Chapter 2 • The Reason

24 6 0
                                    

Dedicated to: Queen_Vassilizsa

AUTUMN


KASALUKUYAN AKONG tumatakbo ngayon palabas ng hospital. Kung kanina kay papa ako nag-aalala, ngayon naman kay mama na. Masama ang kutob ko sa mga nangyayari.

Nagtext sa akin si mama na kailangan daw ni papa ng operasyon, pero sinabi naman ng nurse na hindi naman pala. Yung text sa akin ni mama na natanggap ko ilang minuto bago mag-5:30—scheduled time na kung saan regular ko siyang tinatawagan para kamustahin—masama ang kutob ko na hindi si mama ang nagsend non.

Halos banggain ko na ang lahat na nakaharang sa daan. Napapamura pa nga ang iba nang mabangga ko sila. Ilang sandali lang at nakalabas na rin ako ng hospital. Tinakbo ko ang daan patungo sa sakayan ng jeep.

Sa di malamang dahilan, bigla akong napahinto sa pagtakbo. Lumingon ako sa aking likuran at sa paligid. Why do I feel this strange feeling over and over again? Pakiramdam ko talaga may kung sinong Poncho Pilato na nakatitig o sumusunod sa akin. Ang mga kaluskos ng halaman na nadadaanan ko, mga yabag na naririnig ko, mukhang may mali dito. Sa totoo lang, buong linggo ko na ito nararamdaman ngunit ngayon lang talaga ako kinakabahan ng ganito.

Pero bahala na! Kailangan kong puntahan si mama. Sana okay lang siya. Sana mali ang hinala ko na nasa isip ko ngayon. Sana walang nangyaring masama sa kanya.

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Sukdulang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko na ring maiyak sa pag-aalala, but I don't have time for such drama! My legs automatically stop from running the moment I reached the jeep terminal. Agad akong sumakay sa jeep na nasa unahan ng pila.

Sh--! Walang gaanong pasahero kaya matatagalan pa ang pag-alis nito. Nakakaasar! Kung kaya ko lang takbuhin ang daan patungo sa aming bahay eh!

Binuksan ko ang aking cellphone, 6:00pm na pala. Hindi ko na napansin ang paglubog ng araw at pagdilim ng paligid. Naka-flash sa aking screen ang isang unseen message. Kaya agad akong pumunta sa aking inbox at binuksan iyon. Galing iyon kay Kiefer.

From: Kiefer(5:58pm)
"Hey! How's your father? Sana okay lang siya:("

I can't help but to smile the moment I read his text message. Kiefer is a kind of person na lagi mong malalapitan sa oras na pinagbagsakan ka ng langit at lupa. Wala siyang palya sa pagsuporta sa kanyang mga kaibigan. Lagi rin siyang concern sa lagay ng mga taong mahalaga sa kanya. Sana lahat nalang ng mga lalaki ay katulad ni Kiefer.

To: Kiefer(6:02pm)
"He's okay. Thank you for your concern. I'm on my way home just to check my mother. Babalik rin ako dyan kapag okay na ang lahat."

I pressed the "send" button at ilang sandali pa'y muli akong nakaramdam ng vibration sa aking bulsa. Muli kong kinuha ang aking phone at binuksan ito.

From: Kiefer(6:02pm)
"Ingat."

Wala sa sarili na lamang akong napangiti. Napakabait niya talagang kaibigan.

Napatagal ang biyahe ko pauwi dahil sa tindi ng traffic sa EDSA. Kaya ala sais y media na rin ako nakarating sa aking destinasyon.

Bumaba ako sa may kanto at naglakad papasok sa lugar namin. My eyebrows almost met when I saw some flickering red and blue lights coming from Police Mobiles and ambulances parked in front of a house a few yards from where I'm standing. Police mobiles and ambulances. Sh--! Bahay namin iyon ah!

HiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon