CHAPTER 26
REAZIAH POV
Nang lumabas si Blaizer mula dito sa kwarto, mag-isa na lang ako. Ngunit lumipas lang ng ilang oras ay bigla na namang bumukas ang pinto at iniluwa si Azer na mukhang kakagising lang habang iniinda ang sugat na nasa kaniyang dibdib.
Bigla ko na naman naaalala ang pagsugod ng isang nakakatakot na lobo sa amin kanina. Wala akong magawa kundi tignan lang si Azer na nakikipaglaban laban sa isang lobo na ubod ng laki at mapula pula nitong mga mata. Nakakakakilabot.
"Pasensya na kung pumasok ako dito. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Azer na halatang nag-aalala.
"Ayos naman ako. Dapat nga ikaw ang tatanungin ko. Masakit pa ba? Salamat at pasensya kung wala akong naitulong kanina." Sabi ko at yumuko.
Naramdaman ko naman na tumabi at umupo sa kama si Azer at tumawa ng mahina.
"Obligasyon ko, namin na protektahan at alagaan ka. Kaya handa akong isakripisyo ang buhay ko basta maligtas ka lang." Saad niya. Umangat naman ang paningin ko at tinignan siya. Hinawakan niya naman ang ulo ko at inayos ang buhok ko.
"Itong sugat na ito?" Sabi niya sa akin. "Wala lang ang mga ito, kaya kong pagalingin ang sarili ko. Kailangan ko lang ng mahabang pahinga upang maibawi ang lakas na nagamit ko kanina."
"Nagising ako dahil sa ingay. Hindi ko akalain na nandito na ang mga kababata namin." Sabi ni Azer at tinignan ako. "Kaya nagising ako sa oras ng pagtulog ko. Nga pala anong ginawa ni Blaizer dito?" Tanong niya.
"Wala lang." Sagot ko naman.
"Magpahinga ka na lang dito. Total malaki naman ang kama, wala naman sigurong malisya. Pasasalamat ko sa pagligtas mo sa akin." Sabi ko. Bigla niya naman binagsak ang sarili sa higaan niya.
"Salamat Ziah." Sabi niya at ipinikit ang kaniyang mata. Hindi nagtagal ay narinig ko ang kaniyang mahinang paghilik.
LEIF POV
"Sino ka? Ang lakas ng loob mong magpanggap na ikaw ang prinsesa." Saad ko habang matamang tinignan si Mikaela.
Nandito kaming tatlo sa loob ng bakanteng room, since lunch break ngayon. Ako at si Ashton lang kumausap kay Mikaela dahil kami lang ang may pagkataon na makausap siya.
Tumawa naman nang mahina si Mikaela na tila bang nang-iinsulto. Habang nakaupo siya sa mesa ng guro na nasa harapan.
"Wala akong ipapaliwanag sa inyo. Hindi ko kasalanan kung naniwala kayo na ako ang prinsesa." Saad niya at ngumiti nang makahulugan.
Si Ashton naman ay seryoso lamang siyang tinignan at nakaangat ng kaunti amg labi.
"Alam ko kung sino ka. Kaya tumigil ka Mikaela." Simula ni Ashton. Pumalapak naman si Mikaela dahil sa sinabi ni Ashton at tumango tango pa. Naguguguluhan ako sa sinabi ni Ashton. Oo, alam kong alam niya pero ano bang tinutukoy niya na alam niya?
"Ano ba ang gusto ninyong malaman?" Seryosong tanong ni Mikaela at tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.
"Hindi ka isang normal na tao, ano ang rason mo? May masama ka bang plano sa prinsesa? Kung gayon alam mo na si Reaziah ang prinsesa?" Tanong ni Ashton.
"Hindi lahat ng sinabi mo ay alam ko Ashton." Simula niya. Tahimik naman ako sa isang tabi at pinakiramdam ang paligid, para kasing may nagmamasid sa amin ngunit hindi ko matukoy kung sino at ano.
"Oo hindi ako normal na tao dahil isa akong wizard." Sabi niya at biglang lumiwanag ang kaniyang tinatayuan at umilaw. Lumiwanag ito ng pabilog at kinain siya ng liwanag. Napapikit naman ako dahil sa sobrang liwanag, hindi kalaunan ay biglang nawala ang liwanag at umiba ang damit ni Mikaela.
May kalo siya ng isang wizard na parang cone ang disenyo na kulay puti at nakacoat ito na kulay pito ngunit may nga disenyo. Ang kaniyang buhok na tuwid ay naging kulot ito na kulay gold. Mas naging matingkad ang kaniyang balat dahil sa suot niya, at isang wand stick ang hawak niya na may kakaibang disenyo.
"Akala ko bang wala ng wizard sa mundo ng mga tao?" Tanong ko. Ang sabi ni Ina ay ang mga wizard ay nasa lugar na nila. Ngunit bakit? Bakit nandito siya sa mundo ng mga tao?
Tumingin naman siya sa gawi ko at ngumiti. Ngiti na totoo at walang bahid na nagsisinungaling siya. Umilaw ang kaniyang wand stick at iniwasiwas ito.
May kung anong imahe ang lumabas. Isang batang maliit na umiiyak sa tabi at takot na takot ngunit tinulungan siya ng isang tao. Isang tao na kamukha ni Ama? Si Ama? Bakit? Paano? Tinulungan niya ang bata at hanggang sa lumaki si Mikaela ay isang mayaman na angkan ang kumupkop sa kaniya, pamilya ni Ama. Hanggang sa nakilala niya si Reaziah na lumaki lamang sa mahirap na pamilya ngunit nakikita namin sa masaya si Reaziah kasama ang kaniyang kinikilalang magulang. Naging matalik silang kaibigan, hanggang sa natuklasan ni Mikaela ang kaniyang kakayahan at kung saan siya nagmula at kung ano siya klaseng nilalang.
Bigla namang nawala ang liwanag at parehas kaming napatingin ni Ashton sa isa't isa na tila nagtatanong.
"Paano? Paano at umakto at inako mo na ikaw amg prinsesa? I mean bakit hindi mo sinabi sa amin na hindi ikaw ang prinsesa?" Tanong ko.
"Dahil sa misyon ninyo. Alam ni Ashton na may misyon kayo, maski kayo alam ninyong may misyon kayo. Masasagutan ang mga katanungan ninyo mamaya kapag nakauwi na kayo sa inyo." Sabi ni Mikaela.
"Alam ba ni Ama itong pagpapanggap mo?" Tanong ko ulit.
"Oo, siya ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Dahil bilang tagapag-alaga ng prinsesa dapat alam ninyo kung totoo ang prinsesa o hindi. Ipagpaumanhin ninyo kung akala ninyo ay isa akong taksil ngunit parte iyon ng inyong misyon. Misyon na hindi ko inakala na mahihirapan ang mga prinsipeng tukuyin kung sino ang tunay na prinsesa." Saad ni Mikaela.
"Sige. Sige. Madami akong gustong itanong sa iyo at sa kanila nila Mommy. Alam kong nandoon sila ngayon sa bahay." Sabi ni Ashton.
"Malapit na ang oras, mauuna na ako sa inyo." Sabi ni Mikaela at biglang nawala sa harapan namin.
Naguguluhan ako, gulong-gulo. Bakit? Bakit?
Bigla namang tumunog ang bell senyales na natapos na ang oras ng lunch break. Lumabas naman kami ni Ashton at parehong tahimik na naglalakad papuntang namin alam kung saan.
BINABASA MO ANG
My Four Mysterious Guardians (New Generation) - [COMPLETED]
Fantasy-----COMPLETED---- BOOK 2 Hindi ko alam kung saan sila nagmula basta ang alam ko bigla lang sila dumating sa buhay ko. Mysterioso ngunit sila ay kinikilala kong guardian. Guardian ko daw sila simula't sapul. Ano ba ang meron sila? Bakit nila ako b...