PROLOGUE
Simulat sapul hindi ko alam kung saan ako nagmula basta ang alam ko may pamilyang kumupkop sa akin.
Sanggol pa lang hindi ko na nakita ang totoo kong mga magulang ang sabi nila sa akin sa gubat lang nila ako nakita.
Iba ako. Yan ang sinasabi nila sa akin, kaya inaalagaan nila ako ng maigi at mabuti.
Sa isang maliit na tahanan kung saan may nagsisilbing ama at ina ako nakatira kasama pa ang kanilang anak na babae na tinuring talaga akong isang tunay na kapatid ay sapat na sa akin. Sinuwerte ako dahil sa lahat ng taong kumupkop sa akin sila, sila ang kumupkop kahit nahirapan na sila sa sitwasyon nila.
Gusto ko malaman kung sino ako, gusto kong malaman kung saan ako nagmula. Sino? Sino ang makakatulong sa akin?
Sabi sa akin ng mga magulang ko lapitin ako ng mga peligro kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa ko.
Nang...
Nang nakilala ko ang apat na lalaki sa buhay ko. Ang weird nila, dahil may hinahanap daw sila.
Sino naman kaya iyon?
BINABASA MO ANG
My Four Mysterious Guardians (New Generation) - [COMPLETED]
Fantasy-----COMPLETED---- BOOK 2 Hindi ko alam kung saan sila nagmula basta ang alam ko bigla lang sila dumating sa buhay ko. Mysterioso ngunit sila ay kinikilala kong guardian. Guardian ko daw sila simula't sapul. Ano ba ang meron sila? Bakit nila ako b...