TDTV 24 - FINALE

2.2K 72 30
                                    

ALEX POV




Bago ako pupunta sa destination place sinabihan ko na sila na ang imi-meet ko lamang yung taong pipiliin ko. Magisip na kayo kung anong gusto niyo tungkol sakin pero isa itong napakahirap na desisyon para sakin.

Nasa park na nga ako at sinabihan na din nila kung saan ko sila makikita at mahahanap. Sa ngayon, sobrang kabog ng dibdib ko. Pero ang hina ko pa din, nalulunglot nanaman ako dahil masasaktan pa din ang dalawa. Tsk.

At naglalakad na nga ako malapit sa isang bench at dun hinanako si
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
LANCE, at dun nakita ko siyang nakaupo at agad naman siyang ngumiti at tumayo pero bigla naman din ito nawala.

Nakayuko akong naglalakad papalapit sa kaniya at napatingin na ako kay Lance.

" Hindi ako Alex di ba? " ngiting tanong ni Lance.

" L-lance sorry, alam kong madami tayong nagawang kakaiba magkasama at sayo ko nagawa ang pang una ko. Salamat sa pagiging totoo mo sakin. I'm sorry ulet Lance sana makatagpo ka din magiging para sayo soon. " malungkot kong sabi. Mas okay pala na pupuntahan ko silang lahat at sasabihin ang dapat kong sabihin at haharapin ko sila. Nasasaktan akong nakikita silang malungkot pero sana naman mawala na pagkaguilty ko after ko mag sorry.

Hindi na ako nagtagal pa at agad na akong naglakad muli sa park. At naghanap ang pangalawang taong dapat kong maghingi ng sorry. Kung nakakalungkot ang pagsabi ko ng sorry kay lance kanina ito ay baka mamatay ako sa sakit pag nalaman niyang hindi siya ang pinipili ko.

Nahanap ko na ang isang damuhan at dun nakita ko siyang nakaupo ang taong pinakaayaw kong saktan sa lahat. Ang taong kahit na kinaiinisan ko ay patuloy pa din siya sa pangunguliy.

" L-lucas? " kaba kong wika. At napalingon siyang agad at kita ko ang pinakamasayang mukha ni Lucas. At tumayo siyang agad at tumakbo at niyakap ako agad. Dama ko ang mahigpitbat galak ni Lucas, fuck! Anong ginagawa ko? Hindi ko na kinaya at napaluha na ako. Syet talaga nasasaktan ako sobra, mapapatawad kaya ako ni Lucas?

" A-lex? Bat ka umiiyak? " tanong ni Lucas

" Lucas? Mahal kita pero... " bago pa akong makasalita pa ay agad naman akong pinatigil ni Lucas. Kita ko na ang namumuong luha sa mga mata niya.

" Alex! Wag mo ng tapusin please " wika niya " A-akala ko pa naman ito ang magiging pinakamasayang gabi sa buhay ko. Akala ko pa naman ako na ang pinili mo, pero bakit ganun Alex? Bakit pupuntahan mo pa ako dito para sabihin lang na hindi ako ang pinipili mo? Alex naman, torture naman to sakin " mangiyak ngiyak na niyang wika. Syet! Parehas na kaming umiiyak pero kailangan ko pa rin tong gawin. Ayoko ng paasahin pa si Lucas. Mahal ko siya pero.... tsk. Fuck! I hate this kind of love, I hate choosing.

" Lucas, please, gusto ko lang magsorry. Sorry dahil sa tagal mong pinapakita na mahal mo ko hindi ko man lang ito masuklian. Lucas, ayokong pumili pero ayokong may umaasa dahil sakin. Lucas, isa lamang akong hamak na bakla pero heto may tatlong lalaki na pinadama sakin kung paano ang feeling na may nagmamahal sakin, ang hindi natatakot ipakita sa lahat na minamahal nila ang isang tulad ko. At Lucas masaya ako, pero Lucas sorry at sana mapatawad mo ko " iyak kong sabi

At agad naman siyang nagpunas ng mga luha ko " Alex, tahan na po. Napapatawad na kita. Tanggap ko na hindi ako ang pinipili mo, masakit at mamimiss ko ang pangungulit ko sayo ang pumasok sa kwarto mo. Sana lang talaga magiging masaya ka kay Jake. Dahil kung hinde, kukunin kita sa kaniya at hinding hindi na kita pababalikin sa kaniya. Puntahan mo na dahil tapos ang 30 minutes " pilit na ngumingiti ni Lucas at alam papa niya na si Jake ang pinipili ko.

JAKE'S POV

8:45 na at napapaluha na ako. Tapos na ang 30 minutes na binigay ni Alex at alam kong ngayon ay kasama na niya ang taong pinili niya para sagutin niya. Fvck! Ang sakit. Bakit ganun? Bat umasa ako masyado na ako ang pipiliin ni Alex eh wala naman akong maipagmalaki, isa lamang akong tricycle driver. Wala akong maipagmalaki sa mama at ate niya. Hindi man lang ako nakapagtapos ng college. At wala rin akong mga magulang o kahit kilalang pamilya, nagiisa lamang ako sa buhay.

Malungkot akong lumuluha na tumayo na sa swing na inuupuan ko kanina. ' Jake, tama na at suko kana dahil hindi ikaw ang pinili ni Alex ' sabi ko sa aking sarili.

Mahal ko si Alex at kaya kong ipangako na aalagaan ko siya at hinding hindi palulungkutin siya. Fuck! Alex bat ka ba dumating at aalis lang naman pala agad? Ang unfair naman.

Naglalakad na ako at pinuntahan ko na lamang ang nakapark kong tricy. Uuwi na lamang ako or mas maganda kung iinom ko nalamang ito.

Malapit na ako sa tricy ko ng may biglang yumakap sa bewang ko ng sobrang higpit. Nabigla ako pero may biglang saya ang nadama ko.

" Jake! " sa pagbikas niya ng aking pangalan ay tila parang musika ito, pinaka magandang musika na narinig ko.

" Alex? " biglang wika ko at agad naman humarap sa kaniya. Bumibilis ang pagtibok puso ko. Si Alex na niyayakap ako, si alex na akala kong hindi na darating. Si Alex na mahal ko.

" bat umaalis ka na? Di ba sinabi ko maghintay sa lugar na sinabihan kong hintayin ako? " wika niya.

" akala ko napili mo na ang taong sasagutin mo " sagot ko naman.

" nakapili na nga ako " sabi niya " at niyayakap ko na siya ngayon " dagdag pa niya. Para akong high sa sobrang saya na nadadama ko ngayon, hindi ko napigilan sarili ko at agad ko siyang hinalikan sa labi, hindi din naman niya ako tinanggihan.

" Alex? I LOVE YOU. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya at Hinding hindi na kita pakakawalan pa, pangako yan " wika ko sa kaniya at napangiti naman siya at ulit binigyan ko siya ulet ng mahigpit na yakap.



THE END



AUTHOR'S INTERRUPTION

Mahirap ang mapunta sa sitwasyon na kung saan ay kailangan mong pumili, dahil mapupunta ka sa sitwasyon na magdadalawang isip ka at sa kung ano man ang iyong desisyon o sino man ang iyong pipiliin, may masasaktan ka parin.

Hi guys, Alam kong lousy na ang ending at alam kong boring na ang ending. Sorry sorry po talaga. Alam kong maraming nagalit sakin dahil sa ginawa ko sa character dun sa isa kong story.

Pero thank you padin sa pagbasa at paghintay niyo sa mga updates ko. Hindi niyo po alam kung gaano niyo ko pinapasaya pag masaya kayong nababasa mga updates ko. Muuahhh😄😘

AUTHOR AJHAY IS SIGNING OFF.

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon