Chapter 6

1 0 0
                                    

Iona point of view

Nang lumipas ang araw na iyon ay narealize ko na mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko alam pero umuusbong ang pag asa ko.

Noong gabi rin 'non ay ni follow nya ako sa IG at ni add ako sa FB. At sobra sobrang sayang naramdaman ko nung gabing 'yon. Hindi ko naman ma ikwento kay Ramona. Nag aalala ako na baka kapag sinabi ko ay hindi sya maniwala o kaya sabihin nya iyon kay Weesy, kaya naisip ko na huwag ko munang sabihin.

Lumabas ako ng kwarto ko pagkatapos kong maligo at magbihis. Nakapulupot pa ang puting tuwalya sa mahaba kong buhok. Nakita ko si Daddy at Kuya na nanunuod ng NBA.

"Where are you going, honey?" Tanong ni Daddy nang makita ako.

Tumingin rin sa akin si Kuya. Ngumuso ako sa tanong ni Daddy. Bawal na bang maligo ngayon? Porket ba naligo, may pupuntahan na agad?

"Daddy... Naligo lang ako ng maaga. Wala po akong pupuntahan..." Sabi ko.

"Ohh. Akala ko may lakad na naman kayo ni Ram."

Umiling na lang ako kay Daddy at pumunta na sa kusina. Kumuha ako ng tray. Kinuha ko sa ref ang pitcher na may lamang pineapple juice na ni timpla ko kanina. Kumuha rin ako ng mga chocolates at mga chips. Naisip ko kasing manuod na lang ng movies sa kwarto. Wala naman kasi kaming lakad ni Ramona ngayon. Alam kong puyat sya dahil kasama sya nila Tito at Tita sa isang party kagabi. Hindi pa naman sya nag tetext sakin kaya alam kong tulog pa iyon.

Lumabas na rin ako sa kusina na dala ang tray. Hindi naman na ulit ako tiningnan nila Daddy at Kuya dahil busy sa panunuod ng NBA. Umakyat na rin agad ako at pumasok na sa kwarto. Binaba ko ang tray sa lamesang narito sa kwarto ko. Binuksan ko ang telebisyon at nilagay ko agad ang CD sa DVD. Titanic ang papanuorin ko ngayon dahil sobrang hindi nakakasawa ang palabas na 'yon.

Umupo ako sa kama at diniretsyo ko ang hita ko. Kinuhanan ko ng picture ang tray, sunod ay ang hita ko na kasali ang malaking telebisyon. Pagkatapos ay nag selfie ako. Nasa ulo ko pa rin ang tuwalya. Ngumiti ako sa unang selfie at sa pangalawa naman ay kumindat ako. Pumunta agad ako sa IG at nipost ko agad iyon.

'I'm busy! Haha!'

Nang ma post iyon ay may nag likes na agad. Hindi ko na tiningnan kung sinu sino iyon at nanuod na lang nang magsimula na ang movie. Tinabi ko sa gilid ko ang phone ko at seryoso nang nanuod. Inuna kong kinain ang mga chocolates habang matigas pa.

Nasa kalagitnaan ako ng panunuod nang nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito habang nakatingin at nakikinig sa movie. Binuksan ko ang phone ko at nakitang may nagchat sakin sa FB. Hindi ako gaanong nagbabasa sa mga chat dahil alam ko na iyong mga lalaking gusto lang manligaw sakin, pero parang may nag udyok sa akin na tingnan iyon.

Nanlaki ang mata ko nang makita kung kanino galing ang chat na iyon.
Binuksan ko iyon at binasa ang chat nya.

Louweesy James Tiongson

Hi! I saw your post on IG. You're busy, huh!

Paulit ulit ko iyong binasa. Tinakpan ko ang bibig ko nang lumabas ang tili sa bibig ko. Shit! He chat me! I can't believe it! Una, binigyan nya ako ng carbonara, nakipag usap sya sakin tapos ngayon, ni chat nya ako. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba talaga 'to. Parang ang hirap paniwalaan.

Magui Fiona Santos

Hello! :) Yup, I'm super busy. Haha i mean super bored.

Nang isend ko iyon ay agad kong nakita ang tatlong dot. Wala ba syang ginagawa at mukhang hindi busy? Ang bilis mag reply eh.

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now