Kabanata 1

20 3 0
                                    

Kabanata 1

Kina-umagahan.

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Agad akong bumangon na papilit pikit paat pumunta sa CR para maligo.

Matapos kong maligo at magsuot ng damit ay bumaba na ako sa hapag para mag almusal. Naabutan ko si Niel at Mommy na kumakain. Wala na si Daddy, siguro ay maagang umalis.

"Good morning Mom, Niel." bati ko sa kanila. Lumapit ako at humalik kay mommy.

"Good morning hija." bati ni mommy pabalik "Sit down, kumain kana. Naka alis na yung daddy mo. Dagdag pa ni mommy

Tumango ako at Umupo. Kumuha ako ng bacon at scrambled egg tsaka nag lagay ng kaunting kanin. Nagsalin din ako ng coffee.

Matapos naming mag-agahan ay nagpahatid na kami ng kapatid ko kay Mang Elvis sa Holy Angel University.

Habang inaantay na i-park ni manong ang sasakyan ay  biglang nag vibrate ang cellphone ko. Inis ko itong kinuha sa bulsa ko at mas lalo lang akong nainis nang nakita ko kung sino ang nag text message.

Johann

-Good morning. Where are you? are you still in your house? stay there because I'll pick you up.

Agad ko siyang nireplyan ng may inis.

Me

-Pano magiging good ang morning ko kung ikaw agad ang ka text ko. And papunta na ako sa school.

Wala akong panahon para mag reply sa kanya.

"Manong susunduin niyo po ba ako mamaya?. " tanong ko kay manong ng  makababa na ako

Nauna ng bumaba si Niel at mukhang naka pasok na sa gate.

"Eh Ma'am Freya hindi ko po alam eh. Baka po magpasundo po yung Daddy niyo. " napakamot sa ulo si Manong

"Ah ganun po ba Manong? Cge po okay lang. Salamat po. " sabay sarado ng pinto ng sasakyan namin.

Umalis na si Mang Elvis. Naglalakad na ako ng bigla ay may sumabay sakin sa paglalakad. Sa gulat ko ay napatalon ako.

"Hi Good morning Freya." bati niya agad sa akin ng naka ngisi

Inis ko siyang sinulyapan. Iniiwasan na singhalan siya dahil sa gulat.

"At ano naman ang maganda sa umaga? Bigla bigla ka nalang sumusulpot na parang kabute nakaka gulat ka!" pasuplada kong tanong hindi maiwasan na may halong inis sa tinig ko siya. Pagkatapos kong sabihin yun ay nagpatuloy ako sa paglalakad at di na siya nilingon pa.

Di ko napansin na sumusunod pala siya akin. Hinawakan niya ang balikat ko.

"What's your problem?" tanong ko sa kanya

" Hey sorry. I didn't mean to scare you." sagot niya sakin na kita naman na sinsero siya

"Well wag ka nalang sumulpot bigla." pagalit kong sabi sa kanya

Binitawan niya ako.

"Ang aga aga beast mode kana." ngumiwi siya " pero ang ganda mo parin." Ngumiti pa siya pagkatapos sabihin yun

Nang bola pa ang kumag.

Tiningnan ko siya ng matalim. Natawa naman siya.

"Sinira ko kase yung araw ko." inirapan ko siya

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at naglakad na ako pa alis. Nakasalubong ko si Kate na nakatayo sa pinto ng classroom namin.  Agad nag liqanag ang mukha niya ng makita ako.

Love Me MoreWhere stories live. Discover now