Kabanata 3

9 0 0
                                    

Kabanata 3

Sabay kaming tumayo ni Johann. Tahimik kami habang naglalakad sa gilid nang mga alon.

Medyo na babasa ang laylayan damit ko. Habang si Johann ay tahimik na pinagmamasdan ang dagat. Matalim ang kanyang mga mata habang nanonood nang mga along bahagyang bumabasa sa mga paa namin.
Pinagmasdaan ko siyang marahang ipikit ang mga mata. At nang mag mulat ay yumuko siya kumuha  ng isang bato at itinapon sa dagat. Bahagya pa siyang napangiti  nang sa pagbato niya ay nag bounce ito nang tatlong beses.

Then he looked at me. Nag tama ang mga mata namin. Nanginig ulit ang sistema ko. Hindi ko talaga kinakaya ang makipagtitigan sa kanya. Kaya ako na mismo ang kumawala. Pero hinawakan niya ang baba ko at iniharap niya ulit.

Sinilip niya ang mukha ko "Are you okay?"

Dahan dahan akong tumango. Tsaka siya ngumisi at mabagal na binawi ang kamay niyang nakahawak sa baba ko.

"Kanina ka pa tahimik ha." Dagdag niya. Nilagay niya sa likod nang aking tenga ang takas ng aking buhok.

Umiwas ako ng tingin at napa lunok.

"Ini enjoy ko lang ang dagat."
Sabay ngiti.

Para akong robot na hindi makagalaw habang tinititigan siya. Seryoso lang siyang tumitingin sa akin. Para bang sinasaalo niya ang mukha ko. Na ayaw niyang makalimutan ito. Ako mismo ay nakakaramdam ng pagkaipang pero ang taong kaharap ko ay hindi man lang nakikitaan kahit kaunti. Tila nalilibang pa ito habang nakikipag titigan sa akin.

"Frey? " pagkuway tawag niya sa akin

Tumikhim ako at pinagkunutan siya ng noo. 

"Huh? "

Mas lalo pa akong naestatwa ng unti-unti ay lumapit siya. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang itinaas upang mag lebel ang mga mata namin. Rinig kong napamura siya.

Pumikit siya at umiling. "Not this time." aniya

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Kinuha niya ang kamay niyang nakahawak sa baba ko. Nag iwas siya nang tingin. Pinsadahan niya ang kanyang buhok bago bumaling ulit sa akin.

"Let's swim." hinubad niya ang kanyang T shirt at tinapon ito sa buhangin.

Sinundan ko siya ng tingin habang tumatakbo at tumalon sa tubig. Matagal siyang naka ahon. Kaya naisip ko eksena kanina lang, ano ang ibig niyang sabihin?  Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang ibig sabihin ng ikinilos niya. Agad kong natakpan ang bibig. Biglang umakyat ang inis sa sistema ko. Bat naman niya gagawin yun? Bat naman ako hahalikan ng lalaking yun?

Naisip ko na kung sakaling itinuloy niya ang ibinabalak ay hindi na ako magdadalawang isi na paghahampasin o di kaya ay sampalin siya. Kung itinuloy niya kanina ay tuluyan na niyang makukuha ang first kiss ko. At hindi pwedeng mangyari yun. Hindi pwedeng siya ang makakakuha nun. Hindi ko alam kung dapat bang ipagpasalamat ko pang  hindi niya tinuloy o magagalit ako dahil may balak siyang halikan ako. Nasapo ako ang noo naku Freya! Wag mo hayaang mangyari yun.

Nang dahil sa eksena kanina ay binuhayan ako ng mga bumabagabag sakin.

Ano kaya kung sakaling bumigay ako kay Johann? Paano kung magtagumpay siyang mapaamo ako? Handa ba akong palitan niya ang pwesto ni Lhoyd sa puso ko?

Napapikit ako sa biglang pumasok sa isip ko. Noon pa man kasi ay may lihim na akong may pagtingin kay Lhoyd. Matagal na akong may gusto sa kanya. At alam kong hindi narin iyon lingid sa kaalaman niya
Dahil noong first year ako ay umamin na ako sa kanya.

Love Me MoreWhere stories live. Discover now