Third Person
[ 1:17 PM - 2 minutes after the incident ]
Nakarating na sina Marvi at Josh sa dormitorium ng Don Villalon University, masyadong malawak ang lugar na iyon at puro matataas na building na gawa lamang sa pulang bricks ang mga ito. Dumating na rin ang back-up nila mula sa mismong ahensiya ng mga pulisya.
"May radio na ba tayong lahat?" Tanong ni Marvi sa mga kasamahan.
"We'll search the area, kayong lima roon sa kaliwa at kami naman dito sa kanan. Let's hurry!" Kumilos na silang lahat at pinuntahan ang naka assign na lugar sa kanila.
"Josh, let's head to the security office first." Sabi ni Marvi sa kaniyang katabing si Josh na sinang-ayunan naman nito.
"Evan, nasa lugar niyo na ang mga police. Sinabi mong open yung front door niyo diba? Natatandaan mo ba kung nasaang floor kayo?" Tanong ni Elvie sa binata.
"It's in the s-sixth floor, b-but I don't k-know the unit." Sagot naman ng binata. "M-masayadong maliwanag at n-natatakot na p-po ako."
"Masyadong maliwanag?" Pagkaklaro ni Elvie sa binata.
"It's usually dark at home. Kerbi also told me that I'm cold and sick that's why it's dark in here." Pagkukwento ng binata kay Elvie na ikinanuot ng noo niya.
"W-wait, who's Kerbi?" Ngayon lang kasi ito narinig ni Elvie simula ng tumawag ang binata.
"S-siya po yung lalaki na naka meet ko rito. Mom and Dad told me na malalakas daw kaming kumain ni kuya kaya kami naghihirap ngayon at lalo na napagdesisyunan kong mag dorm dito." Ragdag na kuwento ulit ng binata.
"Kasama mo ba siya ngayon?" Tanong ni Elvie sa binata. Umiiling ito kahit hindi siya nakikita ng kausap. Pilit pa rin siyang nag-iingat para hindi siya mahanap ng kaniyang ina.
"He's sick, so he went to his grandmother's house. Narinig ko rin na ayaw niya ng bumalik dito dahil mas gusto niya na roon sa bahay ng lola niya. Also, Kerbi told me na may babae rin dito na nag d-dorm bago naging ako. Sabi niya rin na may sakit ito kaya tumigil ito sa pag-aaral at namamalagi na lamang siya sa hospital." Mahabang paliwanag ng binata kahit unti-unti na siyang nauubusan ng hininga.
"Evan, maaari mo bang ikuwento kung ano ang nangyari bago ka tumawag sa amin?" Paki-usap ni Elvie upang lubos na maunawaan ang nangyayari.
"I was taking a shower because we're going to have a picnic with Dad, but suddenly my mom entered the bathroom and she carried into the tub. I forgot to lock the door that time because of excitement. After niya akong inilagay sa tub, inilunod niya po ako rito. She kept on pushing my head into the water. P-pilit akong nagmamakaawa sa kaniya na wag iyong gawin dahil nasasaktan ako. Pero mapilit siya, para bang isang nangangain na tigre. Muli niya akong pina-upo sa tub at doon niya ako inundayan ng saksak." Huminga ng malalim ang binata at saka nagsalitang muli.
"Naitulak ko po si mama at naumpog siya sa may lababo sa cr at dun ko grinab ang chance na makatakas, nakaboxer lang po ako at sando kaya nahihiya akong lumabas. Sa halip, kinuha ko na lamang ang cellphone ni mama at nagtago sa loob ng washing machine." Pagtatapos ng binata sa nangyari bago ang kaniyang pagtawag. Napabuntong hininga naman si Elvie dahil sa sinapit ng binata. Di niya akalain na magagawa ito ng isang ina.