CHAPTER 38
BLAIZER POV
Bakit na naman ba ang babaeng iyon? Ano bang problema niya? Akala ko ba okay na kami? Nag-usap pa nga kami kagabi tapos kanina, kinausap lang nagalit agad?
Tinignan ko ang papalayong likod ni Leif sa akin at pumasok na siya sa mansyon. Inilabas ko ang kwintas ni Ziah na nasa bulsa ko at tinignan ito, sa oras na maibigay ko na ito sa kaniya, magiging malakas siya.
Kaninang umaga hindi ko nagawang batiin si Ziah, galit sa akin eh. Kanina din umaga, nagulat ako ng biglang pumasok si Mikaela sa kwarto ko, hindi ko alam kung bakit siya pumasok, nang tinanong ko siya, nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan ng walang pasabi. Inis ko siyang pinaalis sa kwarto at hindi kinausap hanggang ngayon.
Ano na kaya ang gagawin ko ngayon? Paano ko kakausapin si Ziah? Susuyuin ko ba siya? Sabi ni Ashton kailangan kong umamin kay Ziah kung ayaw kong magsisi sa huli. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga iniisip ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa lugar namin at tumingala sa langit. Gabi na at mukhang maganda ang panahon ngayon, may mga bituin sa langit kung saan kumikislap sila sa kanilang lugar, may malaki at may maliit. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin si Ziah, hindi ko alam.
Napagdesisyunan kong pumasok na sa loob at saktong pagbukas ko sa pinto ay masaya silang nag-uusap. Pumako ang tingin ko kay Ziah na masayang nag-uusap sa kanila nila Leif, Aquazer at Ashton.
"Uy Blaizer saan ka ba nangaling? Kanina pa kita hinahanap." Tanong sa akin ni Mikaela na may ngiti sa labi.
Pansamantalang umuwi ang mga magulang ni Ziah dahil may gagawin pa daw sila, mabuti na lang at sinamahan sila nila Tita Aire at Aqua. Ang naiwan lang dito ngayon, ay si Tita Tierra at Mommy lang.
Tinignan ko si Mikaela ng hinawakan niya ang braso ko at tinaasan ng kilay. Ano bang gusto ng babaeng ito? Masyadong papansin. Nakakahalata na ako, hindi ko pa din gusto ang ginawa niyang pagsinungaling sa amin. Dahil wala talaga siyang planong sabihin na hindi siya ang prinsesa dahil daw yun ang sabi sa kaniya.
"Alisin mo nga kamay mo." Sabi ko at iniwaksi ang kamay niya. Sakto namang napatingin sa gawi namin si Ziah at unti unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at inirapan ako.
"Mikaela... huwag mo muna akong kausapin." Sabi ko na lang. Nakatingin na din pala sa amin sina Leif. Mabuti na lang at wala dito sa sala sina Tita at Mommy.
Hindi pa nga ako nakalapit kay Ziah ng padabog siyang umakyat sa hagdan at iniwan sina Ashton sa sofa. Iniwan ko naman si Mikaela na nakatayo lang doon, bahala siya sa buhay niya. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya.
"Anong problema ninyo ni Ziah? Kanina pa kayo." Tanong ni Leif agad sa akin ng nakalapit ako sa gawi nila. Si Ashton naman ay umiinom lang ng tsaa habang nakatingin siya sa akin, si Azer naman ay nakatingin sa akin na tila nagtatanong.
Nagkibit balikat na lang ako at ginulo ang buhok ko at umupo sa tabi nila.
"Hindi ko alam sa kaniya." Sabi ko habang hinihilot ang sentido ko.
"Eh ano namang problema ninyo ni Mikaela?" Tanong ni Ashton. Tinignan ko naman ang gawi ni Mikaela na ngayon ay mag-isang nakatingin sa tv at seryoso ang itsura.
"Pumasok siya sa kwarto kanina at hinalikan ako." Sabi ko. Napatigil naman sila at mukhang nagulat silang tatlo sa sinabi ko.
"Ano?!" Pasigaw na tanong ni Azer.
"Basta." Sabi ko na lang at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Saan ka?" Tanong ni Leif.
"May gagawin lang." Sabi ko at tinignan si Ashton na may ngiti sa kaniyang labi.
