Kabanata 2

12 0 0
                                    

Kabanata 2

Maaga akong
nagising kinaumagahan. Naligo na ako at nakapagbihis na din. Na double check ko na rin ang mga dadalhin kong mga gamit para sa outing namin kuno.

Then I checked my phone.  I saw Johann's message.

Johann
-Are you done packing your things?. Can I pick you up now?

Suminghap ako. Tsaka nag tipa nang isasagot sa tanong niya.

Me
-Yup. Mag bre breakfast muna ako.

Ayaw ko mang magpasundo sakanya wala din naman akong choice.

Johann
-O sige. Just text me if your done.

Me
-Okay

Tama ba tong ginagawa ko??. Kahit ako ay hindi alam kung anong sagot.

I checked the time. It's already 8 in the morning. Nagmamadali na akong lumabas sa kwarto dala ang aking bag. I wear a spaghetti top and a high waist short then hinayaan ko nang nakabagsak ang buhok ko.

Pagkababa ko sa hagdan ay dumiretso ako sa hapag. I saw Nana Eling there.

"Good morning Nana, where's po si Mommy." tanong ko nang naka upo na

"Good morning hija, umalis kasama nang Daddy mo. Sumama ata sa bayan." sagot ni Nana

Tumango ako at na-upo na.

"Ah ganoon ba Nana." wika ko sabay kuha na ng kanin at ulam naming hotdog at tocino. Habang kumakain ay halos mabilaukan ako at mailuwa ang kinakain ko nang may magtakip sa mata ko.

"Good morning Ate. Ngayon alis mo? " natatawang ani Niel

"You scared me." giit ko

"Sorry, Ate." aniya sabay halik sa pisngi ko

"Forget it. Good morning. Ngayon ang alis ko." sabi ko pero medyo may inis. Ayaw na ayaw ko yung ginugulat ako.

"Sasama ba si Audrey? " tanong niya habang umuupo

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ngititian ko siya ng nakaka-asar.

"Oo bakit? "

Nagliwanag ang mukha niya at medyo namumula.

"Ate please don't let her drink alcoholic beverages. " aniya

"Bakit?" natatawa kong tanong sa kanya habang naka taas ang isang kilay

"Ate naman. You know I like her diba? And ayaw kong malasing siya. " medyo iritado niyang sagot "tsaka I'm not there. Baka mapano siya."

"Alam ko yun pero-" pinutol niya ako

"Just promise me Ate. You won't let her. " mas diin ang pagkakasabi niya nito

Ngumuso ako sa kanya.


"Siya pinagbabawalan mo, akong ate mo wala kang pake-alam. " kunwaring malungkot yung pagkakasabi ko neto

Bigla ay natigilan siya sa pagngunguya ng kinakain at tumitig sakin. Kita ko ang pag ngiwi niya.

"Ano ka ba naman ate, alam ko namang good girl ka eh. No need to remind you." Ngumiti pa siya ng nakakaloko

Kaya natawa ako sa kanya.

"Aww, your so sweet lil' brother." Ayun at bigla ay sumimangot siya saken. Ayaw niyang tinatawag ko siyang ganoon. Malaki na daw kasi siya

Uminom ako nang tubig. Sumakit ang lalamunan ko sa kakatawa. Ang kulit talaga ng kapatid ko.

Love Me MoreWhere stories live. Discover now