So this is it pancit. Sorry sa late update. Masyado kasing critical tong chapter na to. Hope you understand :) I think ito ang pinaka-exciting na chapter so enjoy reading!
Marvi
I thought it was Evan, pero ng maibaling ko ang hawak kong flashlight sa kabilang side ng nakahandusay na bata ay nakita ko si Evan. Nakayuko lamang ito at nakahawak sa rehas na kaniyang kinalalagyan. Lumusong agad ako sa nagawa kong butas papunta sa loob at mabilis na pinuntahan si Evan.
"I found him." Maikli kong sambit kay Elvie na siyang nag-aalala. "Evan, hang in there. I am a detective." The cell is locked, ginamitan ko ito ng martilyong nahanap ko kanina upang masira ang kandado nito.
Walang pag-alinlangan kong binuhat ang binata at saka inihilig ko ang kaniyang ulo sa aking braso. "Evan, okay ka lang ba?" He look so pale dahil sa dugong nawala sa kaniya. Mabuti na lamang at matapang siyang bata at hindi nagpapatinag sa mga taong umaabuso sa kaniya.
"K-kuya? W-where is the p-police lady?" Dagli ko namang kinuha ang aking radyo at saka sinabihang gustong makausap ni Evan si Elvie.
"Yes, Marvi? Kamusta si Evan?" Biglang sulpot ng boses ni Elvie sa kabilang linya. "He's looking for you, gusto ka niyang makausap." Sagot ko naman sa kaniya. Inilapit ko ang aking radyo sa kaniyang kaliwang tenga.
"I k-kept my p-promise." Lantang gulay nitong pagkasabi. He wrapped his arms unto my waist at nakapikit na ang kaniyang mga mata. "S-sinabi mo na maririnig m-mo ako k-kahit gaano pa k-kaliit ang tunog."
"Yes, that's right Evan. It's now over. Thank you." Elvie heaved a deep sigh as she mentioned the word over. It seems like a long journey for her and to us because the suspect is capable of doing everything, except for the fact that he is unstable due to his condition.
"I'm sleepy." Sambit nito na ikinataranta ko. "Evan!" I kept on calling his name but he is not responding. Ibinaling ko kaagad ang radyo palapit sa aking bibig. "This is Team One. The child is bleeding heavily, I request an ambulance. Bilis!" Pasigaw kong sabi sa kanila. We need to rescue him para mapigilan ang pagdurugo ng kaniyang sugat.
Third Person
Nang marinig ni Elvie ang paghingi ng tulong ni Marvi sa kasama niyang pulisya ay napatungo na lamang ito. She can't hide what she feel right now, a mixed emotion. Masaya dahil natapos na rin ang lahat at nahanap na ang binata at malungkot dahil hindi pa sigurado ang kalagayan nito. Naglakad siya pabalik sa kaniyang puwesto at ini-off ang pulang button na nagpapahiwatig na tapos na ang kaso.
[ 2:00 PM - The Don Villalon Dormitorium incident, culprit arrested within Special Agents Organization. ]
"Case, closed. Great work everyone." Pag-aanunsiyo ni Elvie sa kaniyang kasamahan sa loob ng opisina. "You may now focus again on your calls."
Tinanggal niya ang kaniyang suot na headphones at saka umalis sa loob ng opisina upang makalanghap ng sariwang hangin. Simula kasi ng nasa loob siya ng opisinang iyon ay may tensyon at hindi niya mapigilang mag-alala sa iba. Para bang napipigil ang kaniyang paghinga dahil sa mga nangyari.
Hindi mapigilang mapatingin si Ramigo sa kaniyang kinatataasang katrabaho. Nang makalabas si Elvie sa opisina ay hindi mapigilang mapangiti si Ramigo dahil sa kaniyang paghanga rito. "Ms. Elvie is really amazing." Papuri niya sa dalagita.