"Mag alas otso na ng gabi. Dapat hindi kayo abutin ng umaga." Sabi ni Ashton. Tumango naman ako at napagdesisyunang susuyuin ang mahal na prinsesa na bumihag sa puso ko.
Ang corny ko masyado, hindi na ito ako.
REAZIAH POV
Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako kay Blaizer. Tsk!
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatingin sa kisame, matatapos na din ang kaarawan ko at hindi pa kami nag-uusap ni Blaizer. Akala ko ba may pupuntahan kami? Hanggang salita lang pala siya eh. Kainis siya, kung magharutan kanina sa harapan pa talaga namin.
Napabangon ako bigla ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at dali dali kong tinakpan ang sarili ko. Naka sando at short lang ako, sino ba ang hampas lupang pumasok bigla ng kwarto ng hindi kumakatok?
"Rea." Teka? Kilala ko ang boses na iyon.
"Gising ka pa ba? Pasensya na kung pumasok ako, kanina pa kasi ako nasa labas ng kwarto mo kumakatok." Paliwanag niya. Kumakatok? Ba't hindi ko man lang narinig? Siguro dahil sa dami ng iniisip ko.
"A-ah oo gising pa ako. A-ano kailangan mo Blaizer?" Tanong ko. Ramdam ko namang papalapit siya sa gawi ko, mabuti na lang at hindi ko pinatay ang lamp shadr.
"Mabuti, pasensya na kung ngayon lang ako." Sabi niya at ngayon ay nakatayo na siya sa side ko. Habang ako naman ay panay takip ng kumot.
"Galit ka ba sa akin?" Tanong niya sa akin. Tumayo naman ako at binuksan ang ilaw.
"Bakit naman ako magagalit? Naiinis ako sa iyo." Sabi ko. Kita kong natatawa siya sa akin ngunit pinipigilan niya lang.
"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kaniya. Binuksan niya naman ang pintuan sa veranda ko at pumasok ang simoy ng hangin.
"Walang nakakatawa, anong trip mo?" Tanong niya habang tinignan ako saglit at ang katawan ko.
"Hindi ko alam na may tinatago ka pa pala, eh wala ka namang dibdib." Sabi niya at tumawa. Inis kong inalis ang kumot ko at lumapit sa kaniya at pinagsuntok siya sa braso.
"Anong sabi mo?! Ano?!" Tanong ko sa kaniya. Siya naman ay panay salag sa suntok ko.
"Rea ano ba? Sorry naman. Eh sa totoo naman eh." Sabi niya. Nahuli niya naman bigla ang dalawang kamay ko at niyakap ako.
"Huwag ka ng pikon, maganda ka pa din naman." Bulong niya sa akin at iniwan ako sa lugar ko. Umakyat sa may upuan at tumayo.
"A-ahm anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"Halika at samahan mo ako." Sabi niya. Lumapit naman ako sa kaniya at nakaalay ang kamay niya sa akin, kinuha ko naman iyon at ngayon ay nakatayo kami parehon at tinignan ang kabuohan ng garden.
Galit at naiinis ako sa kaniya kanina, pero ngayon? Eto na ako ngayon masaya dahil nawala na ang galit ko sa kaniya. Hindi ko na minsan naiintinadihan ang sarili ko.
"Rea gusto mo bang sumama sa akin?" Tanong niya na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Saan naman tayo pupunta? Gabi na." Sabi ko na lang. Ngumiti siya sa akim at hinalikan ako sa noo, hindi ko napansin na nahuhulog na pala kami pababa sa veranda ko, kaya napapikit ako at napakayakap sa kaniya, ngunit bago ko maramdaman ang sakit ng pagkahulog may sumagip na sa amin.
"Imulat mo ang mata mo." Sabi niya at unti unti kong iminulat ang mata ko. Gulat na gulat ako na ang sumalo pala sa amin ay isang dragon, isang dragon na umaapoy ngunit hindi ako nasusunog?
"Maligayang kaarawan." Ang sabi ni Blaizer na ngayon ay nakayakap sa akin sa likod.
BINABASA MO ANG
My Four Mysterious Guardians (New Generation) - [COMPLETED]
Fantastik-----COMPLETED---- BOOK 2 Hindi ko alam kung saan sila nagmula basta ang alam ko bigla lang sila dumating sa buhay ko. Mysterioso ngunit sila ay kinikilala kong guardian. Guardian ko daw sila simula't sapul. Ano ba ang meron sila? Bakit nila ako b...