Chapter 4 • The Contract

26 7 0
                                    

Dedicated to: ShadowStriker07

AUTUMN

TULALA AT walang imik. Iyan lamang ang aking reaksyon habang nakaupo sa aking kama. Alas nuwebe na ng gabi at hindi pa ako kumakain, hawak hawak ko pa rin yung card na binigay sa akin nung matandang lalaki kanina sa punirarya. Pasimple kong sinampayan ng tuwalya kanina yung salamin ko para hindi makita ng camera nito ang mga ginagawa ko. Sinigurado ko rin na walang ng ibang camera dito sa kwarto ko. Muli kong binalingan ng tingin yung card.

VIPER MAFIA ORGANIZATION
Hired to kill, even it's against your will

0947156****

Hired to kill, even it's against your will? Hindi ako t*nga para hindi maintindihan iyon. At saka pangalan palang, mapaghalataan ngang gumagawa ito ng ilegal. So ano 'to? Papatay ako ng tao? May target silang ibibigay sa akin na dapat kong hanapin at patayin? Naku, hindi naman ata pwede iyon.

Papatay ako ng tao? Hell no! Who am I to take someone​'s life? Wala akong karapatan para gawin iyon! Paano naman yung pamilya ng mga ipapapatay sa akin? Ano nalang ang mararamdaman nila? Paano kung mangyari sa akin iyon? O kaya sa mga taong mahal ko? Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.

Napapikit na lamang ako at umiyak. Kung hindi ako sasali sa organization na ito, saan ako kukuha ng pera? Sa ngayon hindi lang naman ang pagpapalibing kay mama ang prinoproblema ko. Yung hospital bills din ni papa. Sa oras na magising at gumaling na siya, kakailanganin ko ng pera na ipangbabayad sa hospital.

"Malaki ang sahod dyan lalo na kung magaling kang magtrabaho. Higit pa sa 20,000 o 25,000 ang kikitain mo dyan."

Bigla kong naalala yung sinabi nung matandang lalaki kanina. Kung totoo nga 'yon, pwede akong magtagal sa organization na ito at yumaman kakatrabaho dito. Maaari kong mapalibing ng maayos si mama, mabayaran ang hospital bills ni papa at pwede ko pang palayain yung kapatid ko kung gagamitin ko ang perang malilikom ko bilang pyansa. Tama! Mukhang makikinabang rin pala ako sa organization na ito!

Pero teka, magugustuhan ba ni mama kung gagawin ko ang mga ito? Argghh! Napasapo na lamang ako sa aking ulo dala ng sobrang kalituhan. Ano bang dapat kong gawin?

"Malaki ang sahod dyan lalo na kung magaling kang magtrabaho. Higit pa sa 20,000 o 25,000 ang kikitain mo dyan."

Muli nanamang bumulong sa aking isipan ang sinabi ng matanda, tila tinutukso talaga akong sumali sa VIPER.

"Malaki ang sahod dyan lalo na kung magaling kang magtrabaho. Higit pa sa 20,000 o 25,000 ang kikitain mo dyan."

ARGHHHH! Nagpa-ulit ulit na ito sa aking isipan. Halos mabaliw na ako sa sobrang kalituhan.

"Malaki ang sahod dyan lalo na kung magaling kang magtrabaho. Higit pa sa 20,000 o 25,000 ang kikitain mo dyan."

HiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon