CHAPTER 34
AQUAZER POV
"Saan ba kasi tayo pupunta Azer?" Reklamong tanong sa akin ni Ziah. Tumigil naman kami sa paglakad at sumilong, nilingon ko naman siya at panay siya sa pagpahid na mga pawis niya habang hawak ko ang isang kamay niya.
"A-ahm... kasi... ano kasi..." hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Paano ba naman kasi, kahapon ko lang nalaman na kaarawan pala ni Ziah ngayon, kaya hindi ako nakapag-isip ng magandang lugar.
"Ano ba ang sasabihin mo? Magtatanghali na." Sabi niya at ngumuso. Napangiti na lang ako sa itsura niya.
"Ano na? Ngumingiti ngiti ka pa diyan Azer." Reklamo niya na naman. Tumingala ako at tinignan ang kalangitan. Tama, mainit nga masyado bakit ba hindi ko naisip yun? Kanina pa kami naglalakad.
"Gusto mo ba tumawag ako ng ulan?" Tanong ko kay Ziah. Napangiwi naman ako bigla ng bigla niya ako pinalo sa braso.
"Baliw ka ba? Kawawa ang mga bata na nasa paaralan. At ang mga nagbebenta sa daanan kapag paulanin mo. Baliw." Sabi niya sa akin.
"Saan ba kasi tayo? Kanina pa kasi tayo naglalakad." Saad ni Ziah.
"Kasi Ziah... hindi ko naman kasi alam kung saan talaga tayo pupunta eh." Sabi ko at binitawan ang paghawak sa kamah niya at umiwas ng tingin. Titigan ba naman ako ng seryoso na mukhang binagsakan ng langit at lupa.
"Ano?! Kanina pa tayo naglalakad, tapos ngayon mo lang sinabi?!" Sabi niya. Tumango naman ako at hindi siya tinignan.
"Halika alis na tayo dito. Kanina ka pa tinitignan ng mga batang iyan." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Bata pa nga lang marunong ng tumingin ng gwapo." Bulong ni Ziah. Rinig na rinig ko naman.
"Bumubulong ka?" Tanong ko. Habang nilingon ang mga bata sa likod, ngumiti naman ako at kumaway sa kanila. May tumili pa, I think nasa high school sila?
"Bakit naman ako magbubulong? Totoo naman ang sinasabi ko." Sabi niya at seryoso pa ding nakatingin sa daanan.
"Saan ba tayo?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Sumama ka na lang. Alam ko naman na may pera kang dala kaya ihanda mo yan. Kakain tayo pagkatapos magsisine na tayo." Sabi niya. Nagpahila na lang ako sa kaniya at tinignan ang likod niya habang may ngiti ako sa labi.
Sayang lang talaga, kung ako sana ang nakauna kay Ziah sa akin si Ziah. Pero nauna si Blaizer sa kaniya kahit hindi pa sabihin ng lokong iyon. At saka ang prophesiya, si Ashton ang nakatadhana. Alam kong mahihirapan si Blaizer kay Ziah dahil hindi maaaring gumawa ng desisyon na hindi nakasaad sa prophesiya. Maaari maging mali ang lahat kapag hindi nila ito sinunod.
Napatingim naman ako sa may dagat dahil madadaanan namin ito. Nakakamiss lumusob sa ilalim ng tubig at makakakita ng iba't ibang klase ng isda. Madaming naliligo ngayon, naalala ko pa noon na may family date kami nila Mommy and Daddy ngunit dahil naging busy na sila hindi na naulit iyon.
"Ziah teka, dito na lang tayo sa may dagat. May mini restaurant naman dito." Sabi ko. Napatigil naman si Ziah at lumingon sa akin na nagtatanong. Hinila ko na lang siya at pumasok kami sa restaurant. At tulad ng imaasahan ko, lahat ay napatingin sa gawi namin. Yung iba humahanga, yung iba naman ay nagtataka sa itsura ko? O sa amin ni Ziah.
"Good morning sir." Bati sa amin ng isang waitress.
"Good morning." Bati ni Ziah. Ipinaghila ko siya ng upuan at umupo naman aiya doon.
"Ano na naman ba ang trip mo?" Tanong ni Ziah. Hindi ko siya pinansin at tinawag ang waitress upang makapag-order na.
Pagkatapos kong umorder ilang minuto lang ay dumating na ang pinili kong pagkain. Tinignan ko si Ziah na nakanguso lang. Kinurot ko naman ang pisngi niya.
"Kumain ka na at maliligo tayo sa dagat. May pupuntahan tayo sa ilalim ng tubig." Sabi ko sa kaniya. Tumaas naman ang kilay niya at tumawa ng mahina at biglang sumseryoso ang mukha.
"Baliw ka ba? Mababasa tayo. At hindi ako marunong lumanggoy, tamang salbabida lang ang ginagamit ko upang makaligo sa dagat." Bulong na sabi niya.
"Mas baliw ka Ziah. Hindi mo ata ako kilala." Sabi ko sa kaniya. Mukhang na gets niya naman ang gusto kong ipahiwatig dahil napa 'o' ang kaniyang bibig.
"Sige. Kakain na." Sabi niya at inumpisahan na ang pagkain. Kumain na din ako, ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala suot ni Ziah ang kwintas niya? Anong plano ni Blaizer? Malapit na mag full moon.
"Tapos na ako." Sabi niya.
"Mabuti naman at natapos ka na. Akala ko aabutin tayo ng siyam siyam." Asar kong sabi sa kaniya habang natatawa.
"Tayo na." Sabi ko sa kaniya at binayaran na ang waitress.
"Mainit masyado Azer." Reklamo niya. Napailing na lang ako at hinila siya palapas sa restaurant.
"Miss bayad po." Sabi ko sa cashier. Kinikilig namang tinanggap ng babae ang pera.
"Eto po sir. Enjoy." Sabi ng babae. Nauna naman maglakad si Ziah at pailing iling pa.
"Kanina kay Ashton tapos ngayon sayo?" Sabi niya.
"Gwapo kasi kami." Sabi ko sa kaniya habang lumingon lingon ako sa tabi ng dagat at sa gilid kung saan na may magandang pwesto. Kumuha na din kami ng cottage na pangdalawahan.
"Maghubad ka." Sabi ko sa kaniya. Gulat naman niya akong tinignan.
"Ano?!"
"Kanina ka pa sigaw ng sigaw Princesa. Masisira na ang ear drums ko sa iyo. Alangan naman naka dress ka maligo?" Inis na tanong ko.
"Pero..."
"Prinsesa nakita mo ba sila?" Tanong ko sa kaniya habang tinuro ang mga tao na nakaswim wear lang.
"Pagtatawanan ka nila kapag ganyan ka maligo." Sabi ko sa kaniya. Tumayo naman ako at hinubad ang damit at short ko.
"Spg ka Azer." Sabi niya habang nakatakip ang mata.
"Sige muuna na ako." Sabi ko at lumusong sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Siguro dahil water elementalist ako, sarap.
"Hoy Azer!" Rinig kong sigaw kay Ziah. May short naman pala siya sa loob maarte pa, at nakabra lang siya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya, ang ganda ng hubog ng katawan niya.
"Diyan ka lang, nasa malalim ako." Sabi ko sa kaniya. Mabuti na lang at natakpan na ang katawan niya ng tubig. Lalaki pa din ako, at ayaw ko magkasala lalo na kay Blaizer.
"Di ba sabi mo may pupuntahan tayo?" Tanong niya. Tumango naman ako. Oo pala, nakalimutan ko tuloy.
Sumenyas akong lumapit siya sa akin. Ngumit bago pa siya makalapit sa akin ay sumisid ako at pinuntahan ang pwesto niya at hinila siya sa paa upang mapunta siya sa ilalim. Walang alinlangan kong nilapat ang labi ko sa labi niya.
BINABASA MO ANG
My Four Mysterious Guardians (New Generation) - [COMPLETED]
Fantasy-----COMPLETED---- BOOK 2 Hindi ko alam kung saan sila nagmula basta ang alam ko bigla lang sila dumating sa buhay ko. Mysterioso ngunit sila ay kinikilala kong guardian. Guardian ko daw sila simula't sapul. Ano ba ang meron sila? Bakit nila ako b...