CHAPTER 56
THIRD P.O.V
"Bakit mo 'to ginagawa?! Tinuring kita bilang totoong kaibigan." Hindi napigilan at umagos ang luha na kanina pa gustong lumabas sa mata ng prinsesa pagkatapos niyang bigkasin ang salitang matagal ng tumatakbo sa kanyang isipan.
Tinuring ng prinsesa bilang totoong kapatid si Mikaela, ngunit isang nakakakilabot na ngiti lang ang natanggap niya dito habang hawak hawak nito ang ang tiyan na kanina pang may umaagos na dugo.
"Gusto mong malaman Reaziah?" Mapait at galit na sabi ni Mikaela sa prinsesa. Galit siya sa prinsesa, galit na galit. Sa tingin pa lamang nito ay makikita na dito ang galit sa mata.
"Bakit? Bakit hinyaan mong umabot tayo sa ganito?" Mapait na sabi ng prinsesa habang umaagos ang luha, at tinignan ang kaibigan na nasasaktan dahil sa sugat nito sa tiyan, na ginawa niya.
Hindi niya na pa nagawa pang pigilan ang kanyang kaibigan, dahil wala siyang panlaban dito, lalo na't gumagamit ito ng isang mahika. Hanggang sa kanya ng prinsesa makipaglaban, ay hinding hindi niya gagamitin ang kanyang kapangyarihan.
Naawa ang prinsesa sa itsura ng kaibigan, ngunit wala na siyang magagawa, kinain na ito ng galit at sama ng loob.
"Lahat inagaw mo sa akin, pati na din ang lalaking mahal ko ay inagaw mo." Mapait na sabi nito.
Biglang sumugod si Mikaela sa prinsesa gamit ng kanyang mahika ay nagawa niyang tamaan ang espada ng prinsesa na ikinangisi niya.
Akmang kukunin ng prinsesa ang kanyang espada ay tinamaan siya nito sa tiyan at biglang lumipad sa semento.
Napapikit ang prinsesa sa naramdaman at umikot bigla ang kanyang paningin. Ramdam niya ang pagtulo ng isang likido sa kanyang noo na pinaniwalaan ng prinsesa na isa itong dugo na mula sa kanya.
Inilibot niya ang paningin at unti-unting sumasakit ang ulo niya sa nakikita. Malaki parte na ang nasira sa kaharian, sugatan na din ang kanyang samahan.
Mabuti na lang at ligtas ang kanyang ama, at pilit pa din itong pinoprotektahan ni Grindel. Habang ang mga prinsipe naman ay makikita na din ang pagod sa mukha nito.
Mariin na pumikit ang prinsesa at pinilit na tumayo, tanging panalangin niya lang na sana walang masasawi sa kanila.
Ngunit bigo ang prinsesa sa kanyang hangad na tumayo dahil pinatamaan na naman siya ni Mikaela. Rinig niya ang tawag sa kanya ni Blaizer ngunit hindi niya na pa magawang tignan ito dahil nararamdaman niya na ang lasa ng dugo sa kanyang bibig kasabay ang pagsalampak niya sa semento.
"T-tumigil... ka n-na." Ani ng prinsesa at isang tawa lang ang natanggap niya sa kaibigan. Tawang, nakakainsulto na kahit kailan na hindi niya inakala na ganito ang mangyayari sa kanyang kaibigan.
"Anong nangyari sa prinsesa ng light kingdom? Hindi ko akalain na ganyan ka kahina." Wika ni Mikaela at tumawa.
"H-hindi kayo magwawagi." Matapang na saad ng prinsesa at iniinda ang sakit. Kahit nahihilo ay tumayo pa din ang prinsesa.
Nakita niyang papalapit sa gawi niya Blaizer at inalalayan siyang tumayo.
"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong nito. Makikita sa mata ni Blaizer ang takot, ang takot na baka hindi sila magwawagi lalo na't dahan-dahan ng nauubos ang panig nila.
Laking gulat ng kalaban ng biglang may nagsulputan na white wizards sa paligid nila kasabay ang mga iba pang elementalist.
Hindi inaasahan ng mga prisipe na dadating at tutulong ang mga nasa elemental kingdom. Ang mga kababata ng prinsipe ang nangunguna at nakipaglaban sa kalaban.
Napangiti ang mga prinsipe sa nakita, mas madagdagan ang lakas nila at pwersa lalo na't napapagod na din sila.
Laban dito, laban doon ang tanging nasa isip ng prinsesa. Ramdam niya ang ibang pakiramdam sa katawan niya, ramdam niyang may gustong lumabas mula sa kanya na kanina pa ngunit pinipigilan niya lang ito, dahil sa oras na hindi niya mapigilan ay wala na siyang kinikilala pang kalaban.
"Reaziah, ayos ka lang ba?" Tanong ni Blaizer, ngunit tango lang ang natanggap niya sa prinsesa habang nakapikit ang mata nito.
"Ang sweet n'yo naman. Akalain niyo, hanggang dito ay nakikipaglandian pa din kayo?" Sarkastikong wika ni Mikaela na mas ikinainitng ulo ng prinsesa, kasabay nito ay pagtulak niya kay Blaizer papalayo sa kanya at biglang sinugod ang kaibigan niya, kung kaibigan pa nga ba?
Tila sumasabay ang prinsesa sa ihip at lakas ng hangin at sa isang iglap ay napatumba niya si Mikaela na hindi man lang namalayan ng babae ang pag-atake niya.
Gulat ang rumehistro sa mata ni Blaizer. Nakita niyang nakikipaglaban ang babaeng mahal sa dati nitong kaibigan, ngunit ang kaibahan nito ay hindi man lang niya nakikita ang pagsugod ng babaeng mahal, tila nakikisabay ito sa bilis at lakas ng hangin na nararamdaman niya sa kanyang balat.
Maski ang nakikipaglaban ay napatigil ng biglaang sumisigaw si Mikaela ng sobrang lakas at biglang tumama ito sa malaking bato na hindi nila alam kung ano ang nangyari.
Nagulat na lamang ang mga kalaban na biglang lumitaw ang prinsesa sa harapan ni Mikaela. Yumuko ang prinsesa at hinawakan ang panga ng kaibigan niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Ito ang gusto mo 'di ba? Ang matirang matibay?" Nakangising saad ng prinsesa kay Mikaela. Nangilabot naman ang babae sa nakita niya.
Napailing si Grindel sa nakita dahil lahat ay napatigil sa pakikipaglaban at lahat ay nakatuon sa prinsesa at sa babae, alam na ni Grindel ang sunod na mangyayari. Nakakatakot, nakakatakot kapag hindi mapigilan ng prinsesa ang sarili dahil kaya nito patayin ang kalaban na hindi man lang humawak ng sandata.
Tulad ng hinala niya ay dahan dahan naging abo ang babae at biglang nawala. Tumawa naman ang prinsesa sa mas ikinatayo ng balahibo ng mga kalaban.
"Huwag na kayo mag aksaya pa ng lakas, kahit kailan ay hindi ninyo maaangkin ang kaharian namin." Saad ng prinsesa at biglang humangin ng malakas kasabay din nito ay ang pagwala ng prinsesa sa kanilang paningin.
Dahan-dahan naman nabitawan ng mga kalaban ang kanilang magic wand at sumigaw. Hapdi at sakit ang makikita sa mukha nito hanggang sa bigla silang naging abo.
Hanggang sa wala na silang nakikitang kampon ng kalaban dahil naubos na ito. Kasabay din nito ay ang pagwala ng malakas na hangin na kahit kailan ay hindi gawa ni Ashton, ay ang biglaang pagsulpot ng prinsesa sa taas ng mga bato.
Gulat sila sa nasaksihan nila, lalo na sa kakayahan ng prinsesa. Walang sino man ang kumibo habang tinitignan ang prinsesa na may mga sugat at dugo sa katawan nito. Makikita ang pagod sa mukha nito ngunit ngumiti pa rin ito ng pilit.
"Tapos na. Tapos na." Kasabay nito ay ang paghimatay ng prinsesa at paghulog ng katawan bago pa ito tumama sa semento ay nagawa na siyang saluin ni Blaizer gamit ng matitipunong braso nito.
"Tapos na ba? Tapos na nga ba?" Tanong ni Grindel sa kamahalaan.
Ngumiti ang kamahalan at tumango habang tinitignan ang araw na nagbibigay senyales na mag uumaga na.
"Tapos na." Ang tanging sambit ng hari.
BINABASA MO ANG
My Four Mysterious Guardians (New Generation) - [COMPLETED]
Fantasy-----COMPLETED---- BOOK 2 Hindi ko alam kung saan sila nagmula basta ang alam ko bigla lang sila dumating sa buhay ko. Mysterioso ngunit sila ay kinikilala kong guardian. Guardian ko daw sila simula't sapul. Ano ba ang meron sila? Bakit nila ako b...