CHAPTER 32

1.2K 44 1
                                    

CHAPTER 32

REAZIAH POV

Isang malakas na ungol ang narinig ko mula sa kinatatayuan ko. Madili ang paligid at hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyayari.

"Prinsesa magtago ka!" Sigaw ng isang lalaki. Hindi ko makilala kung sino dahil blurd ang mukha niya. Tumatakbo kabi habang hila hila niya ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Maingay ang paligid at madilim ng biglang, umiba na naman ang lugar. Isang lalaking duguan at nakahandusay sa lupa ang nakita ko. Nilapitan ko siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, takot, galit ang nararamdaman ko na nagmula sa aking puso. Ngunit bago pa ako makalapit ay may isang babaeng lumapit sa kaniya, nakaitim at mukhang kinausap niya ang lalaki.

"Kung ako na lang ang minahal mo, sana hindi ka makaranas ng ganyan. Hindi ka naman niya mahal. Ako? Nandito lang naman ako ha?! Bakit siya ang hinahanap mo, alam mo naman na hindi kayo pwede?!" Sigaw ng babae.

Nagulat naman ako ng napatingin siya sa gawi ko at ngumisi. Ngunit bago siya makalapit ay hinila ako ng isang lalaki.

"Isa siyang taksil. Sana una hindi na kami nagtiwala sa kaniya. Taksil siya." Sabi niya. Hindi ko alam pero nagulat na lang ako ng may bumuong apoy sa kamay ko, apoy na may pagkakulay puti. Nabitawan naman ako ng lalaking hawak hawak ako. Bumalik ako kung nasaan ang babae kanina at walang pasabing tinapon sa kaniya ang bolang apoy.

Bigla na naman umiba ang scenario at isang babae ang umiiyak. Umiiyak siya habang hawak ang kamay ng lalaking nakahandusay sa lupa. May mga tao sa paligid ngunit umiiyal sila.

"H-huwag mo akong iwan." Sabi ng isang babae na may hikbi.

"Sana hindi m-mo na lang g-ginawa iyon. S-sana hindi mo na lang ako niligtas." Dagdag pa niya.

Nang biglang sumakit ang ulo ko at naguguluhan ako sa pangyayari. Iba't ibang scenario ang naalala ko.

Napabangon ako agad mula sa hinihigaan ko habang habol ang hininga ko. Tagadak ang mga pawis na nasa katawan ko at hawak ang sentido.

"Ayos ka lang ba Ziah?" Napatingin ako kung sino ang nagsalita, si Ashton pala.

"Kanina ka pa?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Nilapitan niya ako at hinawakan ang noo ko.

"Nanaginip ka na naman ba?" Tanong niya. Kahit kailan talaga ang bait ni Ashton sa akin. Kaya hindi na ako nagulat na gusto ko siya.

"Oo. Palagi na lang. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos. Tuwing inaalala ko ang pangyayari na nasa panaginip ko at ang mga tao, hindi ko na naaalala." Sabi ko at umiiling iling pa.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Napatigil naman ako dahil, ano ba ang nakakatawa?

"Maligo ka na at ihanda mo ang sarili mo. May pupuntahan tayo." Sabi niya sa akin. Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Saan na naman tayo pupunta aber?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Lumapit na naman siya sa akin at kinurot ang ilong ko.

"Basta." Sabi niya at hinalikan ako sa noo ko.

"Happy Birthay Princess Light." Sabi niya. Birthday? Birthday ko?

"Birthday ko ba ngayon?" Tanong ko. Tumango naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Sa sala lang ako maghihintay. Bilisan mo okay? Limitado lanh ang oras ko." Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Dali dali naman akong bumangon at tumungo sa c.r, hindi ko man lang naalala na kaarawan ko pala ngayon. Bakit alam ni Ashton?

After ko maligo ay dali dali akong bumihis ng magandang damit. Nakatingin ako sa malaking salamin at napatingin ako sa kulay ng mata ko. Ibang iba na ako sa Reaziah noon. Mabuti pa at huwag ko na munang isipin ang problema ko, kahit ngyon lang. Gusto ko muna kalimutan ang mga problema ko.

Lumabas na ako ng kwarto. Aalis na sana ako ng nakaawang ang pintuan ni Blaizer. Mabuti pa ay pasalamatan ko muna siya sa nangyari kagabi. Sabi niya maayos na kami kaya, kakausapin ko muna siya kahit saglit.

Hindi na ako kumatok since nakabukas na ang pinto. Pumasok ako at hinanap ng paningin ko si Blaizer ngunit napatigil ako sa nakita ko. Kirot, sakit ang nararamdaman ko.

Si Mikaela at Blaizer naghalikan. Napailing na lang ako at dahan dahang tumalikod at umatras. Hindi ko maiwasan na hindi magmura. Bahala sila. Tsk.

Lumabas ako at tumungo na sa sala dahil nandoon si Ashton. Nang nakababa ako isnag coffeti ang pinaputok at sabay sabay silang sumigaw ng...

"Happy Birthday!" Napangiti na lang ako sa kanila.

"Salamat." Sabi ko. Niyakap naman ako ni Leif at sumunod naman si Aquazer.

"Walang anuman para sa aming prinsesa." Sabi naman ni Leif. Bumitaw naman sila mula sa pagkayakap sa akin at nilibot ang paningin. Isang cake na may kandila ang hawak hawak nila Inay at Itay.

"Anak, sige blow the candle." Sabi ni Itay. Napailing na lang ako at ngumiti. Pumikit muna ako ng mata at humiling at binlow ang apoy.

"Salamat Inay at Itay." Sabi ko at yumakap sa kanila. Mga magulang ko pa din sila dahil, sila ang nagpalaki sa akin. Kung wala siya at hindi nila ako natagpuan, baka saan saan na ako narating at walang magandang pamumuhay.

"Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo." Sabi sa akin ni Tita Tierra. Tumango naman ako at ngumiti.

"Opo." Sabi ko. Bumaba naman si Blaizer na nakabusangot ang mukha na galing sa hagdan at mukhang wala sa mood. Pake ko ba sa kaniya? Napatingin naman siya sa gawi ko, inirapan ko naman siya.

"Tita hiramin ko muna si Ziah, may pupuntahan lang po kami." Paalam ni Ashton. Tumango naman si Tita Tierra.

"Mag-iingat kayo." Sabi ni Tita. Tumango naman si Ashton at ngumit sa akin. Hinawakan niya naman kamay ko at pinagsiklop iyon. Napatingin naman ako kanila inay at itay na baka magalit ngunit nakangiti lang sila.

Tinignan ko nama ang iba pang mga kasama ni Tita Tierra, nakangiti din sila? Ano bang nangyayari?

Nang tumingin ang gawi ko sa mga prinsipe, hindi mapinta ang kanilang mukha. Si Blaizer naman ay nakakunot ang noo at masama akong tinignan. Napataas naman kilay ko dahil sa itsura niya at inirapan ko siya.

"Mauuna na po kami." Paalam ko. Nagpahila naman si Ashton at narinig ko pang tumawa siya ng mahina.

"Kung makahila akala mo alam kung saan tayo pupunta." Sabi niya. Napatigil naman ako sa paglakad habang magkahawak pa kami ng kamay.

"Pasensya naman." Sabi ko.

"Ayos lang." Sabi niya at tumawa pa ng mahina. Napanguso na lang ako, inaasar ba ako ni Ashton? Tssk.

My Four Mysterious Guardians (New Generation) - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon