TDTV 22

1.2K 50 2
                                    

Please be guided po na merge po itong chapter sa  dalawang stories ko po kaya wag po kayo maguluhan. yan po kasi ang time na tamad po ako, kahit ngayon din naman ahaha 'kay, enjoy po kayo. I guess? Hihi

Hi mga readers ko po. Wag po sana kayo maguluhan, gaya nga ng sabi ko may connect ang magiging ending ng isang story ko sa isa ko pang story. Kaya eto na po, sorry kung natagalan ako masyado. Thank you
TDOTV ( THE DRIVER OR THE VENDOR ) and FMTB ( FUCBOI MEETS THE BITTER )

CHAPTER 22



ALEX POV

3 days na ang nakalipas at parang nawala ako ng gana sa lahat ng bagay pati si mama nagalala na para sakin. Nasasaktan pa rin ako kasi ang gagu ko lang feeling ko nga naging instant Fucgay ako dahil sa tatlong nanliligaw sakin eh natikman ko lahat. Ang babuy ko, mas babuy pa sa inaalaga naming mga baboy.

Nagsesend parin sakin si Jake at Lucas ng mga messages minsan nagcocall din pero ni isa hindi ko sinasagot. Palagi na rin akong wala sa bahay dahil alam kong pupunta at pupunta sila samin para kausapin lang ako.

Ngayon ay naglalakad ako at biglang may narinig ako kanta " Malaya by Moira " . Naglalakad ako pero bigla akong napapaluha, bawat titik at letra sa kanta dama ko. Umiiyak ako habang naglalakad sa kalsada, wala na ako ibang naririnig kundi ang kanta at nawala na ako sa katinuan, nasa sarili akong mundo ko.

At may biglang tumulak sakin at napalipad ako at napatumba, syet! Nagasgas siko ko at parang nabalian ako ng buto sa braso pero gulat akong nakaupo at nakatingin na tumilapon ang isang lalaki sa kabila, tinulungan niya ako?

Agad akong tumayo kahit masakit braso ko at may hapdi na akong nararamdaman. At dumudugo na rin ito. Pa ika ika akong pumunta sa nakahandusay na lalaki, syet! Wala siyang malay at may dugo sa ulo niya. At dun sumigaw na ako ng tulong, sumigaw ako ng malakas at lumapit na din ang mga tao samin at yung iba nag tawag na ng ambulansya. Mangiyakngiyak na akong hinahanap cp niya at tawagan ang nakakakilala sa kaniya.

Pumunta ako sa Recent calls at nakita ko ang maraming missed call sa Lloyd ang pangalan. Hindi na ako nagdalawang isip at kinontack ko agad siya.

" Ajhay? " pagkasagot ni Llyod

" kaibigan ka ba ni Ajhay? Please pumunta ka dito sa may park malapit sa ADAN street please " iyak kong sabi sa phone.

" hah! Bakit anong nangyari sa kaniya?! " gulat naman niyang tanong.

" nabungga siya ng isang kotse dahil sinagip niya ako, please. " pagkasabi ko nun ay na end call na siya agad at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nahilo ako at nawalan ng malay.

----------------

LLYOD'S POV

Fuck! Fuck! Fuck! Ajhay!

Dahil sa call na natanggap ko ay napatalon ako agad at kinuhan ang motor ko at humarurot agad ng takbo. Hindi na ako naghellmet pa at para akong lilipad sa bilis ng takbo ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa nalaman ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, nabablanko ako. Nanginginig ako buong laman mo sa katawan. Gusto ko agad makita kalagayan ni Ajhay.

" ajhay please be okay " sa isip ko.

------------------------

JEFFREY'S POV

Habang nasa kwarto pa ako ay naiinip na akong lumabas natanggal naman din ang dextrose ko sa kaya gusto ko ng umalis pero pinapahinga pa muna ako. Wala akong magawa kundi ang humiga nalamang. Nagbihis na rin ako kasi kahapon pa ang suot ko.

" ma aalis lang muna ako at magpahangin " sabi ko kay mama habang kinukuha ko ang isang basong tubig at bigla naman itong nahulog.

" Jeff naman, magingat ka nga baka masugatan ka dyan " sabi ng mama at kinuha niya agad ang dustpan at walis. Napalaki ako ng mata, syet! Hindi ko naman yun nahawakan pa ah? Bat nahulog?

" ma si Ajhay! " bumilis tibok puso ko ng may narinig ako ambulansiya na dumadating sa ospital. Agad akong lumabas, dahil sa groundfloor lang din naman ang kwarto ko ay makikita ko lang ang mga bagong pinapasok dito. Iba ang pagkaba ko, biglang nanginig kamay ko, kinuha ko na rin ang CP ko at agad kinontak si Ajhay, dumating ang pagong pasok na pasyente agad akong nakiusyoso at tumingin sa walang malay na lalaki  hindi siya at napabuntong hininga ako, habang tinatakbo siya paloob.

Patuloy ko parin kinokontak at nariring lamang ito. God! Ajhay saan ka na? Habang nakatayo ako ay agad kong narinig ringtone ni Ajhay natuwa ako at napalingon at nakita ko ang isa pang rolling bed na pinapasok at tinatakbo sa paloob.

Nanghina ako bigla sa nakita ko, si Ajhay, si ajhay ang nakahiga at walang malay na tinatakbo nila paloob, walang malay, duguan ang ulo, si Ajhay. Nabitaw ko ang CP ko at agad hinabol ang rolling bed.

" Fuck Ajhay! Ajhay! Please, anong nangyari ? " umiiyak na akong nakatingin sa walang malay na ajhay habang sinasabay ko sa pagpasok sa loob.

" sir sorry hanggang dito na lamang po kayo " sabi ng nurse.

" No please, ajhay, " sigaw at papupumiglas ko , nagwawala na ako dito. Nagtitinginan na sakin ang mga ibang tao sa hospital.

" Jeff? Anong nangyari, ? " biglang hawak ako ni mama at niyakap ko siya.

" Ma! Si Ajhay! Nakita kong duguan, walang malay, " iyak ko " Ma si Ajhay, please " dagdag ko pa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nadudurog puso ko, hindi ko maalis sa isip ko ang walang malay na Ajhay.

" sshh! Tahan na Jeff. " si mama at agad naman niya kinusap ang nurse " ahm, miss anong nangyari sa pasyente na kakapasok lang dito sa E.R. ? " tanong ni mama.

" nabangga po ng kotse , kayo po ba ang pamilya? " nurse

" opo " sabi ni mama at bumalik sakin. Iyak na ako ng iyak sa labas ng E.R at si mama ay hindi alam kung anong gawin.

----------------------------

LUCAS POV

" dyosko! Si Alex ko " sigaw ng mama ni Alex habang nandun akong naghihintay sa may couch. Napatayo ako bigla habang ang ate at mama ni Alex ay namamadaling umalis sa bahay.

" oh? Bakit po? " takang tanong ko

" tumawag samin ang ADAN hospital. Naaksidente daw si Alex " mangingiyak na sabi ate ni Ajhay. Napagulat at taranta ako sa sinabi ng ate ni Alex at ako pa ang naunang lumabas at naghanap ng may masakyan.

Nasakayan na ako at nakita ko si Jake na nakaparada putcha! Wala na akong choice kundi siya ang tawagin.

Tinawag ko na din ang ate at mama ni Alex na sumakay na dito.

" saan po tayo? " tanong ni Jake.

" puta bro! Bilisan mo na! Sa ADAN hospital tayo! " gigil na ako.

" aba! Maka asta ka kala mo hah " nagalit naman si Jake.

" Please, paandarin mo na driver, naaksindente anak ko at kailangan ko siyang makita. " sabi ng mama ni Alex.

Napalaki mata ni Jake agad naman siyang humarurot ng takbo.

Kahit malamig ay tagaktak ako ng pawis, sana okay lang si Alex. Sana Walang malalang nangyari. Please, lord magpapakabait po ako bantayan niyo lang siya.

-----------------------

LLYOD'S POV

Nakarating na rin ako sa ADAN hospital at daling pumunta sa Emergency room. Agad kong nakita si Jeff na nakaupo at umiiyak sa isang sulok. Tumakbo ako.

" si si Ajhay? " tanong ko kay Jeff pero hindi niya ako kinausap at patuloy sa pagyuko niya at iyak.

Napatingin kaming lahat dahil bumukas ang pintuan sa ER. at napatayo na rin si Jeff at agad niyang nilapitan ang doctor..

" D-doc? Si A-ajhay po? " mangiyak na tanong ni Jeff.

" im sorry but........... "

Itutuloy......

END OF CHAPTER 22

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon