“Shy!" Pilit na habol sa akin ni Mica, pero naging bingi ako nang mga sandaling iyon.
'Di ko maipaliwanag kung ano ba ang nangyayari sa akin, basta isa lang ang gusto ko--ang turuan ng leksyon ang damuhong lalaking iyon. Kung nag-sorry man lang sana siya o hinintuan kami para tulungan ako, mapapalampas ko siya. Kaso lang imbes na gawin niya 'yon, deadma lang siya habang wine-wave pa ang ulo niya sa saliw ng kung anong musikang pinakikinggan niya.
Ewan ko kung ano ang nagtulak sa akin para habulin siya. Wala akong pakialam kung panay na ang tawag sa akin ni Mica. What I really want do now is to hit his fucking ugly face. Nang malapit na ako sa kaniya ay agad ko siyang hinawakan sa balikat sabay haltak paharap sa akin at ilang sandali pa ay nag-landing ang kamao ko sa mukha niya. Then I give him a smirk--a one dumb devil smile--I feel the victory. Ewan ko ba, that man, bring out the worst out of me thinking that I don’t even know him. Idagdag mo pa na hindi ko man lamang nakita ang itsura niya kasi pagsapok ko sa kaniya ay tumalikod na ako.
Akala ko okay na ang lahat. 'Yon lang ang akala ko. Nagulat na lamang ako nang may marahas na kamay ang sumaklot sa mga braso ko kasabay ang marahas din niyang pagbaltak sa akin paharap sa kaniya,
Dahil sa nangyari bigla akong nakaramdam ng pangamba. Noon ko lamang naramdaman ang ganoong uri ng takot. Hindi ko alam kung dahil ba sa nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin o dahil sa nakikita kong galit sa kaniyang mga mata. Galit na tila ba anomang oras ay kakainin niya ako nang buhay o bigla na lamang niya akong bubugahan ng apoy.
Sinubukan kong magpumiglas mula sa kaniya. Ewan ko ba, sa kabila ng takot na nadarama ko ay nakuha ko pa talagang makipaglabanan ng titig sa kaniya. At the back of my mind, hiniling ko na sana, bigla na lamang mabiyak ang lupa at lamunin ako nang buong-buo. Pero imbis na pakawalan ako ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa braso ko habang dahan-dahang lumalapit ang mukha niya palapit sa mukha ko. I really want to close my eyes, 'di ko maipaliwanag 'yong takot na nadarama ko dahil sa mga titig niya. Pero sa kabila ng paghahangad ko ipikit ang aking mga mata ay nakipagtagisan ako sa kaniya. Hindi ngayon ang tamang panahon para maduwag ang isang tulad ko. Ibibigay ko sa kaniya ang gyerang hiahanap niya.
Habang tumatagal, palapit na nang palapit 'yong mukha niya sa mukha ko--an inch or two. Ewan, hindi ko alam...gusto kong pumikit, pero pinanlabanan ko ang kagustuhan kong iyon. Sobrang lapit na ng mukha niya, isang maling kilos ko lang siguradong magdadampi ang mga labi namin, at hindi ako makakapayag na siya ang maging first kiss ko.
'Yong pakiramdam na nanunuyo 'yong lalamunan ko. Gustuhin ko mang lumunok, pero pinigilan kong gawin ang bagay na 'yon. 'Di na ko makakatagal sa laban na 'to? I really want surrender, but I don’t know how. Until I find myself lowering my look down to his pinkish lips; and that’s the sign that I have already loss the battle. Napalunok na lamang ako, and then I suddenly saw a mischievous smile register on his lips, yelling for a victory.
Dala ng instinct ko ay agad ko siyang itinulak palayo, sabay sampal sa kaniyang mukha. Nararapat lang sa kaniya 'yon. Sobra na talaga 'yong inis na nararamdaman ko. After I give him a slap on his face, I haven’t seen any emotion register on his face. Maybe he's a little bit shock, because he wasn’t expecting me to do that thing. At bago pa mahismasmasan ang lalaking nakabangga ko, tumakbo na ako palayo sa kaniya. Mahirap na, alam kong sa mga sandaling ito ay mas tumindi ang galit niya.
BINABASA MO ANG
Forget About It
RomanceForget about it Do I need to forget the most unforgettable moment of my life? Do I need to forget the person who change my whole life? Do I really need to forget the past for me to move forward? The answer is YES, Forget about it. A/N: matapos ko ka...