TDTV 11

1.6K 62 4
                                    

ALEX POV


Habang nakayakap ako kay Lucas ay gad namang may kumatok sa pintuan dahilan para bumitaw ako sa aking pagyayakap.

" tao po?" Nagulat ako sa narinig ko. Hinding hindi ako magkakamali na si Jake ito. Anong ginagawa niya dito? Gumagabi na.

Agad akong pumunta sa pintuan at para buksan ito habang iniwan ko muna si Lucas sa sala.

" Alex ! " ngiting wika ni Jake sakin. Agad ko namang nakita na may dala siya, mga materials ko! Hindi ko man lang namalayan na nawawala pala ito.

"Omg! Materials ko! " sigaw ko.

" hala? Wala man lang hug or kiss dyan? " wika ulet ni Jake at napatingin ako sa kaniya.

" thank you. " tipid na sabi ko.

" ah, pwedeng pumasok saglit? " biglang sabi niya. Pero napalunok ako, shit! Makikita niya si lucas na nandito baka kung ano isipin niya. Gusto kong umayaw pero ayoko maging bad. Agh! Bahala na nga.

" ah eh. Baka gabihin ka na? " ako

" sus! Sanay akong magpagabi sa labas " siya. Tsk! Wala talaga ako choice kundi papasukin ko siya sa loob, napaka rude ko na pag hindi ko siya papasukin.

" hays. Sige, pasok ka muna. " at yun agad naman siyang pumasok. Wala akong ibang alam na paupuan siya kundi sa sala alangan naman dun sa kusina namin. Haha pero napahinto siya bigla nung nakita niyang nakaupo si Lucas sa couch habang hawak ang remote control, tumingin naman si lucas. Kita ko sa mukha na gulat sila.

" ah . Alex bakit siya nandito ? " sabay nilang wika.

Nakatayo lamang ako habang nakatingin sa dalawa, sana lang wag mag rumble tong dito sa loob na bahay kung hindi ire-wrestling ko tong dalawa.

" ah. Upo ka muna dito, kuha lang ako ng maiinom " at agad akong nag exit. Hays. Lord sana itong dalawa lang ang susulpot ngayon. Wag ng mag dagdag.

TOK TOK

Wahh. Napalibis ng lubos kabog ko sa puso ko dahil may narinig muli akong katok sa pintuan. Agad akong pumunta para  makita kung sino. Please... wag si Lance... at.. yun....!

" nak? Huy! Bat parang nakakita ka ng multo? " napabuntong hininga ako. Hays. Si ate at mama lang pala. " kanina ka pa dito? Nandito pa ba si Lucas? " tanong ni mama.

" OMG! " sigaw ni ate at napalingon kaming dalawa ni mama sa kanya. Nasa loob na pala si ate at malamang nakita na niya ang mga bisita ko.

" ay, oo nga pala may bisita pala ako " sabi ko sa kanila at napatingin naman sakin si ate. " si Jake pala at nandito parin si Lucas " sabi ko kay mama at ate.

" nak? Manliligaw mo yang dalawa? " bulong ni mama sakin

" ma, wag kang magsalita ng ano, " bulong ko din sa kanya

" magiging bitter na talaga sayo ate mo, " bulong ulet ni mama.

" shush " ako. At naalala ko pala na may kunin pala akong inumin para kay Jake.

At yun nga ang awkward na kasi tatlo kami sa couch at na middle ako, si ate at mama ay nasa kusina nag luluto para sa dinner namin. Tahimik kami mga 5 mins dun at di ko kinaya kaya nag start na ako ng conversation.

" ah. Salamat pala ulet Jake dahil dinala mo sakin mga materials ko, kailangan ko talaga to " sabi ko at ngumiti.

" syempre naman, para sayo " sagot naman niya.

" Ahem! " napalingon ako kay lucas sa gawa gawa niyang ubo factor. Hayst. Mahihirapan akong mag adjust sa dalawang ito. Malilito ako kung sino kausapin ko.

" namiss kasi kita kaya dinala ko na ito ngayon " wika ni Jake.

" AHEM! " si Lucas. " Bro, gumagabi na oh, mamamasada ka pa bukas " sabi nito kay Jake. Shit! Ayan na, hindi na nakatimpi. Binigyan ko si Lucas ng masamang tingin at nag peace sign lang siya sa akin.

" ikaw din bro may klase ka pa bukas " bawi ni Jake kay lucas.

" Ahem! Kung sabihin ko kaya kayong dalawa ang umuwi na? " inis ko sa kanila. Siguradong magkakainitan nanaman to mg ulo at baka kung saan nanaman to mapuntahan usapan nila. Hay.. mga lalaking to, ang dami pa namang babae sa mundong ibabaw bat kayo nagtyatyaga sa baklang maganda lang? Char.

Yun nga, dito narin sila nag dinner dalawa. Ang daming niluto si mama kaya ako naman ang dami ko din kinain, tataba na talaga ako nito. Love na love ko kasi ang friedchicken ni mama.

AFTER DINNER

nagrest na sila mama at ate ng maaga dahil napagod daw sila kanina. At yung dalawa? Eto parin, mukhang ayaw ng umuwi. 8:30pm na wala parin ni isa na nagpapaalam. Nakaubos na kami ng tatlong icecream na may tatlong flavor.

" ah, guys? Gabi na, wala ba kayong balak umuwi? " tanong ko sa kanila

" ahh, bro wala ka bang balak umuwi? " tanong ni Jake kay Lucas. Tumingin naman si Lucas kay jake.

" haayy. Oo nga pala gabi na, uuwi na ako " nagulat naman ako sa sinabi ni Lucas. Wow. Yung totoo?

" talaga ? " biglang tanong ko

" oo. Mauna na ako , goodnight " at totoong nagexit na nga si Lucas. Hala?

" ayy. Buti naman umalis na yun " si Jake

" ahem. Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na " tanong ko.

" aray naman alex, parang gusto mo na akong paalisin agad dito noh? " sabi niya.

" hindi naman, tsk. Nagaalala lang ako kasi gabi na, baka may mangyari dyan sayo sa labas " ako.

" aysus! Sweet ng Alex ko oh " ngiti niya.

" che! Tigilan mo ko " pabebe kong wika.

" ayieeh. Pakiss muna para uuwi na ako " nagulat ako sa sinabi niya.

" hala? Kiss ka dyan? Sipa? " ako

" sigi na oh, kahit sa cheeks lang oh " siya.

" sigi na nga. " at ayun nga lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat para maabot ko yung pisngi niya " Muah "

" sarap naman , goodnight alex ko. Maghihintay ako sayo " ngiting wika niya at yun nag exit narin siya. Woohh. Sa wakas, buti nalang walang nakapansin sakin na parang iba pagkaupo ko kanina. Huhu. Masakit siya.

Nagulat akong may narinig akong pagbukas ng pinto. Shit! Nakalimutan kong ilock ang pintuan namin. Napasukan na ata kami ng magnanakaw. Dahan dahan akong pumunta para tignan kung sino ito at nagulat nanaman ako.

" Lucas?! " ako

" Alex? Mahal na Mahal kita, sorry kung gagawin ko to " nalito ako sa sinabi niya at nakita kong agad siyang lumapit sakin at hinawakan mukha ko at dinampi labi niya sa labi ko. Napalaki bigla mata ko, dama ko ang mainit na labi ni Lucas sa Labi ko. Pero hindi yun ang mas inintindi ko, kundi yung mainit na luha na bumubuhos sa mata ni Lucas....

" Lucas? Gawin na natin to.. " bulong ko.........

END OF CHAPTER 11

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon