8~

9.3K 121 11
                                    



Nag-simula na ang parada. Unang iikot ang santacruzan sa unang kanto ng barangay namin. Pagkatapos ay paikot-ikot na sa iba pang sakop ng barangay. Maraming mga taong lumabas pa sa mga bahay nila para manood lang sa amin. Nakakatuwa kung paano kumislap ang mga mata ng mga bata habang nakatingin sa amin. Tinuturo pa nila ang bawat isa samin, siguro pumipili ng gusto nila.





Naka-angkla ako sa braso ni Carl habang naglalakad. Syempre, yun naman talaga ang ginagampanan ng escort eh. Hindi ko padin maiwasan sa sarili ko na hangaan siya sa postura niya ngayon.





Medyo nagtataka nga ako. Hindi pilit ang ngiti ko ngayon. Ewan ko ba. Wala naman akong naiisip na maganda pero hindi maalis sa mukha ko ang ngiti. Dahil ba kay Carl? Hindi ko alam. Siguro. Ewan.





Umihip ang hangin kaya medyo nilamig ako bigla. Napabitaw tuloy ako sa braso ni Carl at napayakap sa sarili. Bakit kasi ganito ang gown ko? Bukas na bukas ang likod. Si ate kasi ang pumili nito eh. Baka pulmonyahin ako dahil dito.



"Bakit kasi ganyan ang suot mo? Nilalamig ka tuloy. Tapos ang dami pang nakatingin sayo." medyo iritang sabi niya na agad ko namang ikinatingin sa kanya.




Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa pagiging concerned niya o anumang pinapakita niya. Ano naman kung maraming nakatingin sakin? Ano naman kung ganito ang suot ko? Ano naman kung nilalamig ako? Ano naman sa kanya?






"Hindi naman ako ang pumili ng damit na 'to. Si ate." sabi ko habang tinitignan ang dinadaanan namin. Kinuha niya ang kamay ko at inangkla ulit sa braso niya.



"Pero kahit na, hindi ka man lang humindi na suotin yan? Nagpapakita ka masyado ng balat." ganun padin ang tono niya, iritado. Napatawa ako ng naiirita.




"Eh ano naman ba sayo? Sino ka ba pra pagsabihan ako ng ganyan?" di ko napigilan ang bibig ko sa pagsasalita. Malamang ngayon ay parang bitter ako magsalita. Ano ba kasi, Bridge!




Napatingin siya sakin at nakita ko kung paanong kumuyom ang panga niya. Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko. Sa hindi malamang dahilan, gusto kong bawiin bigla 'yung sinabi ko. Pero agad ko naman naisip na, bakit ko babawiin? Mas maganda nang alam niya na wala naman siya sakin.



Tumawa siya ng mapakla, "Sino nga ba naman ako?" yun lang ang sinabi niya at hindi na siya umimik pa. Diretso lang ang tingin niya sa nilalakaran namin, ni hindi siya lumilingon kahit saan.




Yung sinabi niya ang nagpaguilty sakin buong parada. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa hindi mapigilang bibig ko, at naiinis din ako kung bakit nararamdaman ko to. Yung pakiramdam na dapat kang magsorry sa isang tao kahit na alam mong hindi naman kailangan pero nakokonsensya ka.




Nagpatuloy kami sa paglalakad na parang walang nangyari, naka-angkla padin ako sa braso niya. Dapat isipin ko na walang tensyon sa pagitan namin. Wala naman talaga diba? Ano naman kung magalit siya?






"Okay ka lang?" tanong ni Vince ng matapos na ang parada. Nagpapaypay siya sa sarili niya habang ako naman ay tinatali ang buhok ko. Nakapagbihis na din ako para mas kumportable.




"Oo, medyo napagod lang sa paglalakad. Ikaw?" tumingin ako sa kanya at ngumiti. Nakapagpalit na din siya ng damit. Umupo siya sa tabi ko at pinaypayan din ako.




"Okay lang ako. Alam mo namang makita lang kita, okay na 'ko." kumindat pa siya sakin tapos medyo siniko ako. Natawa ako tapos tinulak ko siya ng mahina. Ang landi nito! "Oy totoo naman 'yun. Asan nga pala si Carl?" luminga-linga siya sa paligid para hanapin si Carl. Madami pading tao dito sa covered court ng barangay namin. Puro nag-aayos at nagliligpit.




Hot Summer Nights (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon