Chapter 9 • Rescue

10 1 0
                                    

AUTUMN


MAMBA CORPORATION, ang pinakamortal na kaaway ng aming organisasyon, ang VIPER. Sabi dati nila Theo at Vice President Anton, kasing laki daw ng organisasyon namin ang Mamba Corporation.

Imagining the chaos that will happen when these two big Mafia Organizations collide is like reminiscing the historical events in World War II. I hope that that day will never come.

Black Mamba. Iyon ang uri ng ahas na naka-spraypaint sa dingding ng aming coffee shop. Napapaisip tuloy ako kung gaano kamakapangyarihan ang Mamba Corporation. Napakalaking krimen ang in-execute nila dito sa Victor's.

"Bale 16 po ang customers niyong nalason ng tetrodotoxin samantalang nawalan po ng malay yung tatlong empleyado due to mild brain hemorrhage." pagpapaliwanag sa akin ng isa sa mga nurse na rumesponde.

Napapaligiran na ngayon ang Victor's ng mga police mobiles. Nadala na ang lahat ng biktima sa hospital at kasalukuyang nag-iimbestiga ang mga pulis sa paligid. Ilang oras na rin ang nakakalipas simula nung dumating kami dito ni Kiefer.

Sinamahan ni Kiefer ang kanyang kapatid sa hospital kaya naiwan ako dito mag-isa sa Victor's. Sigurado akong nakarating na sa boss namin ang nangyari. Kaya inaasahan ko ang pagdating ni Mr. Victor Perreras anumang oras.

"So kamusta naman po sila? Ano ng status nila?" tanong ko sa nurse.

"Wala naman po kayong dapat ikabahala. Mabuti nalang talaga at nadala kaagad ang mga biktima sa hospital. Mararamdaman kasi ang epekto ng tetrodotoxin sa taong nalason sa loob pa ng anim na oras kaya walang namatay sa inyong mga customers." tugon nito.

Nakahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Malamang ay hindi kakayanin ni Mr. Perreras ang balita kung mayroong namatay sa loob ng kanyang coffee shop.

Kung totoo ngang ang Mamba Corporation ang may gawa nito, nakakatakot sila. Nasagawa nila ang isang mass food poisoning sa aming coffee shop. Kaya napapaisip nalang ako kung gaano ba sila kalakas at kamakapangyarihan.

"Eh paano naman yung tatlong empleyado? Kamusta sila?" muli kong tanong. Sana naman ay mabuti na ang kalagayan nila Thirdy.

"Maayos na din ang status nung dalawang babaeng empleyado samantalang na-comatose naman yung lalaki."

Halos malaglag ako sa aking kinauupuan dahil sa aking narinig. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalaa para kay Thirdy at galit para sa mga gumawa nito. Bale dalawa na ang taong malapit sakin na kasalukuyang na-comatose. Ang aking ama at ang aking kaibigan na si Thirdy.

Kasalukuyan na ring kumukulo ang aking dugo. Gusto kong tawagin sila Vice President Anton at Theo para sugudin ang kampo ng Mamba Corporation. Bakit ba nilang kailangang gawin 'to?!

"Sige, salamat sa impormasyon." ika ko sa nurse na agad agad na ring umalis matapos kong magpasalamat. Naiwan naman ang mga pulis na patuloy sa kanilang imbestigasyon.

Halos manghina ako sa aking nalaman. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong bumagsak. Nag-aalala talaga ako kay Thirdy. Inaalala ko din itong si Kiefer na malamang ay galit na galit rin sa mga taong gumawa nito sa kanyang kapatid.

"Mamba Corporation"

Bigla kong naalala ang pagkakasabi ni Kiefer habang nakatingin sa ahas na naka-spraypaint sa dingding namin. Isang sikretong organisasyon ang Mamba Corporation kaya sobrang nakakapagtaka kung paano niya nalaman ang tungkol dito.

"Snake huh?"

Sa hindi malamang rason, bigla kong narinig ang boses ni Vice President Anton sa aking isipan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon