CHAPTER 40
ASHTON POV
Gabi na at malapit ng mag alas dose ng umaga ngunit hindi pa nakadating sina Blaizer. Nagawa niya kaya ang pinagawa ko sa kaniya?
"Narinig mo yun?" Tanong sa akin ni Leif at napatigil sa pagbabasa.
"Bakit?" Tanong ko.
"Basta." Sabi ni Leif at tumayo at iniwan akong mag-isa sa sala. Tumayo naman ako at sumunod kay Leif, ano bang meron? Minsan talaga may pagkaugali kami Leif, sa bagay mag pinsan naman kami.
Kanina pa natulog si Aquazer at iniwan kami sa sala ng umalis si Blaizer kanina. Sina Mommy naman ay nagpapahinga na kasama sina Tita at ang mga magulang ni Ziah. Sa ngayon kasi, napagdesisyunan nila Mommy na dito muna titira ang magulang ni Ziah, upang mabantayan at maging ligtas sa kapahamakan upang hindi na maulit muli ang nangyari.
"Ano bang meron Leif?" Tanong ko muli sa kaniya.
"Kakaiba ang kutob ko. Nakakapanghinayang at wala kang vission sa maaring pangyayari. Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong niya. Umiling naman ako.
"Leif, hindi ako kasing galing ni Ina. Minsan lang gumagana sa akin iyon." Sabi ko na lang.
Tama, hindi ko basta basta magagamit ang kapangyarihan ko, dahil kung may vission man ako sa pangyayari, kusa itong lumalabas.
Napatigil kami sa pag-akyat ng hagdan ni Leif ng nakarinig kami ng pagbasag at bulabog na nagmula sa kwarto ni Ziah. Dali dali naman kaming umakyat ni Leif.
Bakit hindi man lang ako kinutuban? Hindi ko magawang makita kung nasaan sina Blaizer ngayon? Nakakapanghinayang.
Pag-akyat namin walang alin langang binuksan ko ang pintuan ni Ziah na nakaawang at natagpuan ang mga kalat na gamit ni Ziah sa may sahig.
"Sino ka?" Rinig kong tanong ni Azer. Nandito pala ang isang ito, naunahan kami. Akala ko ba natutuloh na ito?
"Wala kang pakealam. Nasaan ang kwintas? Ibigay ninyo sa akin." Sabi ng lalaking nasa harapan namin. Nakarobe siya at takip ang kaniyang mukha, upang hindi siya mamukhaan.
"Sino kang lapastangan ka?" Tanong ni Leif habang pasimpleng hinahanda ang sarili.
"Hahaha mga prinsipe? Akalain mo nga naman kulang kayo ng isa, nasaan kaya ang prinsesa? Siguro nakuha na siya ng mga kasamahan ko? Hahaha" sabi niya habang tumatawa.
"Alam kong sa araw na ito, sa araw na ito lalabas ang totoong prinsesa. At alam ko ding kaarawan ng prinsesa. Nasaan na ang kwintas?!" Tanong niya.
Inihanda ko ang sarili ko sa possibleng mangyayari. Basag ang bintana ni Ziah at kalat na kalat ang gamit niya sa sahig isabay mo pa ang mga bubog na nagkalat.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Sino ako? Hindi niya na nanaisin pang malaman." Sabi niya at itinaas ang kaniyang kamay at sabay labas ng wand sa kamay niya. Walang pasabing gumawa siya ng itim na apoy at itinapon sa gawi namin, mabuti na lang at alerto si Aquazer at nagawa niyang sangain iyon gamit ang tubig na ginawa niyang harang.
Bigla namang sumugod si Leif at walang pasabing inatake niya ang kalaban gamit ang kaniyang blade na gawa sa dahon. Dahil mabilis ang bawat paggalaw ni Leif, halos hindi ko na siya makita, hanggang sa nagawang bitawan ng lalaki ang kaniyang wand.
Gamit ang kapangyarihan ko pinalutang ko ito sa ere at kinuha iyon. Tinignan ko ng maigi ang kaniyang wand at isa siyang dark wizard.
