaga Ezekiel" sabi nya at niyakap ako,nang mga sandaling yun naramdaman kong lumundag ang puso ko at may mga paro parong lumilipad sa tiyan ko









Sumakay na kami sa sasakyan ko at papunta na kami sa mansyon,ang mansyon na yun ay pag aari ko ipinundar ko gamit ang sariling pera ko.Nang silipin ko si Jane sa passenger seat ay mahimbing na syang natutulog siguro ay dahil sa kakaiyak nya kanina








Inabot ng ilang oras ng makarating kami sa mansyon, hndi ko na ginising si Jane dahil mukhang masarap ang tulog nya binuhat ko sya ng bridal style at idineretso sa isang guest room sa mansyon ko,iniutos ko nlng sa mga maid na iakyat ang gamit nya sa kwarto nya.





Nang mailapag ko sya ay mahimbing parin syang natutulog,hndi ko maiwasang mapatitig sa maamo at magandang mukha nya hanggang sa madako ang mga mata ko sa mapupula nyang labi para bang gusto kong halikan ang mga iyon pero alam kong hndi maari at gusto ko kapag hinalikan ko sya ay tutugon sya,hinalikan ko na lamang ang noo nya at inayos ang kumot nya








Lumabas na ako ng kwarto ni Jane at nagutos sa mga maid na maghanda nlng ng hapunan,dumiretso ako sa kwarto ko at sinimulang nagtrabaho,pero habang nagtatrabaho ako ay bigla na lamang lumilitaw ang maamo at magandang mukha ni Jane hndi ako makapag focus sa trabaho ko kakaisip sakanya





Magkaibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon