TDTV 21

1.3K 53 2
                                    

JAKE'S POV



Sabado ngayon at alam kong may isang subject si Alex ngayon, pero hindi ko man lang siya nakita kanina, ilang oras din akong naghintay sa palaging place na naghihintay siya ng masakay. 1 week na rin ang nakalipas nung pinaka masayang araw sa buhay ko. Pero bakit parang ayaw magpakita ni Alex sakin? Oh magparamdam lang naman? Binigay ko naman number ko sa kaniya. Pati sa school hindi ko na din siya nakikita pag uwian time na nila. Iniiwasan na kaya ako ni Alex? May nagawa ba akong mali sa kanya? O hindi niya nagustuhan ang ginawa ko sa kaniya?

At heto ako ngayon, namamasada at as usual , gulat ang mga estydyante kung bakit daw ako tricy driver. Sayang daw kapogian ko. At nagpapapicture pa sa akin. Okay na rin siguro, kasi mas dumadami suki ko, sakin narin sila madalas sumasakay. Meron pa nga may crush na sa akin, tsk! Pero may Alex na kasi ako eh, sa kaniya ko na inaalay puso ko.

Habang namamasada ako, bigla akong napatingin sa side at napapreno ako bigla, si Alex! Si Alex na naglalakad. At nagpito ako. Bigla naman siyang napalingon.

" ALEX! " Sigaw ko at napangiti sa kaniya

" J-jake? " wika niya at biglang lumakad palayo. Luh? Saan yun pupunta? Umalis ako bigla sa tricy at hinabol siya.

" uy! Alex teka, saan ka pupunta? Bat mo ko tinatalikuran? May problema ka ba? " tanong ko pagkahabol ko sa kaniya.

" Jake, so- sorry" mahina niyang sabi.

" hah? Sorry saan? " litong tanong ko.

" basta " sagot naman niya.

" So ganun? Kaya ba hindi na kita nakikita kasi iniiwasan mo na ako? " biglang pagiba ng boses ko. Alam ko may mali, iba na pakiramdam ko, feeling ko may hindi dapat akong malaman.

" Jake, ayoko masaktan ka. Ayoko may masaktan sa inyo " lungkot na sabi niya.

" Sabi ko na nga ba eh, dahil to sa Lucas noh? Nalilito ka kung sino pipiliin mo? Tsk! Alex naman! Bat kailangan mo pang pumili eh andito na ako? Tatanggapin at mamahalin ka buong puso. Hindi pa ba yun sapat at kaiangan mo pang mamili sa amin? " biglang pagbigkas ko ng mga salita yon

ALEX POV

Nakita ako ni Jake, at ngayon, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang mga bagay na kailangan ko ng sabihin. Nagdesisyon ako na ayoko silang masaktan,  ayokong mamili, mas mabuti siguro na iwasan ko nalamang sila.

Habang nagsasalita ay maluha luha na ako, naguiguilty ako sobra. Kasalanan ko ba na mahulog sila?, kasalanan ko din ba na mahina ako?

" Ano Alex! Magsalita ka naman please! So yung nangyari satin wala lang yun sayo? Alex, buong puso at pagkatao ko ibinigay ko sayo noong gabing yun, sana naman mafeel mo na mahal kita " nagiging emosyonal si Jake. Napapaluha narin ako. Luh? Sumisikip dibdib ko. Bakit ganun? Ayoko kong makitang ganito si Jake, nadudurog puso kong makita siya ng ganito.

" Jake please, hindi ko deserve pagmamahal mo, isa lamang akong hamak na salot! May mas deserving pa dyan sa love mo " mangiyak kong sabi at tila nakikita ko na ang pagpatak ng luha sa mata ni Jake. Labis na nadudurog puso ko sa bawat pagpatak ng luha niya. Nagpaiyak ako ng lalaki, pinaiyak ko si Jake.

" Fuck naman Alex! Wag mo naman sabihin sakin na hindi mo deserve pagmamahal ko at may mas deserving pa dito! Sayo ko nga inaalay to, kasi para sakin, sapat ka na at ayoko na ng iba pa " sabi niya at pilit wag humikbi sa pagiyak at buhos ng luha niya.

Napatingin nalamang ako sa kaniya at pawang luha nalang ang bumubuhos sa aking mga mata. Bakit ganun? Bakit kahit napaluha ko na siya ayaw niya parin akong iwan? Kahit nasasaktan na siya dahil sakin sinasabi parin niya na mahal niya ako. Jake? Bakit ako? Bakit sa maling tao at pagkatao mo inaalay pagibig mo? Dito sa mundong mapanghusga?

Hindi ko na kaya, ayoko na siyang makitang lumuluha. Nasasaktan ako sobra. Tumalikod ako at para lumakad na nang may biglang humawak sa kamay ko at napatigil ako..

" Alex, Please. Stay " makaawa niya.

" ALEX? " at may bigla ring tumawag sa pangalan ko, natapatingin ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Lucas na nakatayo sa papasok sa lugar namin habang may kargang supot. " at J-jake? " dagdag ni Lucas

Fvck! Bakit kailangan pa nandito silang dalawa? Nabitawan ni Jake kamay ko at napatingin din siya kay Lucas.

" Bat umiiyak ka Alex? Anong ginawa mo sa kaniya?! Hah! " biglang sugot sana ni Lucas kay Jake.

" Lucas! Itigil mo yan! Wala siyang ginawa sakin " pigil ko kay Lucas.

" p*ta ! Bakit ka umiiyak kasama yang Jake na yan?! " gigil na sabi ni Lucas. Galit si Lucas.

" ngayon nandito si Lucas , Alex sabihin mo sino pipiliin mo " biglang salita naman ni Jake. Napalaki mata ko. Syet! At kita ko din ang pagkagulat ni Lucas.

" please Jake " sabi ko.

" PUTA ALEX! SABIHIN MO! " biglang sigaw ni Jake. Nagulat ako sa naging asta ni Jake. Iba sa Jake na lumuluha kanina.

" Brad! Wag mong sinisigawan si Alex! At sigurado naman ako ang pipiliin ni Alex " sabi naman ni Lucas.

Luh? Pinipigilan ko pa rin si Lucas na makalapit kay Jake baka kung anong magawa nila sa isat isa. Ayokong pumili, ayokong may masaktan. Hindi ako sumagot at tumakbo na lamang palayo hanggang sa maabot ako sa bahay namin.

Umiiyak. Akala ko masaya pag maraming nagmamahal sayo pero masakit palang makikita mo na may nasasaktan dahil sakin. Mahal ko sila pareho, dahil alam kong tanggap nila kung ano at sino ako. Pero? Bakit ganun? Bakit kailangan sabay pa sila?

Bat ang lungkot lungkot ko na?



Itutuloy.......

END OF CHAPTER 21

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon