TDTV 13

1.6K 58 1
                                    

ALEX POV

Umaga na nang magising ako, agad naman akong tumingin sa tabi ko. Shocks! Wala na pala siya , natakot ako baka nandito pa siya kung ano masabi sakin ni mama. Agad naman akong bumangon para maghilamos at para kakain muna ng breakfast. Napapa aray ako habang naglalakad ako papuntang banyo.

" oh? Nak? Anong nangyari sayo? " biglang tanong ni mama.

" wala  lang ma, masakit lang yung bewang ko mali ata pwesto ko natulog kagabi " pagsinungaling ko kay mama. Haha. If I know, dahil to sa mga kagagawan ng mga hokage kahapon. Tsk! Ano ba ginagawa ko sa sarili ko? Baka makarma na ako nito.

Matapos ko magdamit ay agad na akong nagpaalam kay mama dahil papasok nanaman ako. Nakakaantok pa talaga , dahan dahan akong naglalakad papuntang paradahan ng jeep at tricy.

BEEP! BEEP!

Nagulat ako sa pito na yun at parang nabuhayan ang kaluluwa ko.

" Jake! Ano ba? Ang ingay mo " sigaw ko naman sa nang pito

" bakit? Para ka kasing zombie dyan naglalakad " tuwang sabi naman niya.

" ewan ko sayo! Wala ako sa mood " inis ko naman sa kaniya.

" uy! Sorry na , sakay na dito oh " utos niya sakin.

" hindi na! Magjejeep na lang ako ngayon " painis kong sabi sa kaniya at kunyari na maglalakad na at yun nga agad naman siyang bumaba sa tricy at hinarangan ako.

" uy! Teka lang. Sorry na nga eh. Sakay na oh. Baka malate ka pa " utos niya ulet at hinawakan na ang kamay ko at hinila ako papunta sa tricy niya. Tila napapangiti ako sa ginawa niyang paghila sakin. At ayun nga pinaandar na niya ang tricy at pinatakbo na niya ito. Habang nakaupo lamang ako ay napapaisip ako, tama bang ginawa ko kahapon? O nadala lang ako masyado ? Dama ko parin ang sakit sa lagusan ko kaya hindi tama ang pagkakaupo ko sa tricy. Haha

Nakarating na rin kame sa school at gaya nang dati hindi nanaman niya kinukuha bayad ko at sasabihing babalik siya mamaya pag uuwi nanaman ako kasi siya lang ang maghahatid sakin. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit ako ang pinagtiyatiyagaan ni Jake. Mas mabuti naman siguru kung sa babae siya man ligaw, gwapo naman siya, kahit sino mahuhulog dito kahit tricy driver to.

Naglakad na ako papuntang classroom namin pero habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Shit! Dahil talaga to kahapon sa Lance na yun!

.........

Natapos na lahat ng class ko makakahinga na talaga ako dahil masakit talaga katawan ko. Dahan dahan akong lumabas sa building dahil baka may masalubong ako isa sa mga nakatalik ko kahapon, mayghad! Ayoko ng maulit, masakit pa masyado.

Nang makita ko wala naman ay agad akong tumakbo palabas ng gate at napangiti ako dahil nandito narin si Jake na naghihintay sakin. Agad akong tumakbo sa tricy at pumasok din ako agad.

" oh? Alex? Parang nagmamadali ka yata? " gulat na tanong ni Jake.

" hehe gusto ko lang kasi umuwi ng maaga, " palusot ko.

" ahh. Okay. " nagpaandar na siya. Nakahinga ako ng malalim at nagrest na rin ako ng saglit sa tricy. Hindi siya nagsasalita at nagtataka ako kung bakit.

" oy? Jake? Bat ang tahimik mo ata? Parang kanina ka pang umaga ganyan? May problema ba? " usyoso kong tanong.

" hah? Wala lang. Nagiisip lang ako? " sagot ni jake

" gaya ng? " tanong ko ulet sa kaniya.

" ahh. Gaya ng , kung paano kita mapasagot " diretsong sagot ni jake na nagpalaki ng mata ko. Shit! Ayan nanaman yang mga tirada niya.

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon