TDTV 23

1.2K 52 2
                                    


ALEX'S POV

5 days na ang nagdaan nung mangyari ang aksidente. Sobra akong naguiguilty sa sinapit kay Ajhay. Kasalanan ko ang lahat, ako ang dahilan kung bakit nawala siya. Ako nalang sana ang nawala kesa kay Ajhay, ngayon labis ang paghihinagpis ng mga nagmamahal kay Ajhay. Lalo na ang jowa niya na si Jeff na hindi matanggap tanggap ang pagkakawala niya.  Habang ibinababa na si Ajhay sa lupa ay mas lalong lumalakas paghihinagpis ang jowa niya. Lumuluha na din ako ng labis, bakit ganun? Kung sino pa ang nakatulong siya pa ang nawala? Nasasaktan ako dahil sana ako na lang ang nawala. Ako nalang ang namatay ako nalang sana ang nililibing ngayon. 

" kasalanan ko to, sana ako nalang ang nawala " iyak kong sabi habang natapos na ang paglilibing, hinawakan ako ni Jake sa kamay at napatingin naman ako sa kaniya.

" shh. Hindi mo kasalanan, aksidente ang nangyari Alex " wika ni Jake at napayuko nalamang ako.  At nagsisialisan na nga ang mga tao at nakita ko na tanging naiwan na nakatayo sa puntod ni Ajhay ay si Jeff. Naglakad ako papunta sa kanya at saglit na kinausap siya.

  " Wala na siya? Wala na ang mahal na mahal kong tao sa buhay ko. " iyak na wika ni Jeff habang napapatulo din ang mga luha ko.

" Jeff, I-I'm so sorry. Ako dapat ang nawala hindi si Ajhay. Kasalanan ko lahat, kasalanan ko kung bakit nangyari to sa kaniya.

" iyak ko at agad naman nagpunas si Jeff ng luha at tumingin sakin.

" wala na akong magagawa pa, kundi ang hintayin ang panahon kung saan magkikita kami ulet ng mahal ko. Kaya kung may mahal ka o nagmamahal sayo gawin mong masaya ang bawat oras dahil hindi mo alam kung kailan sila mawawala sayo. " pagbikas ni Jeff at lumakad na palayo. At ako nalamang ang naiwan nakatayo malapit sa puntod ni Ajhay. Umiiyak pa rin ako, pero tama ang sinabi ni Jeff, pero hindi ko kaya na masaktan ang isa habang pipili ako sa isa.

   " ajhay? I'm sorry pahinga ka na dyan " sabi ko at napapunas ako ng luha. At lumingon na at agad kong nakita ang tatlong lalaki na iniwasan ko ng maraming araw. Si Jake, Lance at Lucas na nasa likod ko lang pala kanina pa.

Tatlong tao na hindi natakot sa kung ano man ang sasabihin ng iba masabi at mapadama lamang sakin kung ano ang pagmamahal. Tatlong tao na ayaw kong masaktan dahil sa kahangalan ko. Tatlong tao na hindi ko lahat maisukli ang pagmamahal na inaalay ko. 

" Alex? Alam ko hindi ito ang tamang oras at lugar para tanungin ko ito pero nakapili ka na ba kung sino sa amin ang sasagutin mo? Promise ko sa iyo tanggap namin kung ano ang magiging desisyon mo dahil napagusapan na din namin itong tatlo. " biglang bigkas ni Lance na ikinagulat ko dahil nagusap pala sila.

" Lance, Jake at Lucas give me 3 days at papangako ko sa inyo sa araw na yun hindi na ako magdadalawang isip na piliin kung sino man sa inyo ang aking pipiliin. Promise. " wika ko naman sa kanila at naglakad na ako at pinuntahan na sila mama na naghihintay na sakin.  Siguro oras na din para hindi na ako mahihirapan , hanggat alam nila na hindi ko kayang pumili hindi nila ako titigilan. Kaya pipili na ako.

   ------------------------------  A 3 DAYS MOMENT LATER

  Mag gagabi na at tila ang lakas ng kabog ko sa aking dibdib. Syet! Kinakabahan ako pero wala ng atrasan to kaialangan ko na tong gawin. 

At may napili na ako.

Itutuloy........ 

END OF CHAPTER 23

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon