Chapter One
Sabi nila normal lang daw sa isang tao ang ma-attract sa opposite sex. 'Di ibig sabihin, abnormal ako? No kidding, I haven’t felt something strange towards my opposite sex. Jusko naman, tingin ko nga sa kanilang lahat ay parang kapatid lang; nothing more, nothing less. And mind you, I am bitter less. I’m not kidding kasi totoo naman.
“Why are you acting like that?” Puna sa akin ni Mica, isa sa classmate ko nang makita niya akong nagmumukmok sa isang tabi.
“I’m just tired, and I don’t wanna miggle with them." Matamlay kong sagot. Kapag ito talagang si Mica ang kausap ko, I can’t help myself but to speak using the language I am not comfortable. I am a big suck when it comes to English, I got always my tongue tied whenever I tried to speak using that language, pero kapag si Mica ang kausap ko para akong nawawala sa sarili 'yong pakiramdam na may sumanib sa 'yong masamang espiritu.
“Do you wanna go somewhere?” tanong niya sa akin. Obviously, I do really know what she’s talking about. As usual balik uli kami sa aming hobby, correction hobby lang pala niya kasi lagi lang akong sabit.
“Okay." At tumayo na ako mula sa puwesto ko. Bakit kasi sobrang tagal ng vacant namin bago ang last subject, kaya ayon nagpapatay na lang kami ng oras. Pero itong si Mica naman, ayon tuwang-tuwa.
Bago kami magtungo sa aming destinasyon ay bumili muna kami ng pagkain, s’yempre sagot niya, siya ang nag-aya.
We arrived just on time kasi noon pa lamang magsisimula sa kanilang practice ang dance troop ng school. You heard it, manunuod kami ng practice nila. Wala akong magawa, ako lang ang nahahatak ni Mica sa pag-stalk sa kaniyang sinisinta. Kahit hindi ako ang direktang sangkot, pakiramdam ko ay stalker na rin ako ni Khyro dahil sa kaibigan ko.
Mula sa second floor ng building sa tapat mismo ng lugar na pinagprapraktisan nila ay malaya naming pinapanood ang pag-indak ng mga ito sa saliw ng musika.
Naiiling na natatawa na lamang ako sa katabi ko na ngingiti-ngiti habang 'di maalis ang tingin kay Khyro. Noo doubt, he’s really a good dancer kaya nga siya ang pinaka-leader ng grupo nila. Actually we personally know him at hindi lang kami basta stalker dahil kilala niya rin kami. My friend Mica usually address Khyro as Kai. Habang ako naman, I used to call him best friend or Spiderman. Siyempre si Mica lang ang nakaka-alam noon, not until the time na narinig ni Khyro na tinawag ko siyang best friend noong nahulog niya 'yong towel niya minsang nakasalubong namin siya sa may hallway.
“Mica, matunaw naman si best friend sa 'yo.” Natatawa kong puna sa kaniya.
“Grabe 'to, hindi naman.” Sabay kurot sa akin.
Ang sadista talaga niya, lagi na lang kapag kinikilig s’ya hindi pwedeng hindi niya ako kukurutin. Marahan kong hinimas 'yong braso kong kinurot niya. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Ngayon naman pinanggigilan ako. Anong akala sa akin nito stuff toy?
“Sorry na, bati na tayo.” Malambing niyang wika. Naku, pasalamat talaga siya at kaibigan ko siya at kabisado ko na ang ugali niya.
“Shyla bati na tayo ha, lilibre kita ng paborito mong siopao.” At inuto pa talaga ako. Alam na slam niya na weakness ko ang siopao. Ang babaw ko, 'di ba, parang siopao lang. Pero kasi, paborito ko talaga ito.
“Kailangang may suhol? Alam mo Mica na hindi ako nadadaan sa ganiyan at isa 'yan sa pinakaayaw ko.” Obviously kahit na siopao ang weakness ko ay never akong nagpasuhol. Ang totoo, iniinis lang niya kong lalo kaya niya sinabi ang bagay na 'yon.
“Ito naman hindi na mabiro. Oo na po, Ale.” At muli ay itinuon na naman niya ang atensyon sa panunuod kila best friend.
Actually, I can’t blame Mica for idolizing him or having a big crush on him kasi nasa kaniya na talaga ang lahat; sikat sa school, magaling magsayaw, matalino at higit sa lahat mabait. But mind you, wala akong gusto sa kaniya, natutuwa is the best word to define kung ano ang tingin ko sa kaniya.
Ilang sandali pa nag-water break muna sila Khyro. Imagine, almost half hour na rin pala kami rito sa second floor at tahimik lang na nakamasid sa kaniya. Mayamaya, nakita kong lumapit si Khyro sa gamit niya at kinuha 'yong phone niya, then parang may hinahanap siya hanggang dumako sa gawi namin 'yong tingin niya at nag-smile siya. After that smile, he turns his head somewhere.
Wala na namang bago sa eksena, halos ganiyan araw-araw-- masyado nang cliché ang sitwasyon. Tulad nang inaasahan, parang kinikilig na uod na naman ang katabi ko kasi automatic na 'yon nagkaunawaan na sila after a while nakatanggap si Mica ng text message mula kay Khyro.
Ang husay, 'di ba? Saan ka nakakita ng ini-stalk na willing magpa-stalk? 'Di naman 'yon lingid sa kaniya at parang mas natutuwa nga siya. I am not saying na he’s flirting with my friend, sadyang mabait lang talaga siya at friendly; alam mo na sikat, saka mabait lang talaga si best friend.
“Paano ka nga pala nagkaroon ng number ni best?” tanong ko kay Mica, lagi ko kasi siyang nakakalimutang usisain.
“He had given it to me personally last time, when you’re not around." Nakangiti niyang tugon. Bongga! Saan ka pa, wala na talaga akong ma-say.
Taray ng lola mo, fan girl. Nakakatuwa talaga silang dalawa ni best friend.
“Let’s go." Mayaaya ay aya ko kay Mica, baka kasi ma-late kami sa next subject namin, masungit pa naman 'yong instructor namin.
Pero bago kami umalis ay sumulyap muna kami sa gawi ni bestfriend. Sakto naman at nakatingin rin pala s’ya sa gawi namin kaya naman, we wave our hands telling him that we need to go. Tumango naman siya sabay silay ng ngiti sa kaniyang labi.
Habang masaya kaming naglalakad papuntang classroom namin ay hindi sinasadyang may nakabangga sa akin. Ang siste, nahulog lahat ng hawak kong gamit. Bigla kong hinabol 'yong lalaking nakabangga sa akin, sabay hiklat sa may balikat niya at binigyan siya ng makatanggal-pangang-sapak.
Ewan ko ba, nagulat din ako sa ginawa ko kasi hindi ko naman ugali ang bagay na 'yon. Pero nang mga sandaling iyon, parang may nagtulak na gawin ko ang bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
Forget About It
RomanceForget about it Do I need to forget the most unforgettable moment of my life? Do I need to forget the person who change my whole life? Do I really need to forget the past for me to move forward? The answer is YES, Forget about it. A/N: matapos ko ka...