Dedicated to Andre Go! Thanks for always cheering me up! Enjoy Reading!
•••
Elvie
[ June 11, 2021 ]
Dalawang araw na ang lumipas mula noong nagkasagutan kami ni Marvi sa rooftop ng Sonatine Hospital. Today, magiging busy kami dahil it's a promotion day para sa organization ng mga students. Napagplanuhan ng team namin na mag recruit ng dalawang members, a girl and a boy.
I sat in front of our big mirror, kinuha ko ang suklay at dahan dahang sinuklay ang mahaba kong buhok. I planned to cut it short kaso wala pa akong time for that, maybe after nitong promotion day daw.
While combing my hair, my cellphone flashed indicating that someone texted me. Kinuha ko ito at saka tiningnan kung sino ang nag text.
Josh:
Good morning, Elvie. How's your sleep? See you later at school.
As soon as I read his message, a smile curved into my lips. It feels so good na someone texted you. I responded to his message after combing my hair.
Me:
Good morning too, Josh. My sleep was good :) Yeah, see you later.
Pagkatapos kong mag reply, isinilid ko na sa bulsa ang aking cellphone. Kinuha ko ang aking bag at inilagay ang aking mga gamit para sa araw na ito. After putting all the things that I need in my bag, I hurriedly went down to have my breakfast. Just a piece of bread and a cup of hot chocolate, para mainitan lamang ang aking tiyan.
"Auntie! Thanks for the breakfast! Gotta go. Bye!" Mabilis kong sabi kasabay ng isang matamis na halik sa kaniyang kaliwang pisngi. "Sige, mag-iingat ka anak!" Sigaw ni auntie kahit di pa ako nakakalayo. I am so thankful kasi may kasama pa ako ngayon. Simula kasi nung nawala si papa parang wala ng saysay ang buhay ko sa mundong ito.
After nung insidente, napagpasiyahan nina Auntie at ng iba niyang kapatid na pag-aralin ako sa ibang bansa. Kaya mas na enhance yung skills ko sa pag-sosolve ng crimes at analyzation. After 2 years napagdesisyunan kong bumalik dito sa Pinas at dito na lamang ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
I guess 2 years is enough for me to totally moved on. Pero sa loob ng 2 years na yun hindi pa rin nawawala yung sakit at pagdadalamhati sa pagkamatay ng ama ko. Talagang nagsisisi ako dahil wala man lang akong nagawa para matulungan si Jennie at papa ko.
Pagkarating ko sa Don Villalon University, kinuha ko muna ang aking identification card sa bag at saka isinuot ang lace nito sa aking leeg. Kinakailangan kasi talaga ng I.D kapag papasok at lalabas ng school grounds. Habang iprenepresent ko ang I.D sa guard at binuksan ang bag for inspection, binati ko naman sila ng magandang umaga.
Nakakapagod kayang tumayo at mag check ng bag kada araw tapos mula umaga hanggang gabi. I experienced that one, lalo na kapag pasaway ka sa klase. Buong araw kang tatayo sa likod habang nakataas ang mga kamay, minsan nga sit on the air tapos may mga libro pa. #ThrowbackFriday
After kong makapasok sa school campus, dumeretcho muna ako sa cafeteria upang bumili ng buscuit at mineral water in case na baka ma busy kami mamaya. Pagkapasok ko pa lang, bumungad sa akin ang napakaraming estudyanteng kumakain. I never expected na sa ganito kaaga, ang raming tao sa cafeteria. Hindi ba sila nag b-breakfast sa kani-kanilang bahay?