Chapter 4

1 0 0
                                    

Iona point of view

Ilang pagtatalo pa ang nagawa namin ni Ramona nang bumalik na sila Iñigo at Ywell. May tatlong tray silang dala dala. At sabi nga ni Jesrel kanina, paborito nilang dalawa ni Weesy ang carbonara kaya naman dalawang order 'non ang nakita ko sa lamesa.

Umupo na silang dalawa. Inabot ni Iñigo kay Jesrel ang carbonara. Si Weesy ay kinuha nya iyon at sinimulan nang kainin 'yon. Si Ywell ay kinakain na ang spaghetti.

"Nakakawalang gana talaga, man!" Parinig na sinabi ni Frankie.

"Ang arte arte mo! Parang di lalaki.." Ani ni Iñigo na katabi nya at kumakain na rin.

"Di naman siguro sadya, man.." Sabi ni Jesrel.

"Huwag nyong pansinin ang tamad na 'yan. Kunwaring masakit lang paa nyan.." Pang aasar ngayon ni Ywell.

Pasimple akong ngumisi. Mukhang pinagtutulungan nilang lahat si Frankie. Nakita ko si Weesy na tiningnan ako. Naabutan nyang nakangisi ako. Tinaasan nya ako ng kilay at uminom sa kanyang orange juice.

"Ano ang pinag tatalunan nyo kanina?" Biglang tanong ni Frankie. Kumakain na rin sya ngayon.

"Chismoso.." Singit ni Weesy.

Tumawa si Jesrel at tiningnan kaming dalawa ni Ramona. Parang gusto nya ring malaman. Hindi pinansin ni Frankie ang sinabi ni Weesy. Inirapan lamang nya ito.

"W-wala.." Umiling pa ako.

Tiningnan ko si Ramona at pinandilitan sya ng mata. Ngumuso sya at alam na agad ang gusto kong iparating. Hindi naman dahil sa totoo ang paratang nya sa akin. Baka mamaya maniwala si Jesrel sa sasabihin ni Ram at ayoko ng ganun. At ano ang iisipin ni Weesy diba? Pero naisip ko rin, wala rin naman syang pakialam kung sakali.

"Hmm wala iyon, Frankie! Biruan lang namin..."

"Sana ganyan rin yung biruan namin. Tawanan lang... Hindi yung iba dyan, naninipa. Sarap isumbong kay Grandpa." Masungit na sabi ni Frankie. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil doon.

Tumawa silang apat na magpipinsan dahil sa sinabi ni Frankie. Tinapunan pa sya ni Ywell ng tissue. Nag apiran naman si Iñigo at Jesrel. Si Weesy ay nakangising umiling.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakakausap ko sila! Okay na okay na ako kahit ganito lang ang marating ng nararamdaman ko para kay Weesy. Hindi na ako umaasa na hihigit pa rito. Okay lang na maki share sila ng table sa amin ng pinsan ko. At makausap sya ng tipid ay ayos na sakin.

"Huwag ka na magtangka, man!" Natatawa pa ring sabi ni Ywell.

"Man... kung paborito ka, paborito rin sya." Sabi naman ni Jesrel at uminom ng juice.

"Patawarin mo na lang." Halakhak ni Iñigo.

Narinig kong tumawa rin si Ramona. Nakisabay sya sa apat na mag pinsan. Tiningnan ng masama ni Frankie si Ramona bago binalingan ang apat nyang pinsan.

"Tangina nyong lahat!"

Sa sumunod na araw ay wala ng pasok kaya naman bahagya akong nalungkot. Gustong gusto ko na ulit magkaroon ng pasok at mabilis na matapos ang New Year. I miss him!

"Saan sila sa New Year?" Tanong ni Ramona.

"Ewan ko."

"Akala ko alam mo... Tatanungin ko sana si Jesrel."

Tiningnan ko sya na sinusuklay ang maikli nyang buhok. Dito sya natulog sa amin ngayon dahil kausap namin si Venice buong gabi. Halos umaga na rin kami nakatulog kaya naman alas dose na kami nagising.

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now