Chapter Four

60 3 0
                                    

I didn’t expect na darating ang sandaling ito. Oo nga at matagal ko 'tong hinintay, pero hindi ganito ang paraang inaasahan ko para magkalapit kami o ang paraan upang mapansin niya ako.

I’m Dustine, at halos tatlong buwan na rin akong nag-i-stalk sa magkaibigang iyon, partikular na sa babaeng nanapak, nanampal at nang hampas sa akin. Actually, hindi ko inaasahan na mauuwi ako sa ganitong sitwasyon; ang mang-stalk ng isang tao. Pero heto ako ngayon. Ewan ko ba, noong unang beses na nakita ko pa lamang siya ay parang may kung anong mahika na ang bumalot sa akin. Hindi ako madaling ma-attract sa opposite sex ko kasi katwiran ko, ang kagandahan pansamantala lang 'yan at kumukupas, aanhin ko naman 'yon kung ang ugali naman niya ay kapintas-pintas.

Mula nang makita ko siya, parang lagi ko nang hinahangad na makita ang maamo niyang mukha; ang makita siyang nakangiti, ang seryoso niyang mukha tuwing naghuhulog sa malalim na pag-iisip. Sa loob ng tatlong buwang pagsubaybay ko sa kaniya ay maraming bagay akong natuklasan; ang ugali niya, ginagawa at kung gaano siyang kabuting kaibigan at kamag-aral. She’s good to be true. Wala naman talaga akong balak na maging stalker niya, pero ito lang 'yong nakikita kong paraan para masilayan siya araw-araw kahit na nga na nakakantiyawan na ako ng tropa dahil sa bukod sa mukha na raw akong tanga sa ginagawa ko, hindi pa rin sila makapaniwala na isa pala akong torpe.

Ano ba kasi ang mayroon sa iyong babae ka at nagkakaganito ako sa iyo.

Kanina, sinadya ko talagang banggain siya; that was my first move. Balak ko naman talagang huminto at tulungan siyang magpulot ng mga gamit niya, pero bigla akong dinaga. Bigla akong sinalakay ng pagkatorpe, kaya imbis na huminto ay nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad palayo sa kanila. I know na wala naman siyang gagawing aksyon; na hindi niya ako tatawagin o hahabulin man lang. Pero nagulat ako nang may bigla na lamang humablot sa akin, sabay bigwas sa mukha ko.

Aaminin ko, sobrang na-badtrip talaga ako, 'yong pakiramdam na gusto kong gumanti sa may gawa sa akin ng bagay na 'yon. Pero noong mapagsino ko siya, parang nang mga sandaling iyon ay gusto ko siyang yakapin na lang. Hindi ko alam kung paanong magre-react. Oo at masakit 'yong ginawa niya, pero parang mas 'di ko kayang kontrolin 'yong kakaibang nararamdaman ko para sa kaniya.

It took me almost five seconds para makagalaw at makaisip ng gagawing aksyon, but suddenly, wala na siya sa harapan ko dahil tinalikuran niya na ako. I’m not that rude, lalo na sa babae, pero wala kasubukan na 'to. Hindi man ito ang plano ko para magkakilala kami, siguro naman ito na ang tamang panahon para humantad na ako sa kaniya.

I hurriedly follow her and grab her. 'Yong pakiramdam na parang may kuryenteng biglang dumaloy mula sa kamay ko pataas. 'Yong gusto kong bumitaw, ngunit pinigilan ko ang sarili kong gawin iyon dahilan upang mas lalong humigpit ang kapit ko sa kaniya. I know na nasasaktan siya, but I don’t have any choice at all. This is my chance, at ayoko nang liparin pa ito ng hangin. Naramdaman ko ang pagpiglas niya, pero mas hinigpitan ko pa ang kapit dito habang unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kaniya. Konti na lang, naaamoy ko na ang tagumpay. Gusto ko na sanang tawirin ang distansya sa pagitan ng mga labi namin--I do really want to kiss her pinkish lips. Ewan ko kung saan ba nagmumula ang paghahangad ko sa bagay na 'yon. I admit I do like her or I must say I am in love with her.

Sa loob ng tatlong buwan kong pagsubaybay sa kaniya nang palihim ay lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya, hanggang sa pakiramdam ko para na akong addict na hinahanap-hanap siya. I hate this kind of feeling, but I can’t help myself to avoid such kind of it.

When I saw her lowering her look directly into my lips, at nakita siyang lumunok, pakiramdam ko ay tumama ako sa lotto kaya hindi ko tuloy mapigilang hindi ngumiti dahil sa naging reaksyon niya. Kaso nga lang, hindi ko rin inasahan ang mga sumunod niyang gagawin--bigla na lamang niya akong sinampal, at sa ikalawang pagkakataon ay tumakbo siya palayo sa akin.

Why do I always need to chase for the one I love? Nang makahuma ako mula sa pagkabigla ay agad ko rin siyang hinabol. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yon at para saan pa. I painted a fake anger over my faces, kailangan kong gawin ang bagay na 'yon para mas convincing ang arte ko.

‘Yong kaninang tapang sa mukha niya ay nawala, na na tila ba bumalik na naman siya sa pagiging siya. Ewan ko, pero parang mas gusto ko 'yong pagiging masungit, sadista at maangas niya kaysa sa pagiging soft at too kind niya dahil nga sa mga karakter niya na 'yon, minsan ay naaabuso siya. Pero ang pinaka dahilan kung bakit ayoko sa karakter niyang iyon ay ang katotohanang marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isipin ko pa lang ang bagay na 'yon, parang daan-daang kutsilyo na ang sabay-sabay na tumatarak sa puso ko.

A while ago, when I'm having an argument with her, I do really wanna rejoice, thinking of the fact that she didn't have a boy friend yet, and she didn't even got one. At tingin ko naman ay mukhang ibinebenta pa siya sa akin ng kaibigan niya. I do really want Gusto kong magdiwang kahit na tatlong beses niya akong masampolan, kahit nga araw-araw pa, basta sa akin niya lang gagawin 'yon. I know it sound crazy, but I don’t want any another man na makakatanggap ng ganoong treatment mula sa kaniya, because I find it special.

Bago kami magkahiwa-hiwalay kanina, nalaman kong Shyla pala ang name niya habang Mica naman ang pangalan ng kaibigan nito. So I’m done with the first stage of being close to her kahit na hindi nga lang maganda ang first encounter namin, na alam kong nag-iwan sa kaniya ng bad impression kung ano ako.

Forget About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon