Chapter 2

2 0 0
                                    

Iona point of view

"Oh? Bakit ka namumula?"

Hindi ako makatingin kay Ramona, mula pa kanina sa locker room. Gusto kong sabihin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ang hirap pala kapag sinasarili mo ang nararamdaman mo lalo na kung tungkol sa taong mahal mo.

"Hmm. Wala. May nakita kasi akong couple, ang sweet lang nila at... nakakakilig sila." Pagsisinungaling ko.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin na lang sa harapan. Ang ibang kaklase namin ay nagsusulat pa rin. Kaming dalawa naman ni Ramona ay kanina pa natapos.

"Bakit? Naiinggit ka sa kanila?" Tanong nya.

Tiningnan ko ang pinsan ko. Hinihintay ang isasagot ko.

"No."

Inirapan nya ako.

"Kung nag eentertain ka ng mga manliligaw mo, edi sana, may boyfriend ka na!"

"Hindi naman ako nagmamadali at isa pa... dapat sa age natin, wala pang boyfriend. Yung mga manliligaw, normal naman daw 'yon. Hmmm... iyon ang sabi ni Mommy."

"Pero, sa tingin ko... masaya kapag alam mong may taong nagmamahal sayo... At isa pa, masarap magmahal. Masarap magkaroon ng mga manliligaw..."

Pinagmasdan ko ang mukha ni Ramona. Kalmado naman sya. Inisip kong mabuti ang sinabi nya. Oo, she's right! Masaya kapag may taong nagmamahal sayo, pero, masakit rin kapag alam mong hindi ka mahal ng taong mahal mo. Mahal mo sya, may mahal naman syang iba. Ang gulo rin ng pag ibig. Parang mga tao lang rin.

"Kaya ka nagboyfriend agad?"

Tiningnan ako ni Ramona at ngumisi. Inirapan ko sya sa naging reaksyon nya. Ang baliw ng isang 'to!

"Hindi ka kuntento sa pagmamahal ko?" Tukso ko.

Humalakhak ang pinsan ko at nag iisang matalik kong kaibigan.

"Syempre. Kuntento ako sa pagmamahal mo at thankful ako na nandyan ka sa tabi ko... Pero diba, mas masaya lang lalo kapag nagkakaroon ako ng boyfriend." Ngumiti sya sakin at hinilig nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Eh bakit papatigilin muna si Ian sa panliligaw nya sayo?"

Narinig kong suminghap sya sa tanong ko.

"Alam ko kasi na... masasaktan nya rin ako. Ayaw kong madissapoint ka sakin... Ayokong pati ikaw, madissapoint ko dahil hindi ko pinili yung lalaking tama para sa akin..." Mahina nyang sinabi.

Kumirot ang puso ko dahil sa sinabi ni Ram. Iniisip nyang madidissapoint nya ako dahil lang sa hindi pag pili sa tamang lalaki? Ibig sabihin, iyon ang dahilan nya sa twing binabasted nya yung mga lalaking gusto rin nya. Kaya mas marami syang nabasted kesa sa naging boyfriend? Dahil iyon ang dahilan nya!

"Ram, kahit kelan, hindi mo ko madidissapoint sa lahat ng magiging desisyon mo, sa pagkakaroon mo ng boyfriend. Kahit maging negative pa yung kakalabasan, you will never dissapoint me."

Lumayo sya sakin at tiningnan ako sa malulungkot na mata. Mas lalo akong nasaktan dahil sa nakita ko.

"Kung lokohin ka man nya o ipagpalit sa iba... Kung gaguhin ka man ng taong 'yon. I'm still here. Never akong nawawala at... never mo kong madidissapoint."

"So, sasagutin ko si Ian? Kahit na kilalang playboy ang isang 'yon?" Tanong nya at nilagay ulit ang kanyang ulo sa aking balikat.

"You love him, right?" Balik tanong ko sa kanya.

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now