Chapter 3 • The Organization

24 7 0
                                    

Dedicated to: Whiskey6969

AUTUMN

HINDI KO alam kung paano ako magrereact. Biglang pumunta sa bahay namin si Kiefer sa ganitong oras!

Pababa na sana ako ng hagdan para salubungin si Kiefer nang bigla akong nagmadaling bumalik sa aking kwarto. Binuksan ko ang ilaw at humarap sa salamin. Nagmadali akong itali ang buhok ko at ayusin ang aking damit. Nagpulbo na rin ako, pinunasan ko na rin ang mga luhang nagpapamugto sa aking mga mata.

Lalabas na sana ako nang may mapansin akong maliit na bagay na nakadikit sa taas ng frame ng aking salamin. Tinignan ko ito ng mabuti. Halos hindi mo ito makikita sa malayo dahil sa sobrang liit, kulay itim ito at nakadikit sa puting frame ng aking salamin kaya napansin ko ito.

Pinaningkitan ko ito ng mata at napansing tila may lente ang kung anumang bagay na ito. Masama ang kutob ko dito. Posible kayang isa itong camera? Pero sino ang maglalagay nito dito? Balak niya bang manmanan ang mga kinikilos ko? Teka, paano kung may koneksyon ito sa lagi kong nararamdaman this week na parang may sumusunod o nagmamanman sa akin?

Sh--! Gaano na kaya ito katagal dito? Posible ring kaya na mayroon ito sa iba pang parte ng bahay? Ganon kasi ang mga napapanood ko sa mga pelikula. Pero wala akong maintindihan. Yung mga sumusunod sa akin at ang camera na ito. Bakit? Kung sino man sila, bakit kailangan nila akong manmanan?

Teka teka, hindi dapat akong magpahalata na nakita ko ito. Kinuha ko ang isang maliit basahan mula sa ilalim ng side table ko at pinunasan ang parte ng frame ng salamin kung nasaan yung hinihinala kong camera. Hindi nila dapat malaman na alam ko ng pinagmamasdan nila ako. Kailangan ko siguro itong sabihin kay Detective Hernan bukas para malaman kung sinong nasa likod nito. Siguro sa CR nalang ako palaging magbibihis.

Pinagpatuloy ko pa ng ilang segundo ang kunwari'y paglilinis sa frame ng salamin bago ako tumigil at lumabas ng kwarto. Isinarado ko ang puting pinto ng kwarto ko at mayroon nanaman akong napansin, isang maliit na itim na bagay uli gaya ng nakita ko sa salamin. Hindi gaya ng nauna, nagpatay malisya lang ako at nagkunwaring hindi ito napansin.

Nag-ooverthink lang kaya ako o totoo ang mga hinala ko? Nakakakilabot. Sino naman kaya ang magkaka-interes na manmanan ako? Teka, may koneksyon kaya ito sa pagpatay kay mama?

Argghh! Nalilito na ako! I shook my head to free my mind from those thoughts. Bumaba na ako ng sala at binuksan ang pinto.

Nasa labas nga ng gate si Kiefer at may dala-dala itong dalawang paper bag mula sa isang sikat na fast food chain. He smiled at me warmly as I unlocked our gate and let him in.

"Tuloy ka." I said coldly. Honestly, kung nagpaalam siya kanina na pupunta siya dito, hinding hindi ko siya papayagan. Wala akong panahon at gana para tumanggap ng bisita matapos ng nangyari kay mama.

"Autumn." bati nito sa akin at saka niyakap ako ng bahagya gamit ang kanyang isang braso but I didn't hugged back. Steady lang ako sa ilang segundong nasa braso niya ako.

Nang kumalas na siya, niyaya ko siyang pumasok sa loob. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng pinto nang mapansin nanaman ang isang maliit na kulay itim na bagay. Tama nga talaga ako na maraming ganito sa buong bahay.

Hindi ko rin ito gaanong pinansin at pinihit nalang ang doorknob ng aming pinto. Tumuloy si Kiefer sa loob at pinaupo ko siya sa sofa. Inilapag naman niya yung dala niyang paper bags sa tapat naming maliit na lamesa.

HiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon