Simula

27 1 0
                                    

Simula

"Hoy Freya ano na namang kaartehan yan ha?" Tanong ni Kate sa akin habang kumakain kami sa Cafeteria ng school namin.

Pinipilit niya akong sumama sa kanila dahil may project kaming gagawin mamaya. Pero tinatamad ako wala rin naman kaming matatapos eh. Parati nalang tuwing nag gu-group work kami ay wala kaming natatapos sa mga nasisimulan namin. Natatapos kami sa pag ke-kwentuhan at hindi na natutuon ang pansin namin sa proyektong dapat naming gawin.

"Ayaw ko tinatamad akong sumama sa inyo, tsaka remember last time? Wala tayong natapos kasi nagkwentuhan lang kayo" Sabay simsimsa binili kong juice

Agad naman akong inirapan nito.

"Hay naku minsan lang nga tayo kung magkasama aayaw kapa sige na naman oh andyan naman sina Nick tsaka di lang naman siya ang kasama natin sina Audrey at Anjel... oh ano sasama ka ba?" May halong inis sa kanyang tinig hindi pa nakuntento at niyugyog pa ako.

At dahil wala na akong nagawa napabuntong hininga nalang ako at tumango.

Hay naku "Sige na nga pero ngayon lang ha?" Pero sa totoo lang kung hindi ko lang kaibigan ang mga to dati ko nang pinagsasapak to.

"Yes!!!.. Alam ko namang hindi mo lami matitiis eh." Sabay talon ni Kate at yakap sa akin. Napangiwi ako at pilit na ngumiti sa kanya.

Naalala ko na naman noong sabado, at pag 'yun umulit na naman, na wala parin kaming matatapos ewan ko nalang. Ayaw ko ng marinig na nag ra-rap si Mrs. Delos Santos. Para pa namang baril yun pag nagalit.

"Hi girls." Bigla ay nadinig ko ang tinig ng lalaking nasa likod ko pero hindi ko kilala kung kanino

Kaya imbes na pagtuunan ng pansin ay binalewala ko eto.

"Hello Johann." Si Kate ang pumansin dito na pilit itinatago ang ngiti

Johann? I never heared that name before, ngayon ko lang to narinig.

Bahagya akong lumingon sa kung sino mang nasa likod ko pero napa nguso lang ako dahil ngayon ko ang siya nakita. At hindi pamilyar sakin ang mukha niya.

Matangkad siya hula ko mga 6 footer siguro, meron siyang perfect jaw line, makapal na kilay, matangos na ilong, clean cut hair, natural na kulay pink na mga labi, at kahit naka uniform ay halata mo talaga ang kanyang pagiging maskulado.

Binawi ko ang tingin ko at ipinatuloy ang pag simsim sa juice ko.

Pero nagulat ako ng kalabitin niya ang katabing upuan ko at walang pag-alinlangang umupo doon. Hindi pa nakuntento at humarap pa sakin ng naka-ngisi.

"Hello. I'm Johann. " sabay lahad ng kanyang kamay

As if naman I care? Bulong ko sa isip.

Bago ko tinanggap ang kamay niya ay napa tikhim muna ako.

"Uhm,I'm Freanne just call me Freya." Naka ngiwi kong tinanggap ang naka lahad niyang kamay. Pero binawi ko din agad ito.

Nakita ko pa ang pagka-gulat niya ng gawin ko 'yun.

"Oh Nice to meet you." he chuckled

"Nice to meet you too. " walang emosyon kong bati pabalik. At sa sandaling iyon ay parang timang na naka tingin lang sakin si Johann kuno.

Nagtagal pa ang tingin ni Johann sakin kaya umiwas na ako sa pagka ilang.

Bigla ay nangibabaw ang tinig ni Kate.

Love Me MoreWhere stories live. Discover now