Chapter Three

56 3 0
                                    

Akala ko, tuluyan na kaming nakatakas mula sa kaniya, pero nagulat na lamang ako nang bigla niya akong saklitin sa braso paharap sa kaniya. Gusto kong yumuko upang hindi magsalubong ang aming mga mata dahil ramdam ko, base sa pagkakahawak niya sa akin ang labis na galit at pakiramdam ko ay madudurog ang mga buto ko kung tatagal pa ito.

“Why the hell you did that thing to me?” Pasigaw niyang wika sa akin.

'Yong pakiramdam na gusto kong umiyak dahil sa higpit ng hawak niya sa akin o dahil ba sa katotohanang nasasaktan ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Bakit ganito 'yong pakiramdam ko, bakit parang ayoko siyang nakikitang nagagalit? Bakit pakiramdam ko, gusto kong makita ang ngiti sa kaniyang mga mata kaysa sa ganitong tila ba  nag-aalab ang mga ito?

Imbis na sagutin ko 'yong tanong niya ay mas pinili ko na lamang itikom ang bibig ko dahil pakiramdam ko kapag ibinuka ko ito ay mapapasigaw ako sa sobrang sakit ng hawak niya.

“Answer me!” Gigil pa rin niyang wika habang niyuyugyog ako dahilan upang 'di ko na mapigilan ang mapangiwi. Kahit na nasasaktan na ako, hindi ko naman magawang pumiglas o magreklamo, lalo na at alam kong ako ang may kasalanan ng lahat; na mali rin 'yong naging hakbang ko kanina. Nagsisisi ako ngayon kung bakit ba ako nagpadala sa inis ko sa kaniya nang mabangga niya ako kanina. Kung nanahimik na lang sana ako, 'di sana ay hindi na umabot pa ang ganito sa lahat.

“Let go of her!" Narinig ko na lamang na wika ni Mica, sabay haltak niya sa 'kin palayo rito.

“Ayos ka lang, Shy?” Nag-aalalang tanong niya sa akin habang sinusuri niya ang braso kong namumula dahil sa hikpit ng kapit ng lalaking nasa harapan namin ngayon.

“You--monster, a not so good creation--why did you hurt my best friend?” Nanggagalaiting wika ni Mica rito.

“Me? Oh come on, me as in me? Why didn’t you ask your friend first, before accusing me; ask her what she have done to me.” Sarkastikong wika nito.

Kaya naman ibinaling sa akin ni Mica ang kaniyang tingin, mga matang nagtatanong at humihingi ng kapaliwanagan.

Hindi ko alam kung paanong sasalubungin ang mga titig niya, hindi ko alam kung paanong sasagutin ang mga tanong niya dahil kahit ako hindi makahanap ng kapaliwanagan.

Why did I punch him? Kasi nainis ako sa ginawa niyang pagbangga. Pero 'di ba, p'wede ko naman siyang tawagin at komprontahin lang. Why did I slap his face? Dahil sa natakot ako...no it can’t be. Tapos ano grr! I can’t believe that this is happening to me.

“O hindi ka makasagot.”

“Dahil alam kong wala naman akong dapat ipaliwanag." Pinilit kong panlabanan ang anomang pangambang nararamdaman ko. This man, he brings out the worst of me, and he also made me feel weak. Bakit ganoon hindi naman ako ganito, pero...

“Talaga lang? Then ipaliwanag mo nga kung bakit mo ako sinapak at pakipaliwanag mo rin kung bakit mo ako sinampal!” Bakas ko sa mga mata niya na sinusubukan niya lang ako. Gusto kong lumaban, pero pakiramdam ko ay talo na ako 'di pa man nag-uumpisa ang lahat.

“Una, binunggo mo lang naman ako, tapos ni ha ni ho wala akong narinig, diretso ka pa rin, ni 'di mo man lamang inalam kung ano ang nangyari sa nabangga mo,” sagot ko matapos kong ipanatag ang sarili ko.

“Nasaan ang ikalawa?”

Do I need to answer? Bakit nga ba, dahil ba nangamba ako?

“Ahmm.”

“Kitam wala ka naman palang rason, eh.”

“I have my own reason," giit ko.

“And what is it?” Magkapanabayan pang wika ng dalawa na tila ba hinihintay ang bawat katagang bibitawan ko.

Ano nga ba? Takte naman.

“Maybe I do know your reason." Sabay ngiti nito nang nakakaloko.

Kaya naman napatingin sa gawi niya si Mica. Oh no, huwag lang siyang magkakamali.

“Ano 'yon?” Takhang tanong ni Mica.

Ngunit imbis na sumagot ay isang nakakalokong nginti lamang ang ibinigay nito.

Dahil sa inis ko ay bigla ko na lamang siyang hinampas nang malakas sa braso.

“Outch! Nakakarami ka nang babae ka.”

“Alam ninyo, para kayong mga aso’t pusa; away kayo nang away, though ang cute ninyong tingnan."

Kita mo 'tong babaeng 'to.

“Ano'ng cute do’n? Grr!” Ang lakas din nitong si Mica.

“Taray nito. Grabe, sigurado ako na kawawa sa iyo ang boy friend mo, masyado ka nang mataray, sadista ka pa." May hamig ng pang-iinis nitong wika sa akin. Eh kung ibaon ko kaya 'to nang buhay, nang malaman niya ang sinasabi niya.

“How I wish. Mind you, wala pang boy friend 'yan at never pang nagkaroon. And you know what, ngayon ko lang nakitang nagtaray at nainis 'yang kaibigan ko. At never din siyang naging sadista, ngayon lang at sa 'yo lang."

Sige, ibenta mo ako; hindi ko alam kung pinupuri ba ako o sinisiraan nitong babae na 'to. Pero sigurado akong ibinebenta niya ako.

“Ows!” Tila naman hindi ito makapaniwala.

“So I must be proud, kasi ako ang unang taong nasapak, nasampal, nahampas at natarayan ng kaibigan mo?” He looks so weird with his facial expression, though I admit, he’s a liitle bit cute.

Masyado ko na yatang pinagtutuunan ng pansin ang lalaking ito. Kaya naman ibinaling ko ang tingin ko kay Mica na nang mga sandaling iyon ay tatango-tango lamang.

P'wede na ba akong mawala sa harapan nila ngayon?

“Don’t be too proud of yourself, mister." Bakit ba pagdating sa kaniya, hindi ko magawang maging kampante; my heart is beating so fast right now. Ewan 'di ko mapaliwanag 'tong nadarama ko.

Ngayon ko lang napansin, habang malaya kong pinagmamasdan ang mukha niya, siya 'yong lalaking madalas kong makitang nakatingin sa amin mula sa ibaba tuwing nanunuod kami ng practice nila Khyro. Siya rin 'yong madalas kong makasalubong noon sa koridor, maging 'yong madalas na dumaraan sa harap namin tuwing nakatambay kami sa may bench sa may harapan ng building namin.

Forget About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon