Chapter 8 • Tetrodotoxin

11 1 0
                                    

AUTUMN

"PARA PO" sigaw ko nang makarating na sa nais kong destinasyon ang sinasakyan kong jeep.

Tumayo na ako mula sa aking pagkaka-upo at dali-daling bumaba ng jeep. Hindi pa naman kasi unloading area itong binabaan ko. Malaking abala pa kay manong driver kung sakaling mahuli siya ng dahil sa akin.

I put my headphones on and listened to my favorite playlist.

Agad akong naglakad papunta ng sidewalk at tinahak ang daan papunta sa Starbucks. I'm going to meet with an important person today. A really important person whom I wanted to talk to for the past eventful weeks.

It's Detective Hernan Villaranca.

Medyo nabwi-bwis*t na rin ako sa kanya  dahil sa bagal ng usad ng kaso ng aking ina. Kung wala talaga akong respeto sa kanya at sa kanyang propesyon, matagal ko na siyang pinagmumura.

These past few weeks is eventful indeed. I still can't digest the fact that I joined a high-profile secret mafia organization. I also can't believe that I possess unregistered firearms that I use to kill my targets. Who would have thought that I can earn a lot of money through killing.

Because of these eventful and exhausting weeks, I hope that I will get some good news from Detective Hernan. H'wag lang sanang masayang ang oras ko dito. Sana may lead na si Detective Hernan sa posibleng pumatay sa nanay ko.

I looked at my wristwatch as it displays 8:30am. Mabuti nalang at vacant ang first period ko sa araw na ito kaya nagkaroon pa ako ngayon ng oras para makipagkita kay Detective.

I pushed the glass door of Starbucks with the signage of "Come in, we're open."

I immediately spotted the young detective, alone in a table while typing something on his laptop. Naglakad agad ako papalapit sa kanya pero mukhang hindi niya naramdaman agad ang aking presensya.

Kinailangan ko pang umupo sa tapat niya para mapatingin siya sakin.

"Autumn." bati niya sa akin. "Hindi kita napansin agad. Would you like me to order you some coff—"

"I don't have time for a cup of joe. What's the news? Umuusad na ba ang kaso?" I cut his words coldly.

I want to hear the news about my mother's case right away. I'm not a fan of such chit-chats. Besides, I ironically hate the taste of coffee even though I'm working in a coffee shop.

Nagulat si Detective Hernan sa aking inasal. Ibinaba niya ang kanyang laptop at huminga ng malalim.

"I'm sorry, Autumn." he said.

"Bakit?" malamig kong tugon.

"Ayoko ng hawakan ang kaso ng nanay mo." sambit niya ngunit hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

Huminga ako ng malalim. Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang murahin at sapakin. Gusto kong baligtarin itong mesang nasa harapan ko at magwala. Gusto kong kunin ang sniper rifle ko at iputok ngayon ng malapitan sa mukha niya. Gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.

"Magkano ba ang kailangan mo? Magkano ba ang gusto mong ibigay ko sayo para ituloy mo lang itong kaso ng ina ko?" mahinahon kong sambit pero kasalukuyan na talagang kumukulo ang dugo ko.

"Autumn, it's not about the money. It's about the time that we've been wasting on this case. The threads aren't going somewhere. The clues aren't leading us to the culprit." ika ni Detective Hernan.

HiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon