Chapter 9 - Midazolam

34 12 2
                                    

Sorry sa very late update.
Hope ya enjoy reading.

Marvi

"He's a dentist?" Pabulong kong tanong sa aking sarili habang nag-iisip sa mga nangyayari. I pictured out the wind chime that I found awhile ago in the security guard's office and remembered a powder on the guard's slacks. Kaparehong kapareho ang wind chime na nakita ko sa office ng guwardiya at iyong nakasabit sa pintuan ng tinutuluyang dorm nila Evan.

Kanina pa nagsasalita si Josh tungkol sa mga nangyayari pero tila ba kinakain ako ng sistema. Napapa-isip ako sa mga nakita ko kanina.

"Josh, pull over!" Medyo pa sigaw kong sabi na ikinabigla naman ng aking kasama.

"Huh? Bakit?" Tanong nito, he looked so confused right now. Mabilis niya na inihinto ang mobile car sa gilid ng kalsada. Bumaba ako sa kotse at saka nagpaalam.

"Babalik ako sa dormitorium ng mga estudyante. Bumalik ka na sa headquarters at ako na ang bahala rito." Wika ko at saka tumakbo papabalik sa Abrille Street na hindi pa naman kalayuan sa kinaroroonan ko. Ikinonnect ko muna ang aking ear piece sa linya nina Elvie upang marinig ko ang kanilang pag d-diskusyon.

"Mrs. Welen, huwag kang matakot at sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba ang tinuturing mong ama malapit sa tinitirhan niyo?" Seryosong tanong ni Elvie sa suspek. Patuloy pa rin akong tumatakbo at di alintana ang napakainit na panahon.

"Itigil mo na 'to!" Umiiyak na sambit ni Welen. Naiipit na siya sa sitwasyon at hindi niya alam ang dapat niyang gawin sa pagkakataong ito.

Inuuligan ni Elvie ang reaksyon ngayon ni Welen at pakiramdam niya nanginginig ito sa takot. "Mahirap din p-para sa a-akin 'to. Kahit sa p-panaginip ko h-hindi ako pinapatulog ng m-mga bata. P-pumupunta sila sa akin h-habang umiiyak." Takot na takot na sambit ni Welen sa mga bagay na palaging bumabagabag sa kaniya.

"Makinig ka sa akin Mrs. Welen, that man is no longer your adoptive father. Inaabuso ka niya noong bata ka pa and now he's committing retaliatory offenses. Isa siyang nakakarinding kriminal! Gusto mo rin bang masisi dahil sa mga kawalang hiyaang pinanggagawa niya? Please, pull yourself together. Ito na lamang ang natitira mong pagkakataon upang maparusahan siya." Pangungumbinsi ni Elvie kay Welen na pinakinggan ko na lang.

[ 1:35 PM, 20 minutes after the Don Villalon Dormitorium incident ]

Pagkabalik ko sa dormitorium, pumasok kaagad ako sa loob ng office ng security guard at walang nadatnan kundi ang malinis lamang nitong silid. Lahat ay naka organisado at makikita mo talagang malinis ang buong opisina.

"Aahh ang lamig ngayon." Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses ng security guard.

"Oh! Detective!" Bati ng matandang sekyu sa akin na ikinangiti ko.

"Ako nga po." Kalmado kong bati rin sa kaniya.

"Nahanap niyo na ba ang binata?" Tanong nito sa akin na sinuklian ko ng isang lingo. "Hindi pa nga po eh."

"Naku, malaking problema 'yan. Oh, bakit ka naparito uli?" Tanong niya ulit na sinagot ko naman. "May gusto po sana akong icheck saglit."

"Ano naman 'yon?" Napaharap na ako ng tuluyan sa kaniya. Para bang nagbago ang kaniyang ekspresyon. "May bumibisita ba kay Arwelynne Puente or sa binata na sinasabing siya ang ama o lolo nito? Narinig ko kasi isa siyang dentista." Pagbitaw ko sa kanina ko pang iniisip.

Napayuko siya na para bang nag-iisip. "Hindi ako sigurado, marami kasing lumalabas pasok dito sa building kaya hindi ko ma check kung meron ba." Seryosong tugon nito sa akin, napaka plain ng mukha niya ngayon. Hindi mo mawari kung ano ibig niyang sabihin nun.

Wavelength of CrimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon