9~

8.4K 113 29
                                        

"Bridge, kanta ka!" sabi ni Allan sabay bigay sa akin ng songbook. Wala na akong nagawa kundi pumili ng kakantahin. Napili kong kanta ay 'yung Rebound ng Silent Sanctuary. Ganoon kasi ang trip kong kanta, at bagay 'yun sa boses ko kahit babae ako. Isa pa, favorite ko 'yun.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Anne. Birthday niya kasi ngayon at imbitado kami. Ako, si Jeff, Jane, Jasper, Vince, Allan, Heidi, Lena at si Carl. Tahimik lang akong nakaupo kaharap ang mahabang mesa. Katabi ko sa kanan si Heidi, sa kabila naman ay si Lena. Nakahilera kaming mga babae sa upuan at sa harapan naman namin, nakahilera din ang mga lalaki.

Sa may bakuran kasi nila Anne ginaganap ang birthday niya ngayon. Typical birthday party, simple lang. May handa, mga alak at videoke. Maging sa lamesa namin ay may alak. Lahat kami umiinom pwera lang kay Lena. Napapansin ko naman na tuwing sa akin na ang tagay, ang konti lang. Hindi na ako magtataka, si Vince kasi ang tanggero.

Kinakantahan ngayon ni Jeff si Lena. Ang pinsan ko naman, nakayuko at mukhang nahihiya. Kinakantyawan din kasi namin sila. Pati si Carl ay nakiki-kantyaw din.Uhm.. ewan ko pero hindi na kami awkward ngayon. Normal lang, magpapansinan kung kailangan, ganon. Tska isa pa, ilang araw na din naman kaming civil lang, nagkikita, nagkakatinginan, ganon lang.

"Wooh! Nagba-blush si Lena! Dalaga na!" kantyaw ni Allan at nagtawanan ang lahat, pati ako.

Nakakatuwa at nakakatawa talaga silang kasama. Naaalala ko dati, nakikita ko sila noong mga bata pa kami. Hindi ko sila naging ka-close noon kasi hindi talaga ako masyadong lumalabas ng bahay. Si Carl naman, nakilala ko lang dahil palagi siyang nasa pampang at palagi din akong pumupunta doon.

"Galing! 100! Pag inspired talaga eh!" sabi ni Carl sabay tulak ng pabiro kay Jasper.

"Ganun talaga! Tska magaling kasi akong kumanta!" tawa naman ni Jasper. "O, kay Bridgette na!"

Inabot niya sa akin ang mic at naghiyawan naman sila. Napatingin ako kay Carl na pumapalakpak at nakikihiyaw din.

"Hoy bakit yan 'yung kanta?" natatawang tanong nila. Di ko nalang sinagot dahil magsisimula na.

"O kay bilis namang

Magsawa ng puso mo

Ganyan ka ba talaga

Bigla nalang naglalaho

Para bang walang nangyari

Di mo man lang sinabi.." natatawa pa ako habang kumakanta dahil binibiro din nila ako at tinatanong kung bakit ba talaga 'yun ang kinakanta ko. Kung may pinanghuhugutan daw ba ako. Hay nako! Kung alam niyo lang.

"Sana'y hindi nalang

Pinilit pa

Wala ding patutunguhan

Kahit sabihin ko pang

Mahal kita

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok

Hindi ko pa yata kaya pang labanan ang

Damdamin ko.." kahit ako, natatawa sa lyrics ng kinakanta ko. Ewan ko, ito kasi agad yung naisip kong kantahin. Paborito ko kasi 'to, pati nadin yung ibang kanta ng bandang Silent Sanctuary. Ang gaganda kasi atska kung iintindihin mo yung mga lyrics ng kanta nila, tagos sa puso.

Matapos kong kumanta, si Heidi naman ang sumunod. Inabot sa akin ni Carl ang isang shot. Tinanggap ko yun at dire-diretsong ininom. Binalik ko sa kanya ang baso, nagngitian naman kami. Nilingon ko naman ang nakatingin sa amin na si Vince, in-appearan niya ako at nginitian.

Hot Summer Nights (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon