Iona point of view
Nang mag sabado ay sa bahay natulog si Ramona. Nauna akong gumising. Tulog na tulog sya dahil anong oras na rin sya nakatulog sa pakikipag usap kay Ian. Kinuha ko agad ang phone ko pagkatapos mag toothbrush at mag hilamos.
Weesy:
Good Morning! :)
Ngumiti agad ako. 8:40 nya ito ni text at 10:00 am na ngayon. Nag tipa agad ako ng irereply.
Ako:
Good Morning! Just woke up.
Kinuha ko ang suklay at sinuklay ang mahaba kong buhok. Tumingin ako sa malaking salamin, dito sa kwarto ko. Tiningnan ko kung may nagbago na ba sa akin. Parang wala naman o hindi ko lang napapansin?
Tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko agad 'to. Binasa ko ang text nya.
Weesy:
Eat your break fast first, okay? I'll text you when I'm done or text me when you're done, aryt? :)
Ngumuso ako sa text nya. Hindi ko alam kung ganito talaga sya. Hindi ko alam kung may nararamdaman rin sya sa akin. Hindi ko alam kung gusto nya ako o ano! Wala akong ideya. We're just texting each other.
Ako:
Okay. Ano bang ginagawa mo?
Hindi ko muna binaba ang phone ko. Hinintay ko muna ang reply nya.
Weesy:
Jogging. I'm with Frankie.
Agaran naman akong nag reply.
Ako:
Okay. :)
Hinintay kong magising si Ramona. At nang magising ay nag tooth brush agad at nag hilamos ng mukha. Pag katapos ay bumaba na rin kami para kumain. 11:30 na kaya alam kong tapos nang kumain sila Daddy, Mommy at Kuya. Kaya naman kaming dalawa na lang ni Ramona ang kumain. Pagkatapos kumain ay nanuod naman sa sala.
"Kuya, asan sila Daddy?" Tanong ko nang bumaba si Kuya sa hagdan.
Bagong ligo sya at nakasuot ng jersey. Hawak nya rin ang susi ng kotse nya kaya alam kong aalis sya. Siguro ay may laro na naman sila ng mga kaibigan nya.
"Sa mall... nagdate ata.."
Tumabi si Kuya kay Ramona. Umusog naman si Ram at pinag masdan ang mukha ni Kuya. Inaayos ni Kuya ang sintas ng itim na rubber shoes nya.
"Grabe, Kuya Migui. Ang bango mo ah!" Nakangising sinabi ni Ram.
Lumapit naman ako kay Kuya para amuyin sya. Amoy na amoy ko agad ang pabango nya. Umupo ulit ako at mas lalong niyakap ang unan.
"Normal na 'yan, Ram!" Ngumisi si Kuya.
"Sus! Ang sabihin mo, manunuod yung girlfriend mo at gusto mong maging mabango para after ng game nyo... magiging mabango ka pa rin kung sakaling ihug ka nya o ikiss..."
Humalakhak si Kuya at tiningnan lang ako. Siguro tama si Ramona sa sinabi nya. May girlfriend siguro ang isang 'to.
"Bakit alam na alam mo ang bagay na 'yan. Ambata mo pa..."
"Di na kami bata no! Teenager na rin kami.." Sabi ni Ramona.
Tumayos si Kuya. Siguro ay aalis na.
"Even so... Grade 9 pa lang kayo. Dapat pag aaral lang, huwag munang mag boyfriend."
Tiningnan ako ni Kuya. Hindi naman sumagot si Ram at nanuod na lang ulit. Natameme dahil sa sinabi ni Kuya. Alam nyang pag babawalin sya ng kapatid ko kapag nalaman na may boyfriend na sya.
YOU ARE READING
Unforgettable Love
RomanceTotoo nga yung sinasabi nila na kapag mahal mo gagawin mo ang lahat para sa taong 'yon. You will sacrifice for the people you love. You will do anything to make them happy... kahit na alam mong masasaktan ka. Mas pipiliin mong masaktan yung sarili m...