Dedicated to: ChildOfTheFall
AUTUMN
"SIGN," MALAMIG na sambit ni Theo habang nakatutok sa aking ulo ang kanyang baril. Mukhang wala akong magagawa. Wala ng atrasan ito. Ayoko pa namang iwan mag-isa sa mundong ibabaw sila papa at Nigel.
Muli kong tinignan si Theo. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang baril at anumang oras ay pwede niyang kalabitin ang gatilyo at pasabugin ang ulo ko.
Nilingon ko ang kalbong Vice President at nakasandal ito sa kanyang swivel chair habang nakangisi. Yung dalawa pang matipunong lalaki na naka-tuxedo rin ay tinututukan ako ng kanilang baril. Wala na talaga akong takas.
Kailangan kong pirmahan ang kontratang ito. Maaaring delikado at ilegal ang organization na ito pero bahala na. Kailangan ko lang talaga ng pera.
Nanginginig kong inilapag ang kontrata sa desk at inihanda ang aking ballpen para pirmahan na ito. Napangiti naman si Theo samantalang mas lalong lumawak ang ngisi ng bise presidente. Muli kong tinignan yung pinakaibabang parte ng kontrata.
____________________________
Signature over printed nameKailangan ko lang naman itong pirmahan tapos tatanggalin na nila ang mga baril na nakatutok sa akin at opisyal na akong miyembro ng grupong ito. Hindi naman mahirap gawin iyon diba? Chill Autumn. Chill, h'wag kang kabahan.
"Malaki ang sahod dyan lalo na kung magaling kang magtrabaho. Higit pa sa 20,000 o 25,000 ang kikitain mo."
Oo nga. Yun ang dahilan kaya pumunta ako dito. Wala ng rason para umatras ako. Nanginginig pa rin ang aking kamay nang isulat ko ang pangalan ko at pirmahan ang kontrata.
AUTUMN F. DE VERA
-----------------
Signature over printed nameThat's it! Member na ako ng VIPER! Dahan dahan kong ini-usog yung kontrata papunta sa Vice President. Humalakhak ng pagkalakas-lakas ang Vice President, ngumiti naman si Theo pati ang dalawang lalaki na naka-tuxedo. What's with that laugh? Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
Nakangiti pa rin ang bise presidente nang ito'y tumayo at iniabot sa akin ang kanyang kamay. Tumayo naman ako at inabot ang kanyang kamay.
"Congratulations. You are now part of the gang. Welcome to the VIPER Mafia Organization." just like Theo, the Vice President had a tight grip on my hand. Binawi ko agad ang aking kamay matapos ang ilang segundo. Mukha kasing binabasa niya ang nararamdaman ko gaya ng ginawa kanina ni Theo.
BINABASA MO ANG
Hired
AksiAutumn De Vera. A simple college student who faced a huge financial problem for her family. Because of this, she joined a SECRET MAFIA ORGANIZATION. She became a hitman. She kills her targets without mercy. She may look innocent, but don't underest...