"Aahhh!" Sigaw niya dahil walang patigil ang bawat tira sa kaniya ni Leif.
"Anong gagawin natin Ash?" Tanong ni Azer at lumapit sa akin at tinignan ang wand.
"Hindi ko alam. Sa ngayon tatanungin muna natin siya." Sabi ko at tinignan ang lalaki.
Nagulat kami pareho ni Azer ng biglang may pumasok na mahabang ugat ng sangga at pinalibutan ang lalaki sa kamay, paa at leeg.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ni Leif.
"Hintayin natin sina Blaizer na makauwi." Sabi ko na lang.
Narinig naman namin ang mahinang pagtawa ng lalaki na may pang iinsulto.
"Anong nakakatawa?" Tanong ni Azer.
"Blaizer? Hahahaha. Naunahan na kayo, naunahan na kayo ng kasamahan ko. Kukunin nila ang prinsesa kung hindi ninyo ibibigay ang kwintas." Sabi ng lalaki.
"Talagang ayaw mo magsalita?" Tanong ko at lumapit sa kaniya. Pikon na pikon na ako sa isang ito.
"Ashton tama na... nahihirapan na siyang huminga." Doon ko lang narealize na napigilan ko pala ang paghinga niya.
"Huwag mo siyang patayin." Sabi ni Leif sa akin at tinap ang balikat ko. Umiling na lang ako at lumayo sa kalaban at umupo sa may bakanteng upuan na meron ang kwarto ni Ziah at tinitigan ang wand.
"Matulog ka muna." Rinig kong sabi ni Aquazer, kaya napa-angat ako ng tingin. Sakto naman na bigla niyang sinuntok ang lalaki sa mukha.
"Tulog na siya." Sabi niya at lumapit silang dalawa sa akin ni Leif.
"Nasaan na ba sina Blaizer? Malapit ng mag 12." Tanong ni Leif.
Napatingin na lang ako sa sirang bintana. Nasaan na ba kayo? Sana naman walang masamang nangyari sa inyo. Sana naman hindi totoo ang sinabi ng lalaki kanina, kundi mahihirapan kami kung hindi pa naibigay ni Blaizer ang kwintas ni Ziah.
"Ash? Wala ka bang idea kung nasaan na sila ngayon?" Tanong ni Azer sa akin. Tinignan ko siya at sinubukan kong hanapin sa isipan ko kung nasaan sila, ngunit hindi ako nagwagi.
"Hindi ko magawa. Hindi ko magawa, lagi akong nakablock, hindi ko sila magawang mahanap." Sabi ko sa kanila.
Tahimik naman si Leif sa isang tabi. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa wall clock na meron ang kwarto ni Ziah.
"Hindi ba natin sasabihin sa kanila ni Mommy?" Tanong ni Leif. Umiling naman ako sa tanong niya.
"Hindi. Laban natin to, kaya kaya natin to." Sabi ko.
"Teka nga!" Agaw sa amin ng pansin ni Azer.
"Paano nakapasok yan dito? Sa pagkakaalam ko, may malakas na mahika ang mansyon na ito, na ginawa ni Tita Euria at Tita Eunice noon?" Tama, paano nakapasok ang nilalang na ito, dito sa mansyon? Unless, kapag malakas at magaling siya na wizard.
"Possible kayang, may nagpapasok sa kaniya? O kaya naman may tumulong sa kaniya?" Dagdag na naman ni Azer.
Sino? Kung gayon nga, sino ang lapastangan na nakipagtulungan sa kalaban. Sino? Hindi maaaring masira ang plano namin, malalagot ang may sala sa oras na malaman namin kung totoo ba may kasabwat ang isang ito.
BINABASA MO ANG
My Four Mysterious Guardians (New Generation) - [COMPLETED]
Fantasy-----COMPLETED---- BOOK 2 Hindi ko alam kung saan sila nagmula basta ang alam ko bigla lang sila dumating sa buhay ko. Mysterioso ngunit sila ay kinikilala kong guardian. Guardian ko daw sila simula't sapul. Ano ba ang meron sila? Bakit nila ako b...