Chapter 6 - Hide & Seek

44 17 8
                                    

Elvie

June 15, 2021
[ Don Villalon University ]

Tatlong araw ang lumipas mula noong promotion day ng university. At ngayong araw na ito naman ay ang Parents and Teachers' Assembly. Dahil college na kami, wala kaming gagawin kundi makinig at mag-aral ng mabuti. Bakit ang sarap balikan ng nakaraan noong nagsasaya at wala ka pang pinoproblema?

Pagkatapos magdrama, nag-unat muna ako at saka kinuha ang cellphone para malaman kung may ganap ba. But unfortunately, si Smart nalang talaga ang nagmamahal sa akin. Ubos na raw kasi yung MB Data ko at need nanamang mag reload para raw makapagsubscribe ng unli's. Hay nako, pati ba naman sim card huhuthutan ako? De joke lang po.

Masaya kong binati ang makinang na araw, ewan ko ba ang ganda ng gising ko ngayon. Iniligpit ko na ang aking higaan at isinuot ang magkapares na bunny slipper na swak na swak sa aking pajamang bunny din ang disenyo, terno kumbaga.

Sa nakalipas na tatlong araw, naging maganda naman ang training ni Ramigo Pondayao, madali siyang matuto sa mga instructions ni Andrei. Today, I'm expecting na tatawagan ako ni Claire. I want them both to our team kasi ganung skills ang hinahanap namin.

Bumaba na ako papunta sa kusina habang dala-dala ang aking cellphone sa kanang kamay. Pagkababa ko, kumuha ako ng isang baso at sinalinan ito ng malamig na tubig. After drinking up the water, dinig ko ang mga yapak ni Tita na galing sa sala na papunta rito.

I turned my back at hinarap si Tita ng isang malapad na ngiti.

"Good morning, Tita!" Masagana kong bati at mabilis na yumakap sa kaniya.

"Anong meron at parang ang ganda ng gising mo?" Nagtatakang tanong ni Tita na tinawanan ko lang.

"Wala lang po, dapat kasi happy vibes lang! Para magtuloy-tuloy." Sagot ko at saka kumalas sa yakap.

"Oo nga pala, Tita. Medyo matatagalan ako makauwi mamaya kasi need ko pa bantayan yung bagong kasamahan namin sa organization." Pagsasalita ko habang inihahanda ang lulutuin.

"Osige, may susi ka naman dito sa bahay. Basta wag masyadong gabihin, okay? Masyadong delikado na kapag sumasapit na ang gabi. Mag-iingat ka palagi." Tugon naman ni Tita na ikinatango ko. Kasalukuyan siyang nagtitimpla ng kaniyang kape.

Binalatan ko na ang hotdog at biniyak ang itlog. Inihanda ko na ang frying pan at nilagyan ito ng cooking oil. Habang hinihintay na uminit ang pan, inihalo ko na sa itlog ang konting asin at magic sarap at saka inilagay sa frying pan para maging scramble egg.

Ngunit ng pagkalagay ko nito, tumatalsik ang mantika papunta sa akin na ikinasigaw ko. "Aaahhhh!" Taranta kong sigaw at naitapon ang hinahawakang flipper sa kamay.

"Anong nangyayari?" Litong tanong ni Tita ng makarating sa kusina.

"Eh, kasi Tita yung mantika tumatalsik papunta sa akin. Ang sakit kaya nun." Page-explain ko kay Tita na ikinatawa niya.

"Naku, pati ba naman mantika kinatatakutan mo?" Sabi niya habang tumatawa. Kinuha niya ang flipper at mabilis itong hinugasan.

"Si Tita tinatawanan ako." Malungkot kong lintaya na mas ikinatawa niya.

"Sige na, umupo ka na doon at ako na ang bahala rito." Bago ako pumunta sa kabilang dulo ng kusina, kumuha muna ako ng isang mansanan sa loob ng refrigerator.

Kinuha ko naman ang aking cellphone at nag log-in ng facebook. Matagal na rin kasi akong di gumagamit ng facebook, nagiging busy sa mga paperworks at sa mga ginagawa sa org. eh.

Habang hinihintay na matapos ang niluluto ni Tita, patuloy naman ako sa pag s-scroll down at pakikibalita sa mga isyu ng lipunan. Ewan ko ba, ang dami dami nang krimeng nagaganap ngayon sa bansa. Wala naman sila mahuhuthot mula roon, eh kung gawin kaya nila ang tama at mas nakakabuti sa kanila? Hays, mga tao nga naman.

Wavelength of CrimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon