-----Mikaela-----
Nagising ako ng madaling araw,agad akong bumangon at inihanda ang mga bagahe ko kinuha ko ang luma at malaki kong bag at kinuha ang mga damit at pang alis na dadalhin ko,itinupi ko ng maayos lahat ng mga damit para magkasya lahat
Nang malagay ko na lahat ng kailangan ko sa bag ay kinuha ko nman ang nakatagong alkansya ko sa ilalim ng papag ko,pagkabukas ko sa alkansya ko ay binilang ko lahat ng laman umabot nman ito ng 3,000.Simula ng high school ko pa itong alkansya na ito at matagal ko na din itong iniipon ang balak ko para sana dito ay pangkokolehiyo ko ito pero mas kailangan ko ito ngayon kaya ito ang gagamitin kong pamasahe paluwas ng maynila
Kimuha ako ng pantalon at ng kulay puting plain na t shirt at underwear at lumabas na ng kwarto para maligo,nang maka pasok ako sa banyo ay agad akong naligo at nagpalit ng damit.pag labas ko ay naabutan ko si inay sa kusina at mukhang naghahanda na ng umagahan nmin nang makita nya ako ay nagulat pa sya dahil nakapang alis ako
"Saan ang lakad mo mikay?" Tanong ni inay sakin
"Inay ngayon na po ako luluwas ng maynila para maghanap ng trabaho,ayoko pong sayangin ang oras gusto ko maka ipon agad para mabili ang lupa" sabi ko sakanya
Lumapit nman sya sakin at niyakap ako ng mahigpit,yumakap din ako pabalik sakanya ilang Segundo din kaming ganun ng maramdaman kong nabasa ang t shirt ko
"Salamat anak dahil gumagawa ka ng paraan para maisalba ang lupa natin" umiiyak na sabi ni inay
"Inay wala po ito,alam ko nman pong importante ang lupang ito sainyo ni itay kaya gagawin ko ang lahat para manatili ito satin.Wag kana po umiyak" sabi ko sakanya sabay hagod sa likod nya
Kumalas nman sya sa yakap at saka ngumiti sakin
"Sige na anak at maghahanda muna ako ng agahan natin" sabi nya kaya tumango lng ako pumunta na sa kwarto ko
Sinuot ko ang lumang rubber shoes ko at iniligay ko sa wallet ang pera ko atsaka sinuklay ang buhok ko ng matapos ay kinuha ko na ang papel na naglalaman ng address ni tiya atsaka inilagay sa bulsa ko,kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto ko ipinatong ko muna sa upuan sa sala ang bag ko tska pumunta sa gapagkainan
"O ate bakit nakapang alis ka?" Tanong ni Joel
"Oo nga anak may lakad ka ba?" Sabi nman ni itay
"Opo,luluwas po ako ng maynila ngayon para maghanap ng trabaho pupuntahan ko din si tiya Carmen para sakanya muna ako tumuloy pansamantala" sabi ko at umupo na din
"Ganun ba?mag iingat ka dun anak ah,pasensya kana at kinailangan mo pang pumunta ng maynila para lng mabayran ang lupa" malungkot na sabi ni itay
"Wala po iyon,gusto ko lng po kayong tulungan ni inay" sabi ko pa
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik,at ng matapos ay si Joel na ang naghugas at ang sabi nila ay ihahatid dw nila ako hanggang sa terminal ng bus
Alas 8 ng umaga ay nandito na kami sa terminal at paalis na ang sasakyan kong bus kaya naghabilin na ako sakanila
"Ito inay isang libo ipangdagdag nyo na lng po sa mga pambili nyo ng gamot nyo" sabi ko kay inay at ibinigay ang isang libo
"Baka wala ka ng dyan anak" nagaalala nyang sabi umiling lng ako bilang tugon
"Basta inay ang mga gamot mo inumin mo wag kang magpapakapagod sa bukid,ikaw nman itay mag ingat kayo sa pangingisda at Joel ikaw na bahala kila inay at itay alagaan mo sila" sabi ko at hndi na mapigilang hndi maiyak
"Opo ate" sabi ni Joel na ngayon ay lumuluha na din
"Tatawag ako Kay aling nena inay kapag nakarating na ako dun at kung magpapadala ako,alagaan nyo ang sarili nyo mamimiss ko kayo" sabi ko pa at niyakap sila
"Mag iingat ka dun anak,wag mong papabayaan ang sarili mo tumawag ka lng kay nena kapag may problema ah.Mahal kita anak at mamimiss kita"umiiyak na sabi ni inay
"Opo,kayo ko na po ang sarili ko lagi nyo pong tandaan na mahal na mahal ko kayo.Paalam na po at aalis na ang bus" sabi ko at sa huling pagkakataon ay niyakap at hinalikan ko sila sa pisngi
Umakyat na ako sa bus dahil ang sabi ng kundoktor ay paalis na dw, nang maka upo ako sa may tabi ng bintana ay nakita ko pa ang pagkaway nila inay,itay at joel
Ito ang unang beses na malalayo ako sakanila,kaya mabirap para sakin ang gagawin kong ito pero kailangan dahil alam kong para din ito sa ikabubuti nmin
Itinabi ko na ang papel na naglalaman ng numero ni aling nena,dito ko lng sila makocontact dahil wla nman kaming cellphone at kahit nga TV ay wala din eh tanging radyo lamang at electric fan lamang ang meron sa bahay
Isinandal ko nlng ang ulo ko sa bintana dahil 5 oras pa ang byahe papuntang maynila
Nagising ako dahil mag yumuyugyog sa balikat ko ag pagdilat ko ay nakita ko ang kundoktor ng bus
"Ineng,nasa terminal na tayo bumaba kana dahil ikaw nlng ang natirang pasahero mukhang napasarap ang tulog mo" sabi nya kaya agad nman akong napalinga at nakita ko ngang ako na lng ang pasahero
"Ay pasensya na ho manong" sabi ko at tumayo,kinuha ko na ang bag ko at isinuot
"Ay manong maari po bang malaman Kung paano makakapunta dito?" Sabi ko at ipinakita ang address ni tiya Carmen
"Ah sa Quezon city pala ang punta mo,sumakay ka ng jeep papuntang Fairview mga 1 oras din ang byahe at sabihin mo sa tapat lamang ng ever tska ka tumawid ng overpass at sabihin sa driver ang address na yan" sabi nya at ibinalik sakin ang papel
"Maraming salamat po" sabi ko at bumaba na ng bus
Naglakad na ako palabas ng terminal at sakto nmang may nakita akong karinderya sa tapat kaya tatawid na sana ako dahil gutom na ako pero bigla nlng may sasakyang sumulpot at nabangga ako
Narinig ko pa ang mga bulungan ng mga tao sa paligid at ang paglitaw ng isang imahe sa harap ko ng biglang nagdilim ang lahat
BINABASA MO ANG
Magkaibang Mundo
Romancedalawang tao ang nabubuhay sa magkaibang mundo.. ang isa ay mayaman,arogante,gwapo,bad boy at mapangmataas samantalang ang isa nman ay mahirap,maganda,masipag,at kayang gawin ang lahat para sa pamilya nya pano kung magkatagpo sila sa hndi inaasahang...