TDTV 6

1.9K 73 5
                                    

LANCE POV

Sup mga dud. Ako nga pala si Lance, kung nakalimutan niyo na. Ako yung may identical twin na kasing pogi ko rin. Yung nagmaghal pala kamesa iisang tao. Yung tipong hindi ako ang pinili at hindi na ako nakapag angal pa dahil mahal din naman niya ang kapatid ko. Naging masaya nalang para sa kanila kahit masakit , kahit sobrang sakit. Tsk! Tama na nga ang drama.

Kakarating ko lang sa skwelahan kung saan nagaaral ang kapatid ko at si Mikey . Medyo mainit na kasi 12 narin . Naghanap ako ng masilong habang maghihintay pa ako sa dalawang yun. At yun nga may nahanap ako, napansin ko na may nakatayo sa shade na naka unform. Siguru naghihintay ng masasakay. Mga seconds pa ang lumipas napansin kong parang nakatingin sakin ang guy? Ba tong tunay? Na pa lingon ako sa kaniya.

" omg! Leo bat nandito ka? Saan na si mikey? " biglang gulat niya. Huh? Sino to? Mukhang kilala niya si mikey at leo.

" kilala mo si mikey? " tanong ko sa kanya

" hah? Anong sinasabi mo diyan? Diba gayfriend mo si Mikey? " biglang tanong niya sa akin. Ah. Baka naguluhan na to samin. Akala niya ako si Leo.

" ako si-- " pagkaintroduce ko pa sana sa sarili ko ay biglang may tumawag sa kaniya si Mikey.

" uy! Bes nandito kana pala? " ngiting sabi ni Mikey, tsk! Bat ba pag makikita ko ang ngiti ni Mikey may kirot sa puso ko.

" bes oo. Nandito na rin si Leo mo "  biglang sabi niya kay mikey napatingin naman agad si Mikey sakin at ngumiti ako bahagya.

" haha bes. Hindi yan si Leo, yan ang sinasabi ko na kapatid ni Leo si Lance " tawang sabi ni Mikey at kita ko ang gulat na mukha niya.

" Omg! Kambal sila " manghang sabi niya at lumapit sakin " wow. Parang xinerox lang talaga sila " sabi niya at nagulat ako dahil pinisil niya ako sa pisngi. " ang galing.... " sabi niya ulit.

" bes anong ginagawa mo ? Tao yan bes hindi yan statue " biglang sabi ni Mikey at nakita ko sa mukha niya na gulat siya. Haha. Siguru narealize niya na kakaiba ang ginagawa niya.

" hala? Omg! Im sorry po " paumanhin niya sakin

" ahe. Okay lang yun, ano name mo? " tanong ko. Natuwa ako sa taong to, may pagka animated.

" a-Alexander " bulol niyang sabi

" Alexander the great? " biro ko

" Alexander the gay po " seryosong sagot niya. Napatawa ako at kita kong mamula mula ang mukha niya dahil nahihiya ito.

" baby " napalingon  kaming lahat at nakito si Leo na papunta na samin.

" Omg! " biglang sigaw ni Alex

" uy bes bakit ka? " biglang tanong sakanya ni Mikey

ALEX POV

" omg! " biglang sabi ko habang nakita ko si Leo na parating . Mukhang nahihilo ako dahil I"m seeing double.

" uy bes. Bakit ka? " bigla namang tanong ni Mikey.

" mukhang mahihilo ako sa kanila. Magkamukha at laki sila. Hindi ko alam kung ano ang iba sa kanila. Kahit nunal lang or what " sabi ko kay mikey.

" ano ka ba. Ako din naman dati " si Mikey

" bess. Hindi ka ba nagkakamali sa kanila at baka bigla mong yakapin ang maling kambal " napabulong ako sa kaniya. Tumawa naman ng malakas si Mikey. Hala? Tinawanan lang ako? Napatingin ako kay Lance at nakatingin din siya sakin. Shit! Anong tingin yan? Baka mahulog panty ko.

" tara na. Maglalunch na tayo " bigla namang sabi ni leo at agad kong naalala si Jake. Lagot na! Paano ko tanggihan ang isa sakanila? Huhu nakakahiya.

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon