CHAPTER 42

989 43 2
                                    

CHAPTER 42

REAZIAH POV

Hindi ko mapigilan na hindi magalit sa lalaking nasa harapan ko. Kasabay nang pag-agos ng luha sa pisngi ko ay kasabay din ang pangyayari kung paano niya, nila pinaslang ang kapatid ko.

"Prinsesa! Ayos ka lang? May problema ba?" Pag-alo sa akin ni Ashton. Tinulungan niya akong tumayo. Ramdam ko ang panginginig nang laman sa katawan ko.

Galit, eto ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magalit sa lalaking nasa harapan ko, lalo na't siya ay isang matalik kong kaibigan.

"Huwag ka nang umiyak." Seryosong sabi ni Blaizer. Hindi ko sila pinansin. Inalis ko ang pagkahawak ni Ashton sa braso ko at nilapitan muli ang lalaki.

"Ryan?! Bakit?! Bakit ninyo pinatay si Anne?! Sino ka ba?! Sino kayo?!" Galit kong tanong sa kaniya. Tila nagulat siya sa pagsigaw ko ngunit nakabawi siya agad at tumawa na mas ikinakulo ng dugo ko.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kaniya nila Leif dahil may sugat at dugo sa kaniyang mukha. Nararapat lang sa kaniya iyon, kulang pa, kulang pa ang ginawa nila sa lalaking ito.

"Hahahaha! Nagustuhan mo ba ang munti kong supresa, prinsesa?" Tanong niya. Kinuyom ko lang ang kamao ko, hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Gusto ko siyang patayin.

"Ano ka ba? Sino ka? Akala ko ba kaibigan ko kayo? Kaya ba bigla kayong nawala?" Kalmang tanong ko habang umaagos ang mga luha ko.

"Kami? Hindi ka namin tinuring na kaibigan. Isa kang misyon na dapat naming gawin. Hindi ko alam na ikaw pala ang prinsesang matagal tagal na naming hinahanap." Seryoso niyang sabi.

Galit ko siyang hinawakan sa manggas niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Prinsesa, anong ginagawa mo?" Rinig kong tanong ni Azer, ngunit wala akong oras na sagutin siya. Dapat mamatay ang lalaking ito.

"Hayaan natin siya." Sabat ni Leif.

"A-anong gagawin mo?" Tanong sa akin nang matalik kong kaibigan. Nginitian ko naman siya nang kay tamis, nakita ko ang takot sa kaniyang mata.

"Alam mo bang ano ang magandang gawin sa iyo?" Tanong ko. Hindi ko alam pero may parte sa akin na nagsasabi na tapusin na ang lalaking ito. Hindi ko alam kung ano ang gustong gawin nang katawan ko para sa lalaking ito. Basta ang alam ko, galit ako. Galit ako.

"B-bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Utal niyang tanong. Binitawan ko ang manggas niya at lumayo na sa kaniya.

"Wala kang silbing kaibigan. Dahil sa ginawa ninyo, kinamumuhian ko kayo. Kayo na mga tinuturing kong mga kaibigan." Lumingon ako sa likod at nakatingin lang sa akin ang apat na prinsipe o ang aking mga guardian.

Kita ko ang gulat sa kanilang mata nang tinignan ko sila.

"Nalalapit na ang oras Ziah, mamamatay lahat nang malapit sa puso mo. Lalo na ang lalaking iyon." Saad ni Ryan. Walang alin langan ko siyang tinignan.

"Mamamatay ka muna." Sabi ko at nilapitan siya. Tinignan ko siya at dahan dahan umiba ang kulay ng balat niya at umitim ang mata. Biglang nanlanta ang balat niya.

"Anong ginawa mo sa akin?! Bakit wala akong makita?!"

"Nararapat yan sa iyo." Kalmado kong sagot sa tanong niya at tinignan siya nang walang buhay. Kita ko kung paano siya nahihirapan.

"Aaahhhh!!! Magbabayad ka! Magbabayad ka!" Sigaw niya. Hanggang sa dahan dahan nalalagas ang mga parte sa kaniyang katawan.

"Kulang pa yan sa ginawa mo." Sabi ko at dinaanan ang mga prinsipe.

"Prinsesa, ano ang ginawa mo?" Tanong ni Ashton.

"Hindi ko alam." Sagot ko sa kaniya. Umupo naman ako sa may kama ko at tinignan ang nanlalagas na katawan ni Ryan.

Bigla namang umilaw ang kwintas ko kasabay ang pagkasakit ng ulo ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Leif.

"Oo ayos lang ako." Sagot ko.

"Paano mo nagawa iyon?" Tanong ni Blaizer.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko galit ako sa kaniya." Habang hawak ko pa din ang sentido ko at hinihilot.

"Anong nangyari?!" Biglang bumukas ang pintuan nang kwarto ko at iniluwa ang mga magulang nang mga prinsipe ko, kasama sina Ina at Tatay.

"Paanong?" Tanong nang Reyna habang nakatingin kung nasaan si Ryan.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam." Sabi ko at tumayo. Ang init nang katawan ko, gusto kong mahimatay.

"Ikaw ba ang may gawa niyan sa kaniya prinsesa?" Tanong nang Mommy ni Blaizer. Tumango ako bilang sagot.

Tinignan ko sina Ina at Tatay. Ayaw ko na mapahamak sila, ayaw ko.

"Maaari po bang humingi nang pabor mahal na reyna?" Tanong ko. Habang tumatagal, mas sumasakit ang ulo ko.

"A-ano naman iyon?"

"Ilayo niyo sa akin ang mga magulang ko. Ayaw ko sila na madamay sila sa akin." Sabi ko.

"Pero anak---" hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Ina, ayaw ko makipagsagutan sa kanila. Sila ang iniintidi ko.

"Maaari po ba?" Tanong ko habang nakatingin sa reyna. Tumango naman ang siya bilang sagot.

Ngumiti naman ako sa kanila dahil lahay sila ay nakatingin sa akin na tila ba may hinihintay.

"Wala na siyang buhay." Agaw pansin sa amin ni Ashton habang nakatingin sa patay na katawan ni Ryan.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong nang Ina ko.

"May traydor sa atin. Meron at si Mikaela iyon." Sagot ko. Nakita ko kanina, habang inalis ko ang maskara ni Ryan nakita ko mula sa mata niga kung sino sino ang kasama niya at ano ang mga pinanggagawa nila.

"Tama ako. Tama ako, sinabi na bang hindi mapagkatiwalaan ang Babaeng iyon." Sabi ni Azer.

"Umalis siya kanina at hindi na bumalik pa." Sabi nang Mommy ni Ashton.

"Isa siyang traydor, at nagtiwala si Chaser sa babaeng iyon." Sabi ng Reyna.

"Anak, ayos ka lang ba. May masakit ba sa iyo?" Tanong ni Tatay habang lumapit sa akin.

"Ayos lang po ako, medyo sumasakit lang ang ulo ko." Sabi ko at dahan dahang umiitim ang paningin ko.

"Nag-iiba ang kulay ng buhok mo. Nagiging kulay puti." Sabi ni Leif. Hindi ko na kaya pa, dahan dahang umikot ang paningin ko. Bago pa ako matumba ay may sumalo na sa akin.

"Rea, magpahinga ka na muna." Bulong ni Blaizer sa akin at siya ang kahuli hulihang boses na narinig ko, hanggang sa nawalan na ako ng malay.

My Four Mysterious Guardians (New Generation) - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon