Prologue

76 3 0
                                    

A/N:

Akala ko 'di ko na 'to madudugtungan kasi wala talaga akong maisip hanggang sa ayon? nakita sa sa newsfeed 'yong pic ni Spidey together with his gf. That's the reason why did I come up with this part.

Prologue

Bakit ganoon ang sakit? 'Yong pakiramdam na parang hinihiwa ang puso ko at tinatadtad ito nang pinong-pino.

I thought, I am already over him, pero nagkamali ako. Seeing him with another girl beside him kills me to death. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sana ako na lang, sana ako pa. Sana ako na lang talaga ang kasama niya ngayon, sana kami pa. Ngunit ang masakit, hanggang sana na lang ako; na sana ako pa kahit ang totoo ay hindi na. Sana kami pa, pero ang totoo, may mahal na siyang iba.

Akala ko sa loob ng tatlong taong 'di ko siya nakikita ay tuluyan na ngang naka-get over ang puso ko sa kaniya, pero nagkamali ako. I still love him, at mas sobra pa nga ngayon 'yong nadarama ko para sa kaniya. Akala ko talaga, wala na, pero sarili ko lang pala 'yong dinaraya ko. Ang galing ko rin, hamakin mo, tatlong taon kong pilit na pinaniwalang wala na talaga, but deep inside i buried my love for him and it grows deeper and deeper.

Ang tanga ko kasi dahil hinayaan ko siyang mawala sa akin, 'di sana ay hindi ako nasasaktan nang ganito ngayon. 'Di sana kami pa hanggang ngayon.

Nang makita ko siya kanina, pinilit kong umarte na parang wala lang; tipong casual. But deep inside my heart gusto ko nang pumalahaw ng iyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit kasi kung kailangan akala ko ay nakalimutan ko na siya, saka naman siya biglang susulpot at ang masaklap pa, sobrang sakit na makita siyang masaya sa piling ng iba.

Hindi ko alam kung paano kong nadaya ang sarili ko nang mga sandaling magkaharap kami. 'Di ko nga rin alam kung paano kong napigil ang sarili ko na hindi siya yapusin. I do really miss him that much, that I want to hug him and kiss him with so much passion. Kaso lang, iba ang sampal ng realidad. Alam ko, wala na akong karapatan sa kaniya, pagkat pagmamay-ari na siya ng iba. Tanga ko nga kasi, nasa akin na dati, pinakawalan ko pa.

Alam ko kahit na magsisi man ako, wala na akong magagawa, pagkat naganap na ang lahat; wala na ang s’ya at ako dahil sila na.

Sana panaginip lang talaga ang lahat, sana magbalik siya sa akin. I really hate myself having such kind of emotions.  Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong uri ng damdamin. Mas masakit pa ito kaysa noong maghiwalay kami.

I don’t know what to do, I really don’t know kung paano ba mai-ease ang pain na nadarama ko ngayon. I want him back; I love him.

Forget About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon