10~

3.3K 60 24
                                    


Inalis ni Carl ang kamay ni Vince na nakahawak sa kwelyo niya. Kinwelyuhan niya din ito bilang ganti tapos nagtulakan na sila. Mabilis na tumayo ako at sina Allan para umawat. Juice colored, ano ba to?




"Oy oy oy!"




"Oops! Teka kalma!"




Pinagitnaan nila Allan sina Vince at Carl. Napatayo sila Anne sa gulat at bilis ng pangyayari. Matalim na tinitignan ni Vince si Carl at ganun din naman si Carl sa kanya. Maging ako din ay nakikiawat na.





"Easy lang huy!"





Marahas na pumiglas si Vince mula sa hawak ni Jeff kaya nabitawan siya nito.





"Ano bang problema mo?" asar na tanong ni Carl kay Vince. Kita sa mukha niya ang iritasyon.





Hindi sumagot si Vince, tiningnan niya lang ng matalim si Carl bago binaling sa akina ang tingin at lumabas na ng bahay. Yung mga tingin niya.. parang disappointed na nasasaktan na nagseselos.




Tsaka lang talaga nagsink-in sa akin ang nangyari. Bakit nga ba hindi ko naisip ang nararamdaman ni Vince? O hindi ko naisip na nandito pala siya kasama namin? Malamang nagselos yun kaya kinwelyuhan niya si Carl! Buti na lang naawat sila agad. Nako, ano ba tong nagawa ko. Kasalanan ko to eh.



"Anong nangyari dun?" lahat sila ay nagtataka.




Nilingon ko silang lahat bago ko sundan si Vince. Dapat kong makausap 'yung tao. Ano ba naman kasi. Di ko siya naalala kanina. Nalango kasi ako sa malanding sayaw ni Carl eh. Hay, parang ako pa ang sisira sa pagkakaibigan nila.





Nakita ko si Vince na umupo sa kahoy na bangko sa labas ng gate nila Anne. Nahihiya man pero umupo ako sa tabi niya. Nilingon ko siya pero diretso lang ang tingin niya. Tumikhim ako para ipaalam ang presensya ko pero diretso at malayo pa din ang tingin niya. Ano kayang iniisip nito?




"Vince.." siniko ko siya, mahina lang. Pero di niya pa din ako pinapansin.



"Uy Vince.."



Wala pa din.



"Vince.. huy.. sorry na..." inalog alog ko pa ang braso niya ng mahina. Nilingon niya ako, ngumiti siya pero malungkot. Ayoko ng ganyang ngiti eh, ngiting hindi ngiti.




"Sorry para saan, Bridge?" bumuntong hininga siya at sumandal.




"Dun sa ano.. sa nangyari.."




"Ako nga dapat mag-sorry." natawa siya, "May tanong ako sa'yo Bridge.."




"A-Ano yun?" kinakabahan ako.



"May... may gusto ka ba kay Carl?" hindi siya makatingin sa akin. Mahina ang boses niya nang tanungin ako ng ganun. Para bang ayaw niyang malaman ang sagot pero kailangan.



Ayokong magsinungaling sa kanya. Pero ayoko din naman siyang saktan sa pagsagot ko ng 'Oo'. Oo gusto ko si Carl. Pero paano si Vince? Naging mabait at sweet siya sa akin. Ni minsan hindi niya ako pinakitaan ng kasamaan ng ugali. Hindi niya ako binigyan ng dahilan para ayawan siya. Doon ako nahihirapan, kasi nakakakonsensya naman kung sasaktan ko si Vince eh wala naman siyang nagawa na hindi ko nagustuhan.




Pero alam naman natin na kahit anong gawin ko, kahit anong maging desisyon ko, may masasaktan pa din. Ano ba 'tong lovelife ko? Mahal Ko O Mahal Ako ganon?! Kaloka.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hot Summer Nights (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon