Chapter 6 • First Blood

32 6 3
                                    

Dedicated to: CrypsonRed

AUTUMN

IT'S BEEN a week since I joined the VIPER Organization. Paano ko ginastos ang 70,000? Binili ko ang pinakamahal na kabaong at mga pinakamamahal na bulaklak. Kakalibing lang ni mama kahapon. Mamahaling kabaong, mamahaling bulaklak, lahat ng iyon ay para lang sa kanya.

She deserves all of that. She became a great mother to me and Nigel kaya nararapat lang na pag-gastusan siya ng ganon kalaking halaga. Ipinalibing ko siya sa tabi ng nityo nila lolo't lola. Naaalala ko dati na sinabi niyang itabi ko daw siya sa kanila sa oras na mawala na siya.

Hindi pa rin nawawala ang sakit at galit na nararamdaman ko. Siguro magagamit ko ang pagiging miyembro ko ng VIPER sa aking paghihiganti sa pumatay sa nanay ko.

Wala pa ring dagdag na impormasyon si Detective Hernan Villaranca. I'm starting to hate him. Akala ko mala-Sherlock Holmes ang galing niya pero mabagal pa kay Pong Pagong ang usad ng kaso.

Noong araw nga pala na sumali ako sa gang, kinabukasan no'n, may nangyaring hindi ko maipaliwanag. Yung mga micro cameras kasi na naka-install sa bahay, bigla nalang nawala. Hinanap ko ang mga iyon sa bawat sulok ng bahay pero wala na talaga eh. Saan naman kaya napunta ang mga iyon? Kinuha na kaya ng kung sinumang naglagay no'n dati?

A couple of days ago, nagising na si papa. Sabi ng doktor, pagpahingahin pa daw muna si papa doon sa hospital. Mayroon pa naman akong natitirang pera kaya kapag okay na si papa, mailalabas ko na siya. Siguro kapag binigay na sa akin ang una kong target, makakapag-piyansa na ako para sa ikalalaya ng kapatid ko.

Nasabi ko na rin kay papa ang nangyari kay mama. Gaya ko, labis na galit at lungkot din ang nararamdaman niya ngayon.

Alam kong mali itong ginagawa ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi lalapit ang palay sa manok kaya kailangan ako na mismo ang kumilos para makahanap ng pera.

Three days ago, binigyan na ako ng mga baril ni Theo. Nakalagay iyon sa isang malaking gym bag. Isang sniper rifle at dalawang pistol ang laman no'n. Kasama din doon ang aking gang war uniform. May mga kasama na rin iyong mga bala.

For the past week, wala pa namang target na binibigay sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko para dito, oras na bigyan nila ako ng target, hindi ako magdadalawang isip na pumatay.

"Huy!" nagulat na lang ako nang biglang kunin ni Thirdy ang atensyon ko, nag-snap pa ito ng daliri sa harap ko, makuha lang ang atensyon ko. "Nakatulala ka nanaman taglagas," napakamot ito sa kanyang ulo. "Nakakahiya sa mga customers oh."

He motioned to the customers. Medyo madami kaming customers ngayon kaya hindi pwedeng tutunganga lang ako.

"S-sorry" ika ko.

Tumango na lamang si Thirdy at saka dumeretso sa CR dala dala ang kanyang mop. Mukhang doon naman na siya maglilinis.

"May problema ba?" ika ni Kiefer na tumayo sa aking tabi, inilapag niya ang kanyang mga braso sa counter.

Marahan akong umiling. "Wala." iyon lamang ang aking nasagot.

"Sigurado ka? Mukha ka kasing lutang these past few days. Nag-aalala kami ni Thirdy sayo."

HiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon