Chapter Five

51 3 0
                                    

Ang bilis ng araw, parang kailan lang, isang taon na lang at gra-graduate na kami. Parang kailan lang, naalala ko pa 'yong pag-i-stalk namin kay Khyro na siyang naging dahilan upang makilala ko ang lalaking nagpabago sa akin o sabihin na lang nating nakapagpalabas ng ugali kong kahit ako ay hindi ko pala alam. Sinong mag-aakala na bukod sa pagiging stalker namin ay may nang-i-stalk din pala sa amin, partikular na sa akin. Medyo matagal ko nga lang bago natuklasan ang bagay na 'yon.

After our encounter madalas ko nang napapansin si Dustine, actually matagal ko na s’yang nakikita dati, pero hindi ko naman siya pinagtutuunan ng pansin. Then one time 'di ko na napigil 'yong sarili ko at kinompranta siya medyo naa-annoy na rin ako, isa pa hindi ako kampante kapag nasa paligid siya dahil pakiramdam ko ay may mga kabayong nagkakarera sa loob ng dibdib ko. Kaya naman nang minsang dumaan siya sa harapan namim ay hinarang ko siya at tinanong kung bakit parati na lang niya akong sinusundan. Alam kong hindi nagkataon lamang ang lahat. Nagulat ako sa naging tugon niya sa akin nang mga sandaling iyon habang direktang nakatitig sa mga mata ko.

“At last you’ve notice me after a year, ngayon mo lang talaga napansin? And you know what, it took me almost three months bago ako lumantad sa 'yo then what?” iyan 'yong eksaktong sagot niya sa akin noon at naglakad na siya palayo noon habang ako naman tulala pa rin at hindi agad nakahuma sa mga sinabi niya.

Naalala ko pa ito naman pa 'yong reaksyon ng katabi ko noon na si Krisha.

“Grabe ang manhid mo 'te, kung alam mo lang kung paano siya palihim na sumisimple ng sulyap sa 'yo nang hindi mo alam tuwing dumaraan siya sa harapan natin. Akala ko nga noong una, beauty ko ang sinusulyapan, 'yon naman pala, ikaw.” Ganoon na ba ako kamanhid at ka neutral when it comes to boys?

Isa sa pinakaayokong pakiramdam sa lahat ay ang naiiwan akong puzzled sa isang sitwasyon, kaya naman ngayon habang vacant namin ay sinadya ko sa building nila si Dustine, nalaman ko kasi kay Mica na mula siya sa College of Engineering, medyo close na kasi 'yong dalawa at magka-text pa. Nakakainis nga, ayoko mang aminin, pero pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay tuwing magkukuwento si Mica na ka-text niya ito; na nakita niya ito at nakakuwentuhan. Alam ko, wala ako sa lugar para mainis o magalit kay Mica, o dahil sa naiinis ako sa sarili ko dahil sa pilit ko pa ring itinatangging may nararamdaman na ako para kay Dustine.

Sakto naman pagdating ko mismo sa building nila ay nakasalubong ko siya sa may pasilyo na may kasabay na babae na mukhang nag-eenjoy sa pakikipag-usap sa kaniya. Gusto kong sugurin nang mga sandaling at sabunutan ang higad na babae na 'yon habang gusto ko namang sakalin si Dustine dahil nakukuha pa niyang ngumiti, halata namang nag-e-enjoy siya sa pakikipag-flirt sa higad na babae na 'yon. Pero hanggang isip ko lang naisakatuparan ang lahat ng iyon. Nagmamadali akong tumalikod at naglakad palayo sa kanila. Bakit ang sakit-sakit at bakit ako nasasaktan nang ganito? Bakit? Hindi ko namalayan na may munti na palang  butil ng luha ang nahulog mula sa mga mata ko.

Dahil sa magulong-magulo ang puso at isipan ko sa mga nakita ko, hindi ko inaasahang makakabangga ko si Khyro.

“Sorry." Pilit kong sambit habang pigil ang pagkawala ng hikbi sa aking lalauman.

“Bakit ka umiiyak? Anong problema Shy?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Iling lamang ang itinugon ko sa kaniya, dahil pakiramdam ko pag nagsalita ako ay palahaw ang lalabas mula sa bibig ko.

“Come on Shy." Pagpipilit pa rin niya habang dahan-dahang pinapalis ng kaniyang mga daliri ang luha sa aking pisngi.

“Wala 'to best friend, napuwing lang ako,” I said after clearing my throat. Alam ko kasi na hindi niya ako lulubayan-- knowing Khyro.

“Ang alam ko kapag napuwing, naluluha lang ang tao at hindi naiiyak.” Kunot noong wika niya.

Kung maayos lamang ang takbo ng isip ko baka sinabi ko na sa kaniyang pareho lang naman 'yon at walang pinagkaiba, pero nakita ko ang punto niya. I try to fake a sweet smile kaso lang bitter 'yong naipinta ko kaya ang siste tinawanan lang ako ni Khyro.

“You know what Shy, if he truely loves you he will never hurt you; same with if you truelly love him, you will trust him and you will listen to his explanation." Sabay ngiti niya nang makahulugan then ginulo niya 'yong buhok ko, saka niya ako biglang iniwan.

Lingid sa kaalaman ko noon ay matama lang palang nakamatyang mula sa malayo si Dustine at hinihintay ang pagkakataon na makalayo si Khyro sa akin bago niya ako lapitan.

“Life and love is so unfair; kung sino pa ang gusto mo ayaw sa 'yo, habang 'yong ayaw mo ang may gusto sa 'yo. Why wouldn’t people choose the one who love them rather than the one they love,” wika niya nang ganap nang makalapit sa akin. Agad ko namang inilingap ang tingin ko sa paligid nang hindi ko makita ang babaeng kalandian niya kanina.

“Well that’s life, and love is too ironic.” Patuyang wika ko. Minsan talaga nakakainis talaga ang lalaking ito, ang sarap ikulong sa mga yakap ko para hindi na malandi ng iba.

“Shy, bakit kailangan siya pa, pwede namang ako na lang. Alam mo ba kung gaano kasakit sa 'kin na malamang ang taong mahal ko ay nagpapakatanga para sa taong mahal n’ya. Pero mas tanga ako dahil 'yong taong mahal ko may mahal nang iba, habang ako heto at patuloy na umaasang darating ang araw mababaling 'yong pagtingin mo sa 'kin.” Paglilitanya niya, nababakas ko 'yong lungkot at panibugho sa mga tinig niya, nakikita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako sa nakikita ko sa mga mata niya.

“Hah?” Paano ba akong magre-react sa mga sinasabi niya, it is somewhat like confessing his feeling towards me. Wait tama nga ba 'yong intindi ko na gusto, correction, mahal niya ako and he’s thinking na may gusto ako kay best. A wait hindi ito ma-process ng isip ko.

“Shy, I do really love you, can you please love me too? Alam ko hindi ako sikat tulad niya, but what I can offer you na hindi niya maibibigay sa 'yo ay ang pagmamahal na tanging ako lamang ang puwedeng mag-offer sa 'yo; to infinity and beyond, till my breath runs out." Seryoso pa rin niyang wika, pero that time ay hawak na niya ang mga kamay ko habang matamang nakatitig sa mga mata ko.

Bakit ganito 'yong pakiramdam ko, para akong nasa-ulap? Bakit pakiramdam ko, pansamantalang tumigil ang oras kasabay ng paglalaho ng mga tao sa paligid namin. I am mesmarize by his look, pakiramdam ko ay nalulunod ako sa samo’t saring nararamdaman ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko ngayon, mahal niya rin ako.

“What if I do also love you?” Sabay ngiti ko sa kaniya. Nakita ko kung paanong nagliwanag ang mukha niya dahil sa mga narinig niya.

Forget About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon