Kabanata 5

7 0 0
                                    

Kabanata 5

Mabilis akong nagpaglit ng damit matapos kong makarecover sa sagutan namin ni Johann. Pero hanggang sa sandaling ito ay hindi parin nawawala sa isip ko yung mga salitang binitawan niya. Pero pilit ko iyong isinasantabi muna. Hindi ko pa 'ata kayang paniwalaan lahat. Hindi ko pa 'ata
kayang i-sink in sa isip ko lahat ng mga sinabi niya. At higit sa lahat ay hindi pa ako handang kausapin siya ulit.

Pinagdasal ko pa na sana ay hindi mahalata ng dalawa kong mga kaibigan na kung bakit nahuli akong bumaba at hindi kami magkasabay ni Johann. Alam kong wala lang naman 'yun, pero ayaw ko lang na magtaka at mag tanong pa sila sakin.

Nang matapos akong magbihis ay inayos ko na ang mga gamit para mabilis nalang din akong lilipat mamaya sa kwarto ng mga kaibigan ko. Ayaw kong nasa iisang kwarto kami ni Johann at baka bumalik na naman sa isip ko yung sagutan namin baka kung ano pa yung masabi ko ulit na makakasakit pa lalo sa kanya.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko pinihit ang doorknob. Pero nag dadalawang isip pa ako kung lalabas ba ako o mananatili nalang sa kwartong iyon o doon nalang ako mag-aantay sa labas ng kwarto nina Audrey at Kate. Pero napabuntong hininga lang ulit ako ng maisip na mas lalo silang magtataka kung bakit hindi na ako sumulpot sa usapan.

Wala sa sariling binuksan ko ang pinto. Para akong lasing habang naglalakad papuntang elevator. Pinindot ko ang button at inantay na magbukas ang pinto ng elevator. Ilang segundo lang ay bumukas nga ito.

Papasok na sana ako ng matigilan kung sino ang lulan nito. Natigilan ako ng magkasalubong ang mga tingin namin ni Johann. Nakita ko ding natigilan siya. Umiwas agad ako ng tingin, siya nan ay narinig kong tumikhim. Sasarado na sana ang elevator ngunit nakita kong napigilan niya ito.

"I-i was going to check you kung bababa kana ba." Mahinang usal niya. Halata sa tinig niya ang pag-aalinlangan.

Hindi ako nagsalita sa halip ay pumasok sa loob. Napa urong naman siya sa likod. Nasa unahan mismo ako ng elevator at kitang kita ko siyang nakatititig sakin dahil sa repleksyon. Nagbaba ako ng tingin at ilang beses pinindot ang GF button. Na para bang mapapabilis nun ang pag baba namin.

Narinig ko ang mabigat na pag buntong hininga ni Johann.

"You're in a hurry?" Malamig na tanong niya.

At sa halip na sagutin ay nilingon ko lang siya at pinagtaasan ng kilay. Kumunot din ang noo niya at itinikom ang mga bibig. Inirapan ko siya ng bumaling ulit ako sa harapan. Bumukas ang pinto ng elevator kaya dali dali akong lumabas, ramdam ko ring naka sunod si Johann sakin. Syempre, iisang lugar lang naman yung pupuntahan namin.

Patuloy lang ang lakad ko hanggang sa natanaw ko na ang kinaroroonan ng mga kasama namin. Nandoon sila malapit sa seashore, may isang bonfire na pinapalibutan nila. Dumiretso ako sa tabi ni Audrey na siyang nakita kong may nakalaang space. Umupo na ako.

"Sorry I'm late." Agad na sabi ko.

Nakita kong tumango sila sakin.

"I thought you're not going here anymore." Ani Audrey "So, we asked Johann to check on you." Dagdag pa niya

Tamad akong lumingon sa kanya.

"Nah! Nagpahinga muna ako." Yun lang ang tanging naisagot ko. Ayaw kong sabihin ang naging sagutan namin ni Johann.

"Okay. Kala kasi namin hindi kana bababa." Tango tango ni Audrey

"Nope." Ngumiti pa ako sa kanya

Nakita ko sa gilid ng aking tingin na umupo si Johann sa malayong tabi ko, sa kaliwa ni Mark. Agad kong iginala ang aking mga mata. May nakita akong cooler na sa tingin ko ay may mga lamang inumin, mga sitsirya, mayroon pang marshmallows na naka tusok sa stick, at bowl na may lamang mga nachos. May hawak din na gitara si Gino, na marahan nitong kinakalabit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Me MoreWhere stories live. Discover now