Chapter 11 - He's Dead

21 8 0
                                    

Life is like a box of chocolate, you never know what you're going to get.
- Forest Gump (1994)

Third Person

"Whoo, ang lamig ngayong gabi ah?" Pagmamaktol ng isang lalaki sa kaniyang kasamahan habang yakap yakap ang sarili. Kahit nakasuot na siya ng makapal na jacket ay tumatagos pa rin ang lamig sa kaniyang katawan.

"Kaya nga eh, kahit ang kakapal na ng mga sinuot natin ang lamig pa rin." Sabi ng kaniyang kasamahan na kakarating lang galing sa kaniyang pag-ihi.

Kasalukuyang nag-iinuman ang barkada nila Krite sa baba ng tulay sa Flores. Nakakailang bote na sila at unti-unti nang nag-iinit ang kanilang mga katawan dahil sa sistema ng alak. Napagpasiyahan nilang magkuwentuhan ng mga nakakatakot nilang nakaraan.

"Alam niyo ba? Noong isang araw habang pauwi ako sa aming bahay pakiramdam ko may nagmamatyag sa akin. Nang makapasok ako sa aking kuwarto biglang umihip ---" Hindi na natapos ni Joel ang kaniyang kuwento ng biglang may bumagsak mula sa itaas.

Kapwa silang nagulantang sa nasaksihan. Nagkalat ang mga inumin dahil napatalon sila sa gulat. "What the --- that scared me." Lintaya ni Krite dahil sa labis na gulat.

"Ano yun? Tao ba yun?" Pagtuturo naman ni Cedrick sa isang malaking bulas na nakabulagta sa semento.

"Siguro, h-he must have fallen down from the bridge." Sagot naman ni Joel. Unti-unti silang lumalapit sa nahulog na katawan at iniyugyog ito ni Joel. "H-hey, are you o-okay?" Medyo takot nitong pagtatanong sa nakahandusay na katawan.

Kapwa sila napaatras at nagsitakbuhan ng malamang patay na nga ang lalaki. Kinuha naman ni Krite ang kaniyang cellphone at mabilis na idi-nial ang numero ng pulisya.

•••

Elvie

Nang marinig namin ang impormasyon tungkol kay Kennedy Tolentino ay mabilis kaming umalis ni Marvi sa pasilidad. Sumakay kami sa police car upang puntahan kung saan namatay si Kennedy.

Tumunog ang aking cellphone at lumabas dito ang pangalan ni Andrei. Sinagot ko naman agad ang tawag.

"Ma'am natagpuan ang bangkay ni Kennedy sa ilalim ng tulay ng Flores." Pagbibigay impormasyon ni Andrei.

"Okay, thanks. Papunta na kami sa crime scene to check something. Call me if something happens." Pagpapaalala ko rito. Habang nakatuon ang paningin ni Marvi sa daan ay hindi niya maiwasang magtanong.

"Patay na ba si Kennedy?" Abala pa rin siya sa pagmamaneho, "hindi maaaring mamatay ang pumatay sa nobya ko. He can't die, papahirapan ko pa siya dahil sa mga nagawa niya."

•••

[ F L O R E S - 8:30 PM ]

Third Person

"The back of his head was smashed and his neck's bone were broken. It seems like he died on the spot." Sambit ng isang imbestigador pagkatapos niyang ineksamina ang bangkay ni Kennedy.

"Tsk, Marvi was dying to catch him. Pero ngayon, wala na. Dahil patay na ang suspek ng Matina Case." Wika ng head investigator na kasamahan din nila sa agency.

"Yes, sir. It must have been really hard for him. Anw, we found this on the victim's pocket. While he was running, he also had some gambling debt." Ipinakita nito ang isang papel na nakalagay sa isang zip lock na plastic. Isa rin ito sa ebidensya na maaaring iprisinta sa korte.

Wavelength of CrimesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon