1: first encounter

24.6K 275 5
                                    

ALUDY’S POV

Pagkatapos kong  makuha ang aking mga gamit ay maingat kong sinara ang aking kotse at naglakad papasok sa loob ng mansion ng aking  Lola. Salamat makakapagpahinga na rin ako sa wakas.

Paakyat na ako  ng hagdanan ng makasalubong ko si yaya Susan. “hi yaya, si grandmama po ba tulog na?” tanong ko sa kanya.

“Ay naku ma’am Aludy hindi pa po tulog si Senyora.  Andun po sa garden at may bisita.” Imporma niya sa akin.

Napakunot-noo ako. “anu? Hindi pwede yun alas diyes na ng gabi masama sa kanya ang nagpupuyat . Paki-akyat nalang nitong mga gamit ko sa room at ako na ang bahalang magtaboy kung sino man ang bisita niya. Hindi dapat pinupuyat si grandmama  makakasama sa kalusugan niya.” Sabi ko sabay abot sa aking gamit sa kanya at naglakad ako patungong garden ng mansyion.

Malapit na ako sa malawak na hardin at di ko mapigilan ang mapangiti. Maganda talaga ang aming hardin at alagang-alaga ito nang aking  grandma. Ito rin ang paboritong tambayan naming dalawa ni lola lalo na ang parteng gazebo. Napakunot ang aking noo nang mapansin kong may isang tao na nagkukubli sa isang malagong  tanim at kung saan ang pinaka madilim na parte ng aming hardin .

Kinabahan naman ako. Napasok yata kami ng magnanakaw. "Help Lord, hindi kasali sa pangarap ko ang makahuli ng kriminal” piping dasal ko pero bigla din akong napa-isip. Mahigpit pala ang security sa subdivision namin kaya impossibleng basta nalang may makapasok doon. Inihanda ko ang  ang sarili at mananagot sa akin ang kung sino man ang nagkukubli sa halamang iyon. Naglakad ako patungo doon na na animo’y susugod ako sa world war II.

“Hoy, bakit ka nagtatag…” hindi ko pa man maituloy ang aking sasabihin ay tinakpan na ng estranghero ang aking bibig. Nagtangka akong sumigaw at nagpumiglas pero wala akong  laban sa kung sino man ang may hawak sa akin. “Lord, katapusan ko na ba? Wag naman po baby pa po ako” anang isip ko. “Pero infairness, ang bango naman ng magnanakaw na ito.” Anang malanding bahagi ng utak ko.

“Miss hindi ako masamang tao. Bibitiwan kita pero mangako ka na hindi  ka sisigaw ok.” Sabi niya  at ewan ko kung bakit parang kay sarap sa aking pandinig ang kanyang baritong boses.

Gosh pati boses lalaking-lalake.” Naisip kong kailangan ko munang makawala sa kung sino man ang may hawak sa akin kaya tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. Dahan-dahan niya akong binitiwan.

“tell me, bakit ka nandito at nagtatago sa bahay namin. Magnanakaw ka ba?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Imbes na sagutin ako ng lalaki ay inalalayan nito ang aking mukha na tumingin sa isang direksyon. Ganun nalang ang aking pagka gimbal sa eksenang aking nakikita. I am seeing my grandmama na may katabing may edad din na lalaki habang ang lalaki ay nakaakbay sa aking lola at ang huli ay nakahilig ang ulo sa dibdib nito.

Halos malaglag ang panga ko sa aking nakikita. “Anu yan? PBB teens? May gosh kung teenager yan kikiligin pa ako. Pero my goodness mga kulo,.. wahhh ayaw ko ituloy ang sasabihin ko.” Sabi ko sa estranghero kong katabi na tahimik lamang. HIndi ko kayang nakikitang nakikipag lampungan ang lola ko. “Sino ba ang lolo na iyan,. Oh my gosh … don’t tell me he is your grandpa?” tanong ko.

“yea, you got it right” tipid niyang sagot sa akin pero halata sa boses na hindi rin nito gusto ang nakikita.

“my god, kanina ka pa dito wala ka man lang ginawa para patigilin sila sa ganyan” natapik ko ang akingg noo. Mas stressful yata ang aking nakikita  ngayon kesa sa stress na nararanasan ko sa pagpapatakbo ng “Squisito” ang restaurant naming magka-kaibigan na kasalukuyang may limang branches na.

“for your info miss whoever you are, kararating ko lang din dito dahil tinawagan ako ng driver ni lolo na ayaw pa niyang umuwi. Like you, ngayon ko lng din nakita ang nakikita mo.” Sagot niya sa akin. “hmmp tunog suplado” naisip ko. Sa mga sandalling iyon ay sobrang lapit namin sa isat-isa kaya hindi rin maiwasan na magdikit ang aming mga balat.  May nararamdaman akong kakaibang sensasyon na ngayon ko lang naramdaman.

“Pa..pauwiin mo na ang lolo mo” halos magkandabuhol-buhol kong sabi sa kanya habang pilit kung inaaninag ang kanyang mukha  sa kadiliman. Gusto kong makita ang hitsura ng lalaking nagpapawala sa matino kong kaisipan dahil sa mga sensasyong nararamdan ko habang siya ay katabi ko.

“ok, pero sasamahan mo ako dahil kumbinsihin mo din ang lola mo na pauwiin na si lolo” sagot naman niya sa akin.

“sure, no problem.” Sagot ko sa kanya at nanguna na akong maglakad. Hindi ko na napansin na may nakausling bato sa dinaraan namin kaya natapilok ako. My initial reaction  is to find any or something I can grab on para hindi ako tuluyang matumba. Nagkataon na ang estranghero ang una kong nahawakan at dahil hindi niya napaghandaan ang mangyayari ay nahatak ko  siya at sabay kaming natumba. Dahil rin sa gulat ay napatili na lamang ako at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang hinihintay ko ang pagbagsak ng aking katawan sa lupa.

Naramdaman kong masakit ang aking likod at may mabigat na nakadagan sa akin kaya unti-unti kong iminulat ang aking mga mata only  to be mesmerized by a deep-set eyes with very pure and sharp color of blue and  I feel like I am lost in it. I continued checking on him, ang matangos nitong ilong ay hindi naka lampas sa akin. Tiningnan ko rin ang kanyang mga labi, mamula-mula ito na parang kay sarap halikan. I really find his lips sexy, I can’t help thinking how would it feel if he will kiss me. How could this man be so dashingly handsome. Marami naman akong nakilalang gwapo at mga ex-boyfriend na mga gwapo pero iba talaga ang dating ng lalaking ito sa akin.

“So, what can you say? Did I pass on your assessment?” he asked with sparkling eyes that made its color more brighter and blue. Hindi ko naman maiwasang mamula dahil sa hiya pero naiinis din ako dahil sa kayabangan niya.

“Lakas ng confidence mo, ang kapal di lang ikaw ang gwapo sa mundo.” Sabi ko para pagtakpan ang aking kahihiyan pero mukhang mali pa yata ang aking ginawa dahil lalong lumuwag ang ngiti ng hudyo.

“oohh you said it yourself, you find me handsome” he said teasingly and I find him cute and I hated it at the same time.

“get off me will you.” Utos ko sa kanya dahil nakadagan pa rin siya sa akin at sa totoo lang nabibigatan na ako sa kanya. Tantiya ko ay umaabot sa higit anim na talampakan ang tangkad ng lalaki bukod pa sa malaki at maganda ang katawan nito na halatang alaga sa gym.

Oo na, pinangarap ko maging modelo o kaya stewardes pero isa ako sa mga babaeng Pilipina na hindi naambunan ng magandang height kaya imposible sigurong matupad yung pangarap ko na iyon. Sa totoo lang nakarami na ako ng kain ng margarine at kakainom ng cherifer dahil sa paniniwala kong baka mag-tangkad sagad pa ako pero wala talaga hindi na nadagdagan ang aking flat 5 na height. Namana ko yata talaga ang aking height sa aking grandmamma at sa aking mommy na katulad ko ay maliit din. Dahil sa lumilipad kong pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa amin ang aming mga grandparents.

“Aludy, ohh my God. Anu ba yan apo nakakahiya naman yang pinag gagawa mo. Aatakihin ako sa iyo sa puso hindi ganyan ang itinuro ko sa iyo.” Over pa sa O.A na reaksiyon nang aking grandmamma. Napakunot nalang ako sa noo dahil sa totoo lang wala akong ideya kung ano nga ba ginawa ko na sinasabi sa akin ni grandmamma.

“Ikaw naman Robert, hindi mo dapat sinasali si Aludy sa mga kalokohan mo. Nakakahiya kay Aurora my loves ko. “ sabi naman ng lolo ng estrangherong lalaki na Robert pala ang pangalan. At teka anu daw ang savihh teh? “Aurora my loves?”  jowa ba ito ng lola ko bakit hindi ko alam?

“Ano pong kalokohan” naguguluhan man ay naitanong ko rin sa wakas.

"Wala po kaming ginagawang masama” narinig kong sabi naman ni Robert.

“wala? Tingnan nyo nga yang hitsura niyo kung wala.” Nagdududa at galit na turan ng aking abuela at tsaka ko lamang napansin na ang aking isang kamay ay nasa batok ni Robert  at ang isa ay nasa buttocks nito. Samantalang ang kamay niya ay nakahawak sa aking dibdib at ang isa ay nasa aking hita na noon ay expose dahil naka skirt lamang ako. “Ohhh my Goodness this is disaster” I thought habang hindi ko maitago ang pamumula ng aking mukha.

FREUNDE SERIES 2: Lost In Your Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon