Chapter Six

10 1 0
                                    

"Hindi nga, seryoso?" Hindi niya makapaniwalang wika.

"Mukha ba akong nagbibiro," tugon ko na may matamis na ngiting nakapinta sa aking mga labi. Sa mga sandaling ito, sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kaniya.

"Kasi ano...kasi, hindi pa rin talaga ako makapaniwala." Bakas ko sa mga mukha niya ang labis na kagalakan; ang walang pagsidlang saya.

"Thank you for loving me back, you really don't know how happy am I knowing the fact that you also love me." Sa pagkakataong iyon ay ikinulong na niya ako sa kaniyang mga bisig.

Hindi ko maipaliwanag ang labis na kagalakang lumulunod sa puso ko nang mga sandaling iyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kakaiba--na sa unang pagkakataon ay naramdaman kong espesyal din pala ako. Hindi ko lubos akalain na darating ang araw na ito.

"Wait, baka naman rebound mo lang ako kasi, 'di tinugon ni Khyro ang pagsinta mo sa kaniya?" Mayamaya'y wika niya matapos bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin at matamang tinitigan ako sa aking mga mata.

"Baka nga, kahit tanungin mo pa si best friend."

"Best friend? Wait, I thought..."

"Marami talagang namamatay sa maling akala." Putol ko sa sasabihin niya. Minsan tamang hinala rin ang mga lalaki.

"Si Kai at Mica ang may mutual understanding at malabong unawaan," dagdag ko pa.

"Ano 'yong kanina? Bakit nakita ko kayong magkasama, tapos ay umiiyak ka pa? 'Di ba, b-in-usted ka niya?"

"Ikaw na lang kaya ang busted-in ko. Tapos huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan?"

"Teka, kasasagot mo lang sa ak..."

"Kailan kita sinagot? Bakit, nanligaw ka na ba?" Putol ko sa sasabihin sana niya. Kapag siya talaga ang kaharap ko, minsan ay hindi ko mapigilang hindi maging pilosopo.

"Kasasabi mo lang na mahal mo rin ako," aniya.

"Pero wala akong sinabing tayo na."

"Ganoon na rin 'yon," giit pa niya.

"Magkaiba kaya 'yon." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksyon niya o maaasar.

"Ang labo mo naman."

"Sige mag-away na lang tayo para wala na lalo 'tong patunguhan."

"Hindi. Ayoko nga, lalo ngayon na alam ko nang mahal mo rin ako--wala nang atrasan 'to. P'wede ko na bang simulan ang panliligaw ngayon?" Mayamaya'y sumeryoso ang awra niya.

"Pag-iisipan ko muna." Pang-aasar ko pa. Gusto ko lang subukin ang haba ng pasensiya niya.

"Ang daya naman."

"May reklamo ka?" Sabay pinandilatan ko siya. Ang totoo, gusto ko nsng tumawa, pero pinioigilan ko lamang ang aking sarili.

"Sabi ko nga, wala. Bago pa tayo tuluyang msg-away ay msbuti pang  ihatid na kita sa klase mo at baka ma-late ka pa. Antayin na lang kita mamayang pag-uwi ninyo."

"Alam mong schedule ko?" Hindi ko mapigilang hindi mabigla sa sinabi niys.

"Hindi lang basta alam, kabisado ko kaya. Para saan pa ang pagiging stalker ko kung hindi ko lang din malalaman?" Pagmamalaki pa niya habang nsglslakad na kami papunta sa klase ko.

"Dapat ba akong kiligin o dapat na akong matakot sa iyo?"

"Kiligin ka na lang...saka harmless naman ako." Sabay ngiti niya nsng ubod nsng tamis. Wala namang duda sa pagiging mabait niya kahit na hindi maganda ang unang pagkakakilala namin.

"E 'di alam mo na rin ang bahay ko?" Hindi ko mapigilsng hindi usisain sa kaniya.

"Nope, inihahatid lang kita ng tanaw paglabas mo ng campus hanggang makasakay ng jeep."

"Hindi nga?" Kunwari ay hindi ako kumbinsido sa tugon niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?Alam ko lang sng karamihan sa sched mo, pero liban doon ay wala na.  Saka malaking factor din siguro 'yong halos pagkakapareho ng sched natin. Kaya madalas na nagkakasalubong tayo ng landas sa labas." Paliwanag niya pa.

Medyo na-relieve naman ako sa sinabi niya, saka alam ko naman na harmless naman siya--isa't kalahating torpe kasi ang lolo mo.

Ngayon, masasabi kong masaya ako kahit pa hindi naging ganoong kaganda ang mgs kaganapan bago kami humantong sa ganito. Basta ang mahalaga ay ayos na kami--na nagkaliwanagan na kami. Minsan, mahirap talagang mangapa sa dilim at manghula ng bagay na hindi naman pala totoo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forget About